Chapter 16

30.8K 505 21
                                    





CAPTURING DECLAN
C H A P T E R - 16
Unknown.










"... At ayon, bigla na lang siyang nagpaalam na uuwi na daw siya." Kwento niya kay Sandy.









Binisita siya nito ngayong araw, at nabanggit niya ngang muling bumalik si Declan para lamang akusan na isa siyang mangkukulam at nakulam niya ito. Ano kayang pumasok sa kokote 'non? Saan nito nakuha ang ideyang mangkukulam siya?








"Ano ba naman 'yan!" Maktol ni Sandy. "Dapat tinawagan mo ako! Edi nakapagpicture sana kami." Binigyan siya nito ng nakamamatay na irap.









Tinignan niya nang may pagkabagot si Sandy. "Hindi rin iyon papayag, bigla bigla na lang na umiinit ang ulo ng taong 'yon. Ewan ko ba kung bakit, saka may black eye nga sa mukha diba?"









Hinampas siya ni Sandy. "Bakit mo ba kasi siya sinuntok? Nako. Kapag nakulong ka, sigurado akong maibebenta mo talaga yung rancho niyo." Pananakot ni Sandy.









"Hindi naman siguro, mukha ngang okay lang sa kanya na nasapok ko siya eh." Kibit balikat ni Shivon at nagpipindot muli sa kanyang cellphone.









Kagabi, nang ayain niya itong kumain at pagkatapos niyang pagsandukan, tinitigan pa siya nito na hindi niya naman inintindi. Pagkatapos 'non, bigla na lang na tumayo si Declan at parang may malalim na iniisip. Ayon at nagpaalam na uuwi na daw siya at marami pa siyang aasikasuhin. Hinayaan ni Shivon. Mabuti nga't uuwi na ito, ayaw niyang magalaga ng isang taong hindi mo alam kung kailan puputok ang tuktok. Ano bang problema ng taong 'yon? Akala mo nabubuhay na sama ng loob. Hindi maintindihan ang ugali! Biglang seryoso, biglang magbabago na naman ang ugali at parang nanlalandi, tapos ay isang minuto lang at kumukulo na ang dugo. Saka isa pa, wala naman siyang pakealam. Kesehodang may pasa man ito o anoman, wala siyang pake.








Naglalaro nang kung ano si Shivon sa kanyang cellphone ng biglang tumunog ang message tone niya na nagiindiktang mayroong nagtext. Napakunot siya ng noo. Sino naman ang magtetext sa kanya sa numerong gamit niya ngayon? Mga trabahador niya sa rancho? Eh kahit nga na si Sandy at ang Papa niya ay hindi pa alam ang bago niyang number eh. Pero tinignan niya pa rin kung sino iyon.







From: +639062543***
Receive: 10:13 P.M

Witch, tigilan mo na ako!







Isang tao lang ang tumawag sa kanya nang mangkukulam. Napataas ang kilay ni Shivon. Aba? Saan naman nakuha ng lalakeng iyon ang number niya? Paano nito nalaman? At teka nga, ilang beses niya bang ipaiintindi ditong hindi nga siya mangkukulam? Napailing si Shivon sa mga kabaliwang iniisip ni Declan.









Hindi siya nagreply dahil uulitin niya, wala siyang pakealam. Bahala ang lalaking 'yon! Ano ba kasing dapat niyang itigil? Eh hindi naman niya ito kinulam dahil unang-una ay hindi naman siya mangkukulam! Dapat nga ay wala na silang koneksyon dahil sa nangyari sa kanilang dalawa, pero ito at ilang linggo na ang lumipas pagkatapos ng lahat at heto nga't kahapon lang ay magkaharap sila. Ipinagpatuloy ni Shivon ang paglalaro.








"May pagkain ka ba dito? Nakakagutom naman talaga kapag bored oh." Sabi ni Sandy habang pinapalipat-lipat nito ang page ng hawak nitong magazine. "Magbar kaya tayo mamaya?"







Ibinaba ni Shivon ang cellphone. "Anong tayo? Ayoko na 'no. Ikaw na lang doon."





Umakto si Sandy na hindi makapaniwala. "Wow, friend ha." Dinuro siya nito. "Kung hindi kita niyaya nang gabing 'yon, edi hindi mo sana nakachurva si Papa Dec—"






"Shivon!"





Napatingin silang dalawa sa pintong kumakalabog ni Shivon, pagkatapos ay nagkatinginan silang dalawa ni Sandy. Nagtaas ng kilay si Sandy samantalang nakakunot naman ang noo niya.






"Sino 'yon? Nambubulabog oh." Tinignan siya ni Sandy nang may pagdududa. "May utang ka ba?"







Gusto niyang sabunutan si Sandy. Minsan, medyo mahina rin ito eh. Napairap si Shivon at pagkatapos ay napabuntong hininga.






"Shivon! Answer my messages, you witch!" Sigaw ng lalaking patuloy na kinakalabog ang pinto niya.








Ano na naman ba ang ipinunta nito? Kelan ba siya nito titigilan? Bakit ba balik ito ng balik?







Hind na magugulat si Shivon kung biglang isang araw paggising niya ay wala na siyang pinto.







Muling kumalabog ang pinto niya. "Shivon!"






***

ImperfectPiece

CBS#2: Capturing Declan (COMPLETE)Where stories live. Discover now