Chapter 48

25.3K 429 7
                                    




CAPTURING DECLAN
C H A P T E R - 48
Too much.









"Ayos ka lang ba?"









Nangunot ang noo ng kanyang kaibigan habang ang mga mata nito'y nakatututok sa kanya't nagsusuri ang kanyang kabuuan. Para bang hinihintay nito kung kailan siya mababasag. "Hindi ba dapat ako ang magtanong sayo ng bagay na 'yan, Shivon?"







Nagiwas siya ng tingin at bumuntong hininga. "Ano bang sinasabi mo? Okay  lang ako."







Binalingan niya muli ang kaibigan at saka binigyan ng isang kiming pekeng ngiti. Nakakangawit iyon sa panga, pero pinilit niya lamang na ngumiti kahit hindi niya naman gusto para hindi na magtanong si Sandy. Isa pa, ayos naman na talaga siya. Ayos lang siya.






"Sigurado ka na ba dito?" Pagkuwan ay tanong ni Sandy.







Napatingin siya sa mga taong pasahero na lalaboy-laboy sa airport. "Siguradong sigurado."






Napaahat ang baling niya kay Sandy ng pwersahin nitong magkaharap sila sa pamamagitan ng paghawak nito sa magkabila niyang balikat. Nakikita niya ang pagtututol ni Sandy. "Babalik ka ulit sa rancho niyo? Ilalayo mo ulit ang sarili mo? Iiwan mo na naman ako?" Nagningning ang mga mata ni Sandy, tandang anumang oras ay pwedeng tumulo ang luha nito. "Von, nandito ako. Tutulungan kita. 'Wag mong ilayo ulit ang sarili mo, huwag mong sarilihin lang. Hayaan mong tulungan ka namin." Malambing na sabi ni Sandy. "Kung si Declan man ang—"









Bigla ay kumawala siya sa kapit ni Sandy. Pasimple siyang yumuko para kunin ang backpack niyang nakalapag sa sahig kasama ang maleta niya. "Ayos lang ako, Sandy. Hindi kita iiwan, nasa bukidnon lang ako. You can always visit me there. Isa pa, namimiss ko na rin ang Papa." Pagdadahilan niya.








Napatitig na lamang sa kanya si Sandy habang luyat ang dalawang balikat nito. Mukhang sumuko na ito kakapigil sa kanya, nang maisipan niyang bumalik na lamang ng rancho, walang palya siya nitong pinigilan. Pero nakikita siguro nitong buo na ang desisyon niya.








Natahimik lamang silang dalawa ng makaupo sa waiting area ng airport, hinihintay na lang nila ang flight niya ng magvibrate ang kanyang cellphone. Nang tignan niya ay bahagya siyang napangiti ng makita ng text ni Stacy. Magrereply na sana siya ng tawagin na ang flight niya kaya inilagay niya muna ang cellphone sa bulsa at sa pinapangako niyang sa paglapag na lang ng eroplano siya magrereply. Kaagad na siyang tumayo at sinukbit sa kanyang balikat nang strap ng kanyang backpack, hahawakan niya na sana ang handle ng kanyang maleta ng may maunang humawak 'non.









Hindi pambabae ang hugis 'non. Maugat iyon pero makinis, at mas maputi pa sa kamay ni Sandy. Nakayuko lamang siya. Nangunguna ang pagtibok ng kanyang puso, hindi niya alam kung bakit, pero may pakiramdam siyang kapag inaangat niya ang ulo...






"Saan ka pupunta?" Ani ng baritonong boses.






Tila kinapos siya ng hininga. Nanlaki ang kanyang mga mata. Humigpit ang kapit niya sa strap ng kanyang backpack. Hindi siya makaangat ng tingin, para bang napako na siya sa kanyang kinatatayuan at namanhid ang kanyang katawan. Namamaos ang kanyang lalamunan. Nabalik siya sa katinuan ng muling tawagin ang kanyang flight.






Nagangat siya ng ulo.








"D—Declan?"









Tama nga siya. Pero kahit na alam ng pakiramdam niyang si Declan iyon, nagulat pa rin siya. Nakangiti ito pero hindi aabot sa mga mata nitong walang buhay. Malalim ang ilalim ng mga mata nito, halos hindi na rin ito nakakapagshave ng mukha. Mukhang kinakabahan ito at hindi sigurado sa ginagawa.





"Bakit ka nandito?" Sipat niya muli at kaagad na dumistansya.






"I'm coming with you." Malumanay at nagmaakaawa ang boses ni Declan.






Napailing siya. Hindi niya alam ang mararamdaman, natutuwa siya na nandito ito sa harapan niya at narinig niya muimli ang boses nito pagkatapos ng ilang araw ngunit sa isang banda'y naaalala niya ang ginawa nito sa kanya. Kaya bakit siya matutuwa? Hindi siya natutuwa.






"You're coming with me?" Natawa siya ng pagak. "No. You're not."



"Flight 36892 going to—"



"I'm here to—Please. Just... Just let me be with you." Tila nahihirapan nitong saad.



"Ang mga katulad mong walang isang salita, hindi dapat pinagkakatiwalaan. So it's a no, Declan. Stay. Away. From. Me."





Hinigit niya ng marahas ang handle ng kanyang maleta at saka tumalikod. Malalaki ang mga hakbang niya papalayo kay Declan, dahil ayaw niyang makita nito ang luha niya. Isa rin siyang walang salita. Pinangako niya sa sariling hindi na siya iiyak, pero eto at umiiyak siya. Ang sabi niya sa sarili, kakalimutan niya na si Declan.




Pero eto at tumitibok pa rin ang puso niya para sa binata.





Pero kung paunti-unti, siguro katulad noon makakalimot din siya. Hindi man buo, pero basta't malayo siya dito, ayos na siguro iyon.




She can't bare to see Declan anymore.




Hindi niya alam ang kaya niyang gawi  kung magiging malapit pa sa kanya ang binata. Natatakot siya sa kaya niyang gawin.





Natatakot siya sa kaya niyang gawin para sa pagmamahal niya para kay Declan.



You see, too much trust and love could kill you.

CBS#2: Capturing Declan (COMPLETE)Where stories live. Discover now