Chapter 7

34.4K 537 18
                                    

CAPTURING DECLAN
C H A P T E R - 7
Pilato.









Pinukopok ni Shivon ng alarm ang kanyang ulo.












Nagsisisi siya sa kanyang kagagahang ginawa. Eto ngayon at hubo't hubad siya kasama ang lalaking si Puncho Pilato dahil hindi naman niya ito kilala sa iisang kama nang magising siya. Sa tingin niya nga ay hindi pukpok ang dapat sa kanya, dapat ay iuntog niya ang ulo dahil sa katangahan!









Isinuko niya lang naman ang perlas ng kanyang mahiwagang silanganan sa isang lalaki na sa bar niya lang nakilala!









Muli niyang pinukpok ang ulo ng alarm clock habang nakatayo at mahigpit niyang hawak sa dibdib ang kumot na tapis tapis sa katawan. Nakaharap siya sa kama niya kung saan nakahiga ang lalaki, ano nga bang pangalan muli nito? Alam niya nga ba man lang ang pangalan nito? Hindi niya na matandaan!










Naalala niya ang kalandiang nagpupumasok sa kanyang utak kagabi. Medyo matino pa siya, pero hindi niya ginamit ang kakarampot na katinuang iyon at nanaig ang sinasabi nilang libog sa kanyang katawan. Pero napatigil siya, hindi naman rin siguro masama hindi ba?







Kung titignan mo ang lalaki, napakakisig nito. Tila isa itong gwapong prinsipe na natutulog sa kanyang kama, hindi na siya talo pagdating doon. At isa pa, Shivon 2.O nga hindi ba? Mabuti na't naranasan niya ito. Kung baga kay Sandy, fun-fun lang. Pilit na kinukumbinsi ni Shivon ang sarili niya. Speaking of Sandy, ano kayang magiging reaksyon ng kabigan niya kapag nalaman nito ito? Sigurado siyang magtatanong iyon dahil umalis sila ng lalaking ito ng walang paalam kagabi. Sigurado siyang nagaalala na ito ngayon.









Nabalik sa kasalukuyan si Shivon mula sa mga iniisip ng makita niyang naupo ang lalaki sa pagkakahiga. Nagunat ito at inilibot ang mga mata sa kwarto niya hanggang sa magtama ang mga mata nila.










Nanlaki ang mga mata nitong kulay tsokolate at napanganga ang manipis nitong labi. "Ikaw ang naunang magising?"








Bakit ganito ang una nitong tanong? Ano naman kung ako ang naunang magising? Kahit na nagtataka man ay tumango si Shivon. "Oo, bakit?"








"Nagluto ka ng breakfast? Ipinaglaba mo ako?" Pinanliitan siya ng mata ng lalaki.








Siga ko itong tinignan. "Aba, asa ka pa." Hinigpitan ni Shivon ang kumot sa kanyang katawan at nagsimulang pulutin ang pantalon na nasa sahig na alam niyang ang lalaki ang nagmamay-ari. "Simulan mo nang magbihis at umalis ka na."











Nagtaka naman ang mukha ng lalaki. "You're the one who wake up first... But you didn't do something weird?" Bulong nito na narinig naman ni Shivon.





"Lasing ka pa rin ba? Ano bang pinagsasabi mo? Umalis ka na mister pilato, marami pa akong gagawin ngayong araw." Umalis si Shivon sa harap ng lalaki at nagdiretso sa banyo.






Mabuti na lang at hindi nakita ng lalaki ang pamumula ng kanyang pisngi. Bigla kasi ay naalala niya ang nangyari sa kanila kagabi, medyo makirot nga ang gitna ng hita niya pero paplay cool lamang siya. Naligo si Shivon at lumabas ng banyo.













Nangunot ang noo ni Shivon ng makaamoy ng kung ano. Inilabas niya ang ulo sa pinto ng kwarto para alamin kung saan nanggagaling ang amoy. Nang makumpirma niyang sa kusina iyon nanggagaling ay tagtungo siya doon kaagad. Nakita niya ang lalaki na nakatalikod sa kanya at nakatapis ang ibabang bahagi nito ng tuwalya na sigurado niyang pagmamay-ari niya.












Anong ginagawa ng hilaw na ito? Diba dapat ay umalis na ito dito dahil tapos na sila. Hindi ba nito alam o naiintindihan ang salitang 'no strings attach?' Pumamewang si Shivon.













"Hoy pilato. Ano pang ginagawa mo dito ha?"








***

ImerfectPiece

CBS#2: Capturing Declan (COMPLETE)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu