CAPTURING DECLAN
C H A P T E R - 8
Ahas.
"What the fvck?"
Sinabunutan ni Declan ang sarili. Nahuli siya ng gising! Baka mamaya, kung ano-ano na ang iniisip ng babaeng 'yon. Pero, ayun sa rule number six niya, pwedeng magkikilos ito nang wirdo, gagawan ka ng breakfast, lalabhan niya ang damit na hinubad mo kagabi, those caring moves. Pero iba itong babaeng 'to, kaagad na siyang pinapalayas!
Sumigid ang sakit ng ulo niya, bigla ay nawala iyon nang maalala niya ang katawan ng babaeng 'yon kanina na nakatapis lamang sa manipis na kumot. Pakiramdam niya ay tumatayo na naman ang kanya.
"Bud, it's done. Bawal umulit, okay?" Parang tanga niyang kausap sa bagay na nasa gitna ng kanyang hita.
Tumayo si Declan at pinulot ang kanyang damit, lumabas siya ng kwarto at naghanap ng banyo. Napailing siya ng makitang wala nang botones ang dress shirt niya. Naalala niya nang muling suotin niya ang damit dahil napagpasyahan niyang sa lugar ng babae ituloy ang kanilang nasimula na naudlot dahil sa nalaman niyang—
"Idiot! Idiot! Idiot!"
Yeah, everyone. Declan is a certified idiot!
Nilabag niya lang naman ang rules niya. Nilabag niya dahil sa sobrang kalibuan. Nilabag niya dahil sa sobrang gigil! Napaharap siya sa salamin ng banyo at inis na isinuklay ang kamay sa buhok niya, siya ngayon na nasa katinuan na ay hindi makapaniwala sa ginawa niya. Bakit niya nagawa 'yon?!
Ngayon lang iyon nangyari sa kanya, nakaencounter na rin siya ng ganoon. Malalaman niyang virgin ang isang babae pero nakokontrol niya naman ang sarili, pero kagabi? What the bloody hell did he do? He fvckingly disobeyed his rule! Paikot ikot siyang naglakad sa loob ng espasyo ng banyo at paulit ulit na tinatanong ang sarili.
Pero wala na siyang magagawa. Nagawa niya na. Siguro, hahayaan niya na lang ito. Palalagpasin niya at sa susunod ay sisiguraduhin niya nang hindi na ito mauulit pa. Bigla na namang sumakit ang ulo niya, napaungol siya at napangiwi. Napadako ang mata niya sa towel na nakasabit doon at ipinulupot sa ibabang bahagi ng kanyang katawan. Lumabas siya ng banyo at pumunta ng kusina, kailangan niya ng kape dahil kung hindi ay baka mabiak na ang ulo niya sa sakit.
"Hoy pilato. Ano pang ginagawa mo rito ha?" Muntik niya nang maitapon ang kape sa kanyang dibdib nang mapatalon sa gulat!
"Oh holy god!" Inilapag niya ang tasa at humarap sa babae. "Muntikan na akong mapaso!"
Nagtaas lamang ng kilay ang babae at bagot siyang minataan. "Ano naman ngayon? Bakit nandito ka pa?"
Wala man lang bang concern kahit kaunti ang babaeng 'to? "Umiinom ng kape?"
"Feeling at home ka ah. Alam mo mister Pilato—"
"Who the fvck is Pilato?" Slang na pagkakasabi ni Declan. "My name's Declan not Pilato."
Nanliit ang mata ng babae at nilapitan siya. Niyuko naman ito ni Declan. "Si Declan ka man, tatay, kapatid o pinsan ni Pilato ay wala akong pakealam. Ang lakas mong magmura sa pamamahay ko ha!"
"Chill, woman." Napaatras si Declan nang pandilatan siya ng babae at duruin nito ang hubad niyang dibdib.
"Hindi ako si Woman! Shivon. Shivon!" Bigla ay tinulak siya ng babae. "Labas! Layas!"
Napanganga naman si Declan. Bakit ba bigla na lang itong nagalit na parang wala silang pinagsaluhan kagabi? Hindi ito ang inaasahan niya eh.
"Wait!" Sinalag niya ang hampas ng babaeng si Shivon.
"Anong wait? Walsng wait-wait dito! Lumabas ka—"
Sa kakatulak at hawi ng babae ay nasanggi ng kamay nito ang tuwalyang tumatabon sa kanyang kaselanan. Nahulog iyon sa sahig at naiwan si Declan na hubad.
Nanlaki naman ang mata ng babae at natuod. "An—Ano—" Nakaduro ito sa proud na proud niyang ulo sa ibaba. "Ahaaaaaas!"
***
ImperfectPiece
YOU ARE READING
CBS#2: Capturing Declan (COMPLETE)
Teen FictionClingy Boys Series#2: Capturing Declan Declan Luke Enriquez Jordan has the list of his own rules about what to choose on screwing chicks, including the do's and dont's. Pero nang maencounter niya si Adeelah Shivon Agatep Tavajes na eksaktong eks...
