Chapter 18

28.5K 546 21
                                    



CAPTURING DECLAN
C H A P T E R - 18
Got me?








Nagtaas ng kilay si Shivon.






"Shhh... Shivon..." Mahinang sabi ni Declan habang tinitignan nito ang katawan niya.



Napasimangot siya pagkatapos ay sumandal sa gilid ng pinto at saka humalukipkip. Manyak talaga ang isang 'to. "Ano na naman ba?"



Muling nagbalik ang pagkairitado sa mukha ni Declan, nagtiim bagang ito at nagbalik ang mga mata sa itsura ni Shivon. "Nareceive mo ba ang text ko?"



So, ito nga talaga ang nagtext sa kanya?




Kumibit balikat si Shivon at nagkunwaring inosente. "Hindi ko alam, nakacharge ang phone ko eh."




Nakita niyang natigilan si Declan at parang may iniisip. Narinig niya itong bumulong. "Fvck."



Nagpagting ang tenga ni Shivon sa narinig niya. "Hoy! Narinig ko 'yon ha." Pinandilatan niya ng mata si Declan.





Aba. Ito nga dahilan kaya't nasuntok niya ito eh, baka gusto nitong makaisa ulit? Ano na naman ba kasing kailangan ng negosyanteng 'to? Inixamin ng mata ni Shivon ang kabuuan ni Declan ng patago. Aaminin niya, gwapo naman talaga ang binata, dagdag pang maganda ang katawan. Pero bakit kung kumilos ito at kung magisip parang hindi negosyante? Ito ba talaga ang Declan Luke Enrique Jordan na ginoogle niya?





Oo, ginoogle niya si Declan. Isa nga itong sikat na negosyante at babaerong model. Napakaseryoso nang itsura nito sa mga litrato, mapastolen man, photoshoot o litrato na kasama nito ang iba't-ibang babae. Pero bakit ngayong kaharap niya 'to, at take note: may nangyari na nga sa kanila, pero kung titignan, ibang-iba ito sa Declan sa lumabas na result sa google. O baka naman pinaglololoko lang siya ni Pareng Google? Pero ano ba ang hindi alam ni Google? Hindi ba?





"Hindi mo ba ako papapasukin?" Tanong bigla ni Declan at hindi pinansin ang pandidilat niya.




Napairap naman siya at umalis sa pagkakasandal sa pinto. "Pasok."







At nang pagkatapos na masara ni Shivon ang pinto napakunot ang noo niya ng humarap sa sala. Nandoon si Sandy na pilit tumatanghod makaabot lang sa tangkad ni Declan kahit na hirap na hirap at may hawak hawak na cellphone. Napalingi siya, si Sandy talaga.





"Sandy, tigilan mo na 'yan. Uuwi na si Mr. Jordan." Saway niya sa kaibigan at pagkatapos ay humalukipkip muli at bagot na tinignan si Declan.





Nabaling naman sa kanya ang mata ni Declan at tinaasan siya ng kilay. "Aalis na ako?" Tanong ni Declan sa kanya.




"Aalis ka na?" Tanong din ni Sandy.





Nanliit ang mga mata ni Shivon. Sinabi niya iyon para ipahiwatig na hindi welcome si Declan at kailangan na nitong lumabas. Hindi niya alam, basta ang gusto niya, umalis na ito at mawala sa paningin niya.





"Oo, hindi ba? May—" Naputol ang sasabihin ni Shivon.



"Akala ko ba, nakacharge ang phone mo?" Putol ni Declan at pagkatapos ay kinuha ang isang cellphone sa center table. Cellphone niya iyon!




Binalingan naman siya ni Sandy na may nagtatanong na mga mata. "Hindi ka naman nagcharge ah?"




Sa pagkakataong ito, gustong tahiin ni Shivon ang bibig nang matalik niyang kaibigan. Muli ay tinignan niya si Declan na mukhang ilang segundo na lang ay puputok na ang tuktok.




"Can I talk to you?" Tanong ni Declan habang nakatingin sa kanya.



Naintindihan naman ni Sandy kaya nagpaalam itong may bibilhin lang sa baba. Nang silang dalawa na lang ni Declan ay inilang hakbang ang nito ang distansiya nilang dalawa.




"You lied huh? Ayaw mo akong replyan?" Nakatiim bagang na akusa ni Declan.





Teka, bakit ba galit ito? "At bakit naman kita rereplyan? Saan mo nakuha ang num—"




Hinapit siya ni Declan sa bewang kaya't nagkalapit ang katawan nilang dalawa. Ang labi nito ay sumasayad sa kanyang tenga dahilan kung kaya't napalunok si Shivon.




"I want you to reply everytime that I'll text you. Wala kang ibang itetext o rereplyan na lalaki kundi ako lang. Dahil ayaw ko na may katext ang babaeng laging lamang ng isip ko." Bulong ni Declan sa tenga niya. "Got it?"





Napatango si Shivon.






***

ImperfectPiece

CBS#2: Capturing Declan (COMPLETE)Where stories live. Discover now