Chapter 14

30.3K 524 7
                                    





CAPTURING DECLAN
C H A P T E R - 14
Shower.









Nakahalukipkip na tinitigan ni Shivon ang natutulog na si Declan.








Hindi pa ito umuuwi pagkatapos niya itong masapok kanina. Taliwas sa akala niyang uuwi kaagad ito at agad siyang sasampahan ng kaso. Sa ginawa niya ba naman, sinong hindi magagalit? Pero nandito ito ngayon at natutulog ng mahimbing sa sofa niya sa sala. Tinignan niya ang relong nakasabit sa dingding.





7:48






Nagdadalawang isip si Shivon kung gigisingin niya ba ang lalaki o hahayaan na lamang ito hanggang sa magising. Napagpasyahan niyang magluto na lamang kaysa sa titigan ang natutulog na si Declan.









Nagluluto siya ng may kumalabit sa kanyang likod. Nang lumingon siya ay bumungad sa kanya ang hubad barong si Declan, nakapaa na lang at gulo-gulo ang buhok dahil sa pagkakatulog. Napalunok si Shivon nang dumako ang mata niya sa bandang tiyan ni Declan, tila nangaakit ang abs nito. Tuloy ay muli niyang naalala ang gabing may nangyari sa kanila. Nahawakan niya ang bahaging iyon, sigurado siya.







"Hey." Nakakunot na pukaw ni Declan kay Shivon.










Napaiwas naman ng tingin si Shivon at naginit ang kanyang pisngi. Tiningala niya si Declan na nakasimangot. "B—Bakit?"









Tumitig si Declan na mas lalong ikinapula ng kanyang pisngi. Ano bang ginagawa ng lalaking 'to? Ipinagpatuloy niya ang pagluluto at hinayaan lang si Declan, hindi niya makayanan ang titig nito.









"What time is it?" Hinilot-hilot ni Declan ang kanyang sintido, kumikirot pa rin ang kanyang ulo at lalong lalo na ang parte ng mukha niyang sinuntok ni Shivon.






"Alas otso na siguro, bakit? Sabi ni Shivon na hindi pa rin nililingon si Declan at hinahalo ang niluluto. "Hindi ka pa ba uuwi?"









"You want me to go home looking like this?" Nasisimula na namang maginit ang ulo ni Declan.









Lumingon naman si Shivon. "Aba, malay ko sa'yo. Tandaan mo," Itinutok niya ang sandok kay Declan. "pamamahay ko ito kaya may karapatan akong magtanong!" Ingos ni Shivon.









"Well, sorry to tell you tigress but I won't go home. Ano na lang ang sasabihin ng tao kapag nakita nila itong mukha ko?" Sabi ni Declan.









Napaisip naman si Shivon. Oo nga 'no? Hindi ito pwedeng umuwi ng ganito, lalo pa't nakabuntot ang mga paparazzi dahil isang kilala ang taong ito. Napakamot siya ng ulo.








"So, dito ka muna?" Hindi siguradong tanong ni Shivon.









"Of course. Ikaw ang may gawa nito, you should take care of me." Mayabang na ani ni Declan at pagkatapos ay humalukipkip at sumandig sa gilid ng mesa.









Ngumiwi naman si Shivon. "Anong take care, take care ka diyan? Eh pasa lang 'yan, malayo 'yan sa bituka."










Natigilan naman si Declan at biglang lumapit sa kanya. Nakadikit na nga ang balikat ni Shivon sa balikat nito. "Kahit na, kailangan mo pa rin akong alagaan hanggang sa mawala ang black eye na 'to." Niyukod ni Declan si Shivon at pinagsanggi ang ilong nilang dalawa.











Muli na namang natuod si Shivon pero kaagad ding natauhan at inilapat ang kamay sa matigas at malapad na dibdib ni Declan para itulak ito at magkaroon sila ng kaunting distansiya. Muli niyang ibinalik ang atensiyon sa pagluluto, lumulutang ang kamalayan niya sa mga ginagawa ni Declan.









Tatlong minuto ang makalipas nang maramdaman niya ang mainit na katawan ni Declan sa kanyang likod kasabay ng mahigpit nitong hawak ng dalawang kamay sa kanyang magkabilang bewang. Nakaramdam siya ng kiliti ng ipadaan nito ang tungki ng ilong sa ibabaw ng kanyang tenga at simulan nitong pisil pisilin ang bewang niya.










Idiniin nito ang katawan sa kanya. Napaawang naman ang bibig niya ng maramdaman niya ang harapan nitong naguumigting.









"I need a cold shower. Now." Namamaos na bulong ni Declan.









***

ImperfectPiece
















CBS#2: Capturing Declan (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon