CAPTURING DECLAN
C H A P T E R - 12
Going nuts.
Kakagising lang ni Shivon. Napagod kasi siya dahil sa paglilinis, kaya pagkatapos niyang maglinis ay nakatulog siya at eto't hapon na siya nagising.
Naghihiwa siya nang prutas para gumawa ng shake, tamang tama at medyo mainit ang panahon. Pakanta-kanta pa siya at sumasabay sa kanta ni Meghan Trainor, ilalagay niya na sana ang nakaslice nang watermelon sa blender ng dumulas iyon sa kamay niya dahil sa kalabog na narinig. Nagulat siya!
Napakunot ang noo niya. Bakit kung makakatok itong nasa pinto niya ay parang may balak atang gibain ito? Kumakalabog ang pinto niya nang pakinggan niya pa iyon, binitawan niya ang ginagawa at naghugas ng kamay saka nagpunta sa sala para buksan ng pinto ang kung sinomang— natigilan si Shivon.
"You're a witch!" Malakas na sigaw ang bumungad sa kanya.
Walang emosyon niya namang tinignan ang lalaki. Ito ang lalaking nakilala niya sa bar, ang pinagbigyan niya ng puri. Si Declan—Pilato. Pulang pula ang tenga nito at matalim ang mga matang nakatingin sa kanya. Hindi na siya nasorpresa kung nagbalik ito dito, pagkatapos ng ginawa niya, isa pa, nandito rin ang damit nito. Pero ano araw? Isa siyang mangkukulam?
"Oh, nakakatol ka na naman." Iminuwestra ni Shivon ang kamay at pinaikot ikot iyon sa kanyang tenga. "Buang ka?"
Naginit naman lalo ang ulo ni Declan. "Anong ginawa mo sa akin?" Matalim na tanong ni Declan.
Kumibit balikat naman si Shivon. "Aba, hindi ko alam. Bakit? Ano bang nangyayari sayo?"
"'Wag ka nang magmaanangan! I knew what you did to me!" Bigla ay walang sabi sabi itong pumasok sa loob ng bahay niya.
Isinara naman ni Shivon ang pinto dahil baka may magreklamo sa ingay nila pagkatapos ay binalingan si Declan na nakatayo at nakatingin sa kanya ng masama. "Ano ba talagang problema mo?"
Inilang hakbang ni Decla ang kanilang distansiya at dinuro siya nito. "You are my problem!"
Pakiramdam tuloy ni Shivon may kausap siyang sinto-sinto. Bakit hindi na lang sabihin ng lalaking ito ang sadya niya? At bakit parang pinapaamin siya nito sa kung anong ginawa? Wala naman siyang ginawa rito, maliban sa noong pinalabas niya ito nang nakatowel lang ah.
"Bakit nga eh?!" Pumaninghawak si Shivon. Aba, hindi siya magpapaawat sa isang 'to. Pero hindi sumagot ang lalaki at tinalikuran lang siya pagkatapos ay sinabunutan nito ang sarili. "Oh ano? Wala naman akong ginawa sayo ah!" Sigaw ni Shivon.
Muli siyang hinarap ni Declan at nakatiim bagang ito. "Meron! Kinulam mo ako!"
Napatigil si Shivon. Napangisi siya, bahagyang natawa hanggang sa tuluyan na siyang humalakhak. "Naniniwala ka sa kulam?"
"Hindi! Pero ngayong kaharap koang isang magkukulam, naniniwala na ako!"
"Hindi kita kinulam. Magsasayang lang ako ng oras kung mangkukulam nga ako at kukulamin kita, wala naman akong kailangan sayo at saka wala kang pruweba. Baka naman maluwang na ang turnilyo diyan sa—"
"Stop it!" Gigil na gigil si Declan, samantalang si Shivon ay kalmado lamang. "I. Need. You. To. Stop this!"
Kinamot ni Shivon ang ulo. Ano bang pinagsasabi ng lalaking 'to? "Ano ngang ititigil ko? Wala naman akong ginawa sayo. Ano ba kasing nangyayari sayo ha?"
"Nangyari ito pagkatapos kong umalis dito." Medyo kumalma si Declan pero nakatitig ito sa kanya.
Nagtaas ng kilay si Shivon. "Tapos?" Limang minuto na ang nakalilipas pero hindi pa rin siya sinasagot ni Declan at patuloy lang itong nakatitig sa kanya. "Hoy, ano na?"
Nagtaka siya ng lumapit sa kanya si Declan at sapuhin ng dalawang kamay nito ang mukha niya. "Ho—Hoy! An—anong—"
Hindi na naituloy pa ni Shivon ang sasabihin nang ilapat ni Declan ang labi sa kanya. Sa gulat ay natuod lang si Shivon sa kinatatayuan at nanlalaki ang mga mata kay Declan na nakapikit at hinahalikan siya. Ilang sandali lang ay huminto rin si Declan ngunit sapo pa rin nito ang mukha niya.
"What did you do to me huh? I'm going crazy thinking about you. Dammit."
***
ImperfectPiece
BINABASA MO ANG
CBS#2: Capturing Declan (COMPLETE)
Teen FictionClingy Boys Series#2: Capturing Declan Declan Luke Enriquez Jordan has the list of his own rules about what to choose on screwing chicks, including the do's and dont's. Pero nang maencounter niya si Adeelah Shivon Agatep Tavajes na eksaktong eks...
