Chapter 23

29K 525 29
                                        


CAPTURING DECLAN
C H A P T E R - 23
No way.








Nakaupo silang tatlo sa loob nang opisina ni Dylan, nakaharap silang dalawa ni Declan habang nasa likod naman ng malaking desk si Dylan. Tumikhim si Shivon nang hindi man lang kumisap mata ang dalawang lalaki sa harap niya at nakatitig lang sa kanya. Nangunot ang noo niya nang biglang ngisihan siya ni Mr. Villazarco at kindatan.








"Will you stop winking at her? Gusto mo bang dukutin ko ang mata mo?" Naiinis na sabi ni Declan.







Tinignan ni Shivon si Declan. Aba, ginaganito lang nito ang CEO ng kumpanya? Siguro nga, ganoon sila kaclose na dalawa. Isa pa, isa rin namang negosyante itong si Declan kaya hindi na dapat siya magulat. Mukhang tuwang-tuwa naman si Mr. Villazarco na naiinis si Declan sa mga pinanggagagawa niya







"Ahm, anyway," Hindi pinansin ni Dylan si Declan. "You're hired."






Napanganga naman si Shivon. Hired na siya? As in pwede na siyang magtrabaho rito? "T-Talaga po?"







Tumango si Dylan. "Yeah. Actually, you can start immediately tom-"





"No!" Sabat ni Declan.






Nabaling ang mata nilang dalawa ni Dylan kay Declan na magkasalubong ang kilay. Sinamaan niya ito nang tingin. Ano bang problema nito? Ito na nga eh. Hired na siya agad-agad! Baka sa mga pinagsasasabi nito, trabaho na, maging bato pa. Aba. Kapag ito naging bato pa, ipupukpok niya iyon sa ulo ni Declan. Bakit ba hindi na lang ito manahimik?







"Bakit?" Sabay na tanong ni Dylan at Shivon.







"Hindi siya magtatrabaho dito. Reject her." Masungit na sabi ni Declan saka humalukipkip.








"Bakit naman pare? Employee ko na siya, at hired na nga. Bakit ko irereject? Besides, maganda naman ang mga nakalagay sa resumé niya. Sabi rin ni Uranus, mukhang magiging magaling naman siyang secretary ko. Saka para may makasama naman si Uranus-"









"No." Madiin na pagtutol ni Declan. "Reject her so that I could hire her to my company, Dylan."







"What?" Namamanghang tanong ni Dylan. "Pero..." Nabaling sa kanya ang mata ni Dylan at muling tumaas ang gilid ng labi nito. "Type ko siya-"






"Dylan." Declan said in a warning tone.




Napalingi-lingi naman si Dylan sa kaibigan niya, napabuntong hininga ito. "Okay, Ms. Tavajes. You're fired."







Tumigas ang bagang ni Shivon. Ano bang ginagawa ng dalawang 'to? Pinagpapasahan siya? Pinaglalaruan? Seryoso siyang nagpunta rito. Sana, seryoso rin ang usapan. Hired na siya, tapos biglang fired agad? Hindi pa nga siya nakakatayo sa kinauupuan niya, at hindi pa nga lumilipas ang araw eh.




Dahil naiinis na siya, tumayo si Shivon at padabog na inilagay ang bag niya sa balikat. Napangat naman ang dalawang lalaki sa kanya sa biglaan niyang ginawa.







"Kung wala naman pala akong matinong mapapala rito, bahala na kayo sa buhay niyo! Hindi ako magtatrabaho sa kahit na kaninong kumpanya sa inyong dalawa. Maghanap na lang kayo ng iba. Bye."






Mabibigat ang hakbang ni Shivon na lumabas nang opisina. Nagulat naman si Uranus nang isara niya nang padabog ang pinto dahil lumikha iyon nang ingay na masakit sa tenga. Hindi niya ito pinansin at dire-diretso siyang naglakad patungo sa elevator.







"Shivon! Wait!"





Lalo niyang binilisan ang paglalakad nang marinig niya ang boses ni Declan na tinatawag ang pangalan niya.





"Shivon!"





Pagkapindot niya pabukas nang elevator ay nakisama ito sa kanya, pero nang isasara niya na ito, papalapit na si Declan perp hindi pa rin ito sumasara. Ano bang klaseng kamalasan 'to? Sa huli, wala rin siyang nagawa dahil nakapasok na si Declan.




Sinamaan niya ito nang tingin. "Ano na naman?!"






Hindi pinansin ni Declan ang pagkainis niya, sa halip, ipinaibot pa ni Declan ang braso sa bewang niya. "Lets go. Pupunta tayo nang kumpanya ko, doon ka na magtatrabaho."







Nagpupumiglas siya pero lalo lang na humihigpit ang kamay ni Declan. Ayaw siya nitong bitawan! "Bitawan mo nga ako!"








Ngimisi si Declan at pagkatapos ay ibinaba nito ang mukha sa mukha niya. Bigla nitong idinikit ang tungki nang ilong sa kanyang leeg. Ang isang kamay nito ay pumalibot na rin sa isa niyang bewang kaya't nakakulong na siya sa bisig nito.






"Hindi ko alam na mas maganda ka pala kapag galit." Bulong ni Declan na ikinatigil niya. "Ayokong magtrabaho ka dito." Tumitig sa kanya si Declan.





"Bakit naman?" Tanong niya.






"Masyado kang maganda. Maraming lalaki dito, baka mamatay ako sa bwesit." Sagot ni Declan saka hinawakan nito ang kamay niya nnag bumukas na ang elevator.








Ugh! Wala siyang napala ngayong araw!








***

ImperfectPiece








CBS#2: Capturing Declan (COMPLETE)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang