Chapter 52

25.7K 484 21
                                    

CAPTURING DECLAN
C H AP T E R - 52
Feel the jealousy.








Napapailing si Shivon. Sa totoo lang, hindi niya talaga alam kung ano ang gagawin kay Declan. Nasa sariling kwarto lang siya buong magaraw dahil sa nagiisip siya tungkol sa nasabi ng ama.




Iniisip niya ang mga susunod na araw na wala si Declan. Parang sinundot ng kung ano ang puso niya sa isiping iyon, may kirot at lungkot na lumukob sa kanyang damdamin. Hindi niya matataim na malayo sa kanya si Declan at kung may iba man itong makakasama maliban sa kanya.




Ang totoo niyan, masaya siyang sinundan siya ni Declan, hindi niya man alam kung papaano siya natutunton nito. Itinataboy niya man ito, pero ang totoo ay gusto niyang manatili lang ito sa tabi niya. Nagpapakipot lang naman siya. Mahal niya naman talaga ang binata, ang kaso, ito ang problema. May pagaalangan pa rin siya. Hindi mo naman siguro siya masisisi hindi ba? Ilang beses na siyang nasaktan.




Hindi sapat na nandito lang ito at sinundan siya. Gusto niyang makita kung totoo nga bang kaya nitong gawin ang lahat para sa kanya, may gusto siyang makita. Gusto niyang mapatunayan ni Declan kung gaano nga ba siya kahalaga dito, para masigurado niya ring ligtas ang puso niya, at hindi na masaktan pa.





Pero kahit na masaktan pa siya ulit, handa na siyang sumugal. Handa siya sa lahat basta't kasama niya si Declan. Ano nga ba naman kung susubok ka kaysa sa hindi, hindi ba? She thought, that maybe Declan is worth the pain for. Naisip niyang hindi naman talaga maiiwasan ang masaktan ka. Likas na iyon, nagagawa iyon ng tao ng alam niya, o lingid sa kaalaman niyang nakasakit siya. At hindi iyon maiiwasan sa kahit na anong sitwasyon. Siguro, kapag naging maayos na ang lahat, siguro kapag napatunayan nga ni Declan, mas susubukan niyang maging bukas dito.







Napangiti siya ng silipin sa bintana si Declan. Nasa malayo ito ngunit dahil nangingibabaw ang napakagwapo nitong mukha ay nakikita niya pa rin ito sa malayo. Nakahubo ito ng damit sa itaas na bahagi at nakapantalon na lamang. Kumikintab sa pawis ang katawan nitong mayroong makinis na balat, at naguumigting ang tama lamang na maskulado nitong pangangatawan. Napakagat siya ng labi, namimiss niya na rin itong mayakap o di kaya'y makatabi. Iyon nga lang, tinitikis niya ang sarili.



"Ilah!" Mayroong kumakatok sa pinto.

Kaagad niyang inayos ang kurtina ng bintana at pinuntahan ang pinto para buksan si Nanay Naida.


"Nay?" Tanong niya sa matanda ng buksan niya ito ng may ngiti sa labi.



"Na'ay nangita sa imuha. Panaog 'sa." (Mayroong naghahanap sa iyo. Bumaba ka muna.)



Nagtataka niyang tinignan ang matanda. Pagabi na at meron pang naghahanap sa kanya?



"Kinsa man, Nay?" (Sino naman, 'Nay?)



Ngumiti ang matanda at mayroong paglalaro't pangaasar sa mga mata nito. "Basta, panaog na lang. Makitaan man nimo siya gihapon." (Basta, bumaba ka na lang. Makikita mo rin siya.)




Nang tumalikod si Nanay Naida, nagtataka ulit na isinara ang pinto para ayusin ng sandali ang sarili. Mang makitang presentable naman ang kanyang pustura, lumabas na rin siya ng kwarto para babain ang nasabing bisita.




Pero nang makalahati na siyang nasa hagdan at makita niya ang bisitang nakaupo sa sala, halos liparin niya ang pagpanaog para lamang mayakap ito.



CBS#2: Capturing Declan (COMPLETE)Where stories live. Discover now