Chapter 25

29.1K 502 16
                                        

CAPTURING DECLAN
C H A P T E R - 25
Unlabeled.





Everything happened so quickly.








Basta, bigla na lang na parang naging natural ang mga bagay bagay. Sa pagdaan nang oras, araw at buwan, namuo ang relasyon sa kanilang dalawa ni Declan. Hindi niya man matukoy kung anong relasyon iyon pero naging malapit sila sa isa't-isa na halos kumportable na sila sa lahat. Mas lalo niya itong nakilala. Ang mga kagustuhan nito at ang mga bagay na ayaw nito, maging ang ugali nitong wirdo ay kabisadong kabisado niya na rin. Hindi niya inaasahang makikilala niya pa nang malalim ang lalaking nakilala niya lamang sa bar tatlong buwan na ang nakakaraan.




Ayon nga lang, totoo ngang wirdo ito.




"That sizes are so tight!" Inis niyang reklamo sa akin.



Inis kong ibinalik ang boxer na pinili ko at pinamewangan siya. "Bakit mo pa ako isinama aber?"


Nagkamot siya nang batok. "To help me."




Iminuwestra ko ang kamay sa ere. "Aba, ayon naman pala. Tinutulungan ka na nga eh." Tumingkayad ako at inilapit sa kanya ang mukha. "Maniwala ka sa akin. Kakasya sayo 'to, tama lang. Okay?"



Declan sighed and rolled his eyes. "Fine."




Biyernes ng gabi at nasa mall kaming dalawa. Isang linggo na siyang hindi pumapasok sa kumpanya niya dahil naglulumlom siya sa unit ko, hindi ko nga alam kung ano ba ang balak niya. Minsan pa, mayroong ayaw niya na talagang umuwi. Isinuggest ko ngang bilhin niya na lang ang unit ko dahil mukhang type na type niya at maghahanap na lang ako nang bago pero ayaw niya naman. Saka isa pa, may bahay siyang inuuwian. Sa katunayan, napakalaki nga ng bahay na iyon pero hindi niya naman inuuwian.



"Sa jollibee tayo. Libre mo." Siko ko sa kanya habang naglalakad kami.



Ibinaba niya ang mata sa akin. Napakaliit ko naman kasi para sa tangkad niya, hanggang dibdib lang ako. "Do I have a choice?" Nakataas kilay niyang tanong. Tinawanan ko lang siya.




Nang pumasok kami nang entrance ng Jollibee sa loob ng mall, lahat ng mata natuon sa amin. Natigilan ako sa paglakad at nagtaas ng tingin kay Declan. Wala siyang kaalam-alam na pinagtitinginan na siya. Sino ba naman ang hindi mapapatingin si taong 'to? Ang laki niyang tao, at ang itsura, artistahin.



"What do you want? Ako na magoorder."



Tinapik ko ang dibdib niya. "Tulad nung nakaraan lang." Tinuro ko yung upuan na inalisan nung kalalabas na babae. "Upo na ako doon ha."



Hindi niya ako pinansin dahil nakatingin siya sa mga oorderin niya pero tinanguan niya pa rin ako. Nang magpunta ako sa uupuan ko, inilagay ko ang mga pinamili ni Declan sa katabi kong upuan. Inilabas ko ang cellphone para hindi mainip nang biglang umingay sa katabi kong mesa. Mga limang lalaking college student ang mga nandoon at mga nakauniporme, hindi ko na lang pinansin.



Magrereply sana ako sa text ni Sandy nang may lumapag na papel at ballpen sa mesang kinayuyukuan ko, nagangat ako ng tingin at may lalaki doon na nahihiyang nakangiti sa akin. Isa siya sa mga studyante dahil magkapareho sila ng uniporme. Ngumiti ako sa kanya. "Yes?"




Napakagat labi siya. Gusto kong matawa, hindi siya mapakali. "Ahm, hi. I'm Gage, can I... Can I get your number?"




Napangiti ako. Ang cute nang estudyanteng 'to, chinito at maputi. Bagsak ang buhok at soft ang features ng mukha. "I'm Shivon—"



"—My girlfriend." May sumabat.



Napatingala naman ang estudyanteng si Gage nang harapin niya ang nasa likod niya. "S—Sir?" Namutla ang lalaki nang makita niya si Declan.




"Number ko? Gusto mong kunin?" Matalim na tanong ni Declan.




Pinipigilan ko naman ang tumawa. Namumutla na si Gage habang nahahalata ko nang nagsisimula nang uminit ang ulo ni Declan. "Ahm, Gage?"



"S—Sorry po." Yumukod siya kay Declan at sa akin saka nagmamadaling bumalik sa upuan ng mga kaibigan niya.





Tumatawa ako kaya hindi ko na mapansin na inilapag na ni Declan ang tray sa harap ko. Nang ibaling ko naman ang mata sa kanya, nakatingin siya sa akin ng masama.




"What was that, Shivon?" Nakakunot noo niyang tanong at nakahalukipkip.




Kumibit balikat ako. "Aba, hindi ko alam. Bigla na lang lumapit ang batang 'yon." Kumuha ako ng fries.




"Hindi mo alam kung bakit?" Tanong niya na naiinis.



"Hindi ko alam."



Itinukod niya ang magkabilang siko sa mesa at tinignan ako. "Pinagtitinginan ka ng mga lalaki dito."




"Hayaan mo na sila." Sinubuan ko siya ng fries.




Tumigas ang bagang niya. "Hayaan? No, It irritates me. Tara na. Uuwi na tayo."





Tumayo siya at inilagay sa plastic ang mga inorder niya. Napailing na lang ako nang unahan niya akong lumabas. Hindi man lang ako hinintay ng kumag!









***

AN: Maaga ang update mga bebe. May project pa akong gagawin. Hehe

ImperfectPiece

CBS#2: Capturing Declan (COMPLETE)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora