CAPTURING DECLAN
C H A P T E R - 41
Old friend.
"Hoy, baka naman gusto mong magpahinga? Magday off ka naman." Saway ni Sandy na sumandig sa pader malapit lamang sa akin.
Hindi ko siya pinansin at patuloy lang sa pagmamadaling hanapin ang cellphone ko na hindi ko mahanap-hanap. "Nasaan na ba kasi ang cellphone ko?" Naiinis kong tanong sa sarili.
Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. Nanahimik lang siya ng ilang segundo bago siya muling nagsalita. "Pwede ba tayong magusap?"
Nagtaas ako sa kanya ng tingin. Habang nagkakalkal pa rin ang kamay ko. "Tungkol saan yan?" Ibinalik ko ang mga mata sa hinahalukay. "Pwede bang mamaya na yan pagbalik ko? Late na kasi ako sa—"
"Importante 'to, Von." Seryoso niyang sagot sa akin, dahilan para matigil ako sa ginagawa.
"Bakit?" Tinignan ko siya ng may pagaalala. "May problema ba?"
Inabot niya ang palapulsuhan ko at saka ako dahan-dahang hinila paupo sa kama. "Ahm," Mayroon akong nakitang pagaalinlangan sa kanyang mga mata. "Tungkol ito kay... kay Stacy."
Naramdaman ko ang paglamig ng aking kamay. Napalunok ako. Sa totoo lang, mas kaya ko pang harapin si Cristoff, pero si Stacy? Ang babaeng naging kapatid at kaibigan ko, ang babaeng naging dahilan din ng pagdurog ng puso ko. Hindi ko siya kayang harapin. Natatakot ako. Hindi ko alam ang gagawin kapag nagkita man kami. Mas nadurog ang puso ko sa ginawa niya sa akin, kahit na kasama doon si Cristoff. Dahil mas matimbang siya sa akin, kaya kong bitawan si Cristoff para sa kanya. Mas minahal ko siya.
"A—Anong tungkol sa kanya?" Nauutal kong tanong.
Bumuntong hininga si Sandy at may paglamlam sa kanyang mga mata. "Nangako kang susubukan mong makipagusap sa kanya, hindi ba?" Dahan-dahan akong tumango kahit na hindi ko gusto. Ayoko. Tumayo siya sa aking harapan. "Alam kong napipilitan ka lang, alam kong ayaw mo. Pero, para rin ito sa iyo, Von. Ito ang—"
"—ang unang step." Putol ko kay Sandy.
Tumango siya at ngumiti siya sa akin ng maliit. Tumayo ako para yakapin siya. Sa totoo lang, napipilitan lang akong gawin ito. Hindi ako handa. At hindi ko alam ang sasabihin o gagawin kapag nakaharap ko na siya. Ganoon naman ang tao, hindi ba? Natural na sa atin na layuan ang taong minsan tayong sinaktan. Yun din ang ginawa ko. At alam kong, ginagawa ito ni Sandy dahil gusto niyang makita akong masaya. Malaki ang pasasalamat ko at nasa tabi ko si Sandy, wala siyang katulad.
Lumayo siya sa akin ng kaunti. "Nakausap ko siya, at... balak ka niyang puntahan sa coffe shop."
Tumango ako at muling ngumiti. "Hihintayin ko siya."
Saglit na inilibot ni Sandy ang kanyang mata sa aking mukha, hinawi niya ang hibla ng buhok kong nakawala sa aking pagkakapusod. "Kapag naayos na ito, at guminhawa 'to,—" Tinuro niya ang aking dibdib. "Malilinawan ka rin. At kapag nangyari 'yon, pwede mo nang ayusin ang lovelife mo." Ngumiti sa akin.
Ngumiti ako sa kanyang kaunting biro. Alam ko ang ibig niyang sabihin. "Sana nga, Sandy. Sana nga."
HINID AKO mapakali habang nasa shop. Hindi ko alam kung anong oras ba siya darating o kung darating pa ba siya dahil patapos na ang shift ko. Buong araw akong kinakabahan na laging nakabantay sa kada papasok na costumer sa pinto. Buong araw akong nagisip ng sasabihin, gusto kong ilabas ang matagal ko ng tinatagong ito sa dibdib ko. Gusto kong malinawan. Gusto kong bumalik ang dating ako. Gusto kong makausap si Declan. Pero bago ko magawa 'yun ay kailangan ko muna itong gawin.
"Hindi ka pa ba uuwi? Parating na si Erwin, natraffic lang daw." Ani ni Glen habang tinatali ang buhok niyang mahaba-haba na rin.
"Ah, baka maya-maya na. May... may hinihintay lang ako." Sagot ko sa kanya na nakatingin pa rin sa pinto ng shop.
"G—Ganoon ba? Ahm, boyfriend mo?"
Napabaling ako sa kanya. Nakita ko ang kuryusidad sa kanyang mga mata. Bakit siya interesado? "Hindi..." Paano ko ba ipapaliwanag. "Dating ano... Ah-Ah! Kaibigan." Dati. Tumango ako para maging kapani-paniwala. "Kaibigan."
"So, wala kang boyfriend?" May kabilisan niyang tanong.
Bigla ay pumasok sa isip ko si Declan. Dapat ko bang sabihing mayroon? Pero hindi naman kami. "Ano... Wa—"
"Wala?" Bigla ay nagningning ang mata niya. Lumapit siya sa akin at yumukod ng kaunti dahil sa pagkakaiba ng tangkad namin.
Ang totoo niyan, mayaman talaga itong si Glen. Kaso, hindi niya na nakasundo ang ama niya ng mamatay ang ina niya at naging dahilan iyon para malayo ang loob niya sa ama. Kaya eto siya at nagsisikap para sa sarili, pataket-raket minsan. Gwapo ito at matangkad. Moreno at may pagkabanyaga ang itsura.
"Kung ganoon, pwede ko bang—"
Bigla kong narinig ang pagbukas ng pinto ng shop dahilan para mabaling ang mga mata ko doon. Hindi ko na narinig pa ang sasabihin niya ng makita ko kung sino ang kasama ni Erwin na papasok ng shop.
"Oh, Shivon. May naghahanap sayo oh." Nguso nito sa kasamang babae.
Natuod ako at namutla ng makita ko siya.
"Stacy..."
***
ImperfectPiece
YOU ARE READING
CBS#2: Capturing Declan (COMPLETE)
Teen FictionClingy Boys Series#2: Capturing Declan Declan Luke Enriquez Jordan has the list of his own rules about what to choose on screwing chicks, including the do's and dont's. Pero nang maencounter niya si Adeelah Shivon Agatep Tavajes na eksaktong eks...
