Chapter 19

30.2K 501 7
                                    


CAPTURING DECLAN
C H A P T E R - 19
Baby.











Lupaypay ang balikat ni Shivon habang naglalakad sa gilid nang abalang kalsada.









Naghahanap kasi siya ng trabaho, parte ito nang plano niyang pagbabago. Gusto niyang tumayo sa sariling paa at mas maging mature. Una, napamahalaan niya ang rancho ng hindi katuwang ang ama niya. At pangalawa sa listahan niya, ang maghanap ng trabaho. Buong araw siyang naghanap at nagpasa ng resumé, inaasahan niyang sana bukas ay may mangyaring himala sa pinaghirapan niya.








May pera naman siya para sumakay at makarating ng unit niya, pero kahit na pagod siya sa buong araw niyang ginawa ngayong araw, gusto niya muna ang maglakad-lakad. Gusto niyang magisip-isip.










Sa tingin niya, simula nang makapagmove-one siya, kaunti pa lang ang nagagawa niya. Gusto niya pang umusad. Aaminin niya, hindi pa rin siya tuluyang nakakabitaw. Paminsan-minsan, naaalala niya pa rin ang nangyari noon na yumamukos sa puso niya. Hindi niya naman agad-agad na makakalimutan iyon, iyon ang tanging alaalang pinakamasakit na nangyari sa kanya.












Napahinto si Shivon ng makita niya ang isang simbahan. Para nga siyang bampira simula 'non, umiiwas siya sa simbahan. Ayaw niyang nakakakita ng simbahan lalo na ang pumasok, naniniwala naman siya sa Diyos, nagdarasal din naman siya. Pero kapag nakikita o nakakakita kasi siya ng simbahan, sumasariwa ang alaala sa isip niya.












Naalala niya ang senaryong iyon kung saan nakaluhod siya sa hagdan ng simbahan sa labas habang umiiyak suot suot kang kanya wedding—




"Pst!"







Napakunot ang noo ni Shivon nang makita niya ang nakangising si Declan. Aba, himala. Mukhang maganda ang mood nito ngayon ah, hindi nakabusangot. Pero teka, bakit nakasunod ang sasakyan nito habang naglalakad siya? Saka bakit ito nandito? Sa bahay niya, pati ba naman dito makikita niya ito? Araw-araw na lang? Umasim ang mukha niya.







"Ikaw na naman? Bakit ka nandito?" Tanong ni Shivon habang nagpapatuloy ulit sa paglalakad.








Mahina namang tumatakbo ang sasakyan ni Declan dahil nakasunod lang ito kay Shivon na naglalakad. "Wala lang, nakita lang kita. So, I decided to just approach you." Pagkuwan ay sumimangot na ito. "Ang sabi ko, replyan mo ako. Bakit wala naman akong natanggap?"








Napangiwi si Shivon. Sabi na nga ba, magbabago na naman ang mood ng lalaking 'to. "Wala akong load." Sagot ni Shivon.









"Oh, ganon ba?" Tatango-tango si Declan at mukhang napaisip ito. "Pwede ba akong sumama sa bahay mo?"







Napatigil sa paglalad si Shivon kaya't itinigil rin ni Declan ang sasakyan niya. Harang man siya sa daan, wala siyang pakealam at prente lang na hinihintay ang sagot ni Shivon kahit na ayaw niya ang pinaghihintay siya. Maikli lang ang pasensiya niya, pero gusto niyang pumunta ng bahay ni Shivon. May gusto kasi siyang sabihin at saka gusto niya lang. Huwag na kayong magtanong, maging siya hindi niya din alam kung bakit gusto niyang magpunta sa bahay ni Shivon.






"Ano? Gusto mo na namang magpunta sa bahay ko?" Di makapaniwalang tanong ni Shivon saka nagtaas ng kilay. "Aba, namumuro ka na ha. Para sabihin ko sayo, hindi ka na welcome doon. Dapat nga hindi na tayo nagkikita pa eh. Ikaw lang itong balik ng—" Napatalon si Shivon sa gulat.






Hinampas ni Declan ang preno niya at lumikha iyon ng ingay at naputol anf sasabihin ni Shivon. Nagbago ang timpla niya ng sabihin ni Shivon na dapat ay hindi na sila nagkikita pa. Anong karapatan nitong sabihin 'yon? Eh kinulam nga siya nito kaya siya ganito eh.








Sinamaan ng tingin ni Declan si Shivon na nakatayo sa labas ng kotse niya. "May sasabihin lang ako."






Pumaninghawak si Shivon. "Ano naman yon?"






Inilabas ni Declan ang ulo sa bintana at dumukwang. Inilapit niya nag mukha kay Shivon na nakatitig lang sa kanya. Ngumisi si Declan.





"Sakay na baby."






Napalunok si Shivon. Bakit parang naginit ang pisngi niya nang tawagin siyang baby ni Declan?








Kasabay 'non ang pagflash ng camera na ganoon ang pwesto nila ni Declan.







***

ImperfectPiece


CBS#2: Capturing Declan (COMPLETE)Место, где живут истории. Откройте их для себя