Chapter 47

25.4K 519 48
                                    

CAPTURING DECLAN
C H A P T E R - 47
Pagibig 101.




"What the hell happened to you?"





Iyon kaagad ang lumabas sa bibig ng kanyang kapatid nang nakita siya nitong nakalugmok sa sofa niya habang napapalibutan ng hindi mabilang na mga basyo ng alak at can ng beer. He's drunk straight for days.
Hindi niya kasi alam ang gagawin. Gusto niya na lang na maglasing at makatulog para kahit sandali naman ay mawala sa isip niya si Shivon.





"Want some?" Itinaas niya ang isang bote sa ere. Inaalok ang kaptid.






Nangunot ang noo ni Benneth. "Nawala lang ako ng isang buwan? Ano na nangyari sayo kuya?" Lumapit ito patungo sa kanya at naglakbay ang mga mata nito sa mga basyo. "What are this?"





"Bottles." Sarkastikong sagot niya bago lumagok sa hawak na bote ng alak.






Tumango si Benneth. "Exactly."





Pagkuwan ay natahimik silang dalawa. Bigla ay nabalik siya sa kasalukuyan mula sa pagkakatulala nang marinig niya ang yapak ni Benneth. Nagangat siya ng tingin ng makita niya ang sapatos nitong nasa tabi niya na.





"Ilang araw ka na daw na hindi pumapasok sabi ni Thomas."




"Who cares?" He snapped.





Bumuntong hininga si Benneth. "Look, i'm here because I care. We care—"



"—but Shivon don't. "Declan whispered quietly. "She don't."



"I see. So, this is all about her?" His brother asked.


"Obviously."


"Thomas told me about her too." Umupo si Benneth sa sofang kinasasandigan niya. "You fucked up."






"I did." Pagaamin niya. "Nagawa ko lang naman ang bagay na 'yon cause I was hurting. But that didn't changed to what I feel about her." Tiningala niya si Benneth.



"Ang totoo niyan, pareho kayong may mali."




Nangunot ang noo niya sa sinabi ng kapatid. "And why is that?" Nagtataka niyang tanong.




Lumipat si Benneth at tumabi sa kanya. "She left you hanging. At ikaw, kaagad mo na lang na kinalimutan siya. You supposed to wait for her. If you really love her, you'll wait for her."





"I really love her. But everything is messed up."



Sa isiping iyon, pakiramdam niya ay may nakadagang mabigat sa kanyang dibdib. It's crushing his heart, making it painful to realize. Oo nga ano? Kung sana ay naghintay siya. O 'di kaya, pinuntahan niya man lang ito. Alam niya man o hindi ang nakaraan nito, iniwan man siya nito o hindi, dapat na maghintay siya.


Dapat ay hindi siya napagod. Dapat hindi siya nakinig kay Iohan. Ito nga siguro ang sinasabi nitong hindi madali ang pagibig, hindi ito parang kanin. You have to endure the pain for someone, you have to sacrifice, you have to gave it all. But he didn't. Shivon thought that he's worth of everything that she'll give. Worth of her love but the truth is he don't. He easily just gave up and idiotly decided to fvckingly move on!






Pero totoong nasaktan siya. He left him hanging. Hindi niya alam kung babalikan pa ba siya nito, hindi niya alam kung maghihintay pa ba siya. Hindi niya alam kung may babalik oa ba. Sa tuwing magaattemp siyang iexpress ang nadarama niya, lagi lang nauuwi sa hindi pagkakaintindihan ang lahat.






She's always rejecting him. And it always hurts too.





Ilang buwan na rin. Pilit niya namang ipinapadama kay Shivon na importante ito sa kanya, pero para bang wala itong nakikita kundi ang flaws niya. Oo babaero siya. Oo hindi siya naniniwala sa pagibig, But that was before she met Shivon. Nagbago na siya. Yes. Nakita nitong may babae doon, pero hindi sila nagkagalawan dahil hindi niya kaya. Laging nasa isip niya si Shivon. They just kissed.  Hinalikan niya lang ang babae para ipakita kay Shivon na isa talaga siyang matapang.






Para matakpan ang pagiging duwag niya.






At nang umiyak ito sa harapan niya, katulad ng nadarama niya kapag nakikita niya itong umiiyak, it pained him too. The way her tears flowed down to her rossy cheeks, the way her delicate shoulders shaking, the way she spoke with her voice hoarsely. He regret everything. He regret doing that to her. Hindi niya kayang makita itong ganoon, kaya nang umalis ito ay hindi na niya ito hinabol pa. Parabang nawalan siya ng lakas. It all drained away.






Hindi alam ni Declan, tumulo na pala ang luha niya. Kaagad niya iyong pinunasan bago makita ni Benneth na katabi niya lamang at umiinom na rin.





"You know, napagdaanan ko rin yan." Nakangiti si Ben na para bang may inaalala. "Alecz and I?" Bumaling ito sa kanya. "We've been there too. Pero ang tanging kakapitan mo lang ang pagmamahal mo. Akala ko rin noon, wala na kaming pagasa pa. Pero ayaw ko siyang bitawan at hindi ko kayang bitawan na lang siya dahil mahal na mahal ko siya. I can't imagine a life without her, she's like the air I breathe. Alecz made me believe that love is true.






"Kaya ikaw kuya, kung mahal mo, ipaglalaban mo. Hindi ka kaagad bibitaw. I know, ngayon mo lang ito naramdaman. Pero ito ang pagibig.  Bago mo makakamit ang purong saya, kailangan mo munang lumaban. Kung mainit, pilitin mong nguyain. Wag mong iluluwa. Napaso ka man, natikman mo naman ang linamnam sa huli." Bahagyang tumawa si Ben. "It's weird, but its true."





Declan suddenly smirked. "Ito ba ang tinuro sayo ng asawa mo?"




Kumibit balikat si Benneth. "Ang totoo niyan, ako nga siguro ang nagturo sa kanya."



Napatawa siya. "Thanks man."




"So, when are you going after her then?" Direktang tanong ni Benneth.





Lumaklak siya sa alak na hawak. "ASAP."

Magsasalita pa sana si Benneth ng biglang magring ang cellphone ito. Lumaklak ito ng sandali ng alak bago sagutin ang tawag.




"Hell—P—Pauwi na misis. Pauwi na. Babye. I love you."




Pagibig nga 'to. Napailing si Declan nang magmadaling umalis ang kapatid niya. Alam niyang hindi magiging madali ang lahat para bumalik sa kanya si Shivon. But he'll do whatever it takes just for her.





He's ready.









***

AN: Hi. May nagbabasa pa ba nito?

ImperfectPiece



CBS#2: Capturing Declan (COMPLETE)Where stories live. Discover now