Chapter 32

26.7K 483 8
                                        



CAPTURING DECLAN
C H A P T E R - 32
Stuck.








"Nakita ko sila..."







Hindi ako nilingon ni Sandy. Nanatili siyang nakaupo sa tabi ko at nakatulala rin. Hindi ko na kailangang sabihin pa kung ano at kung sino man ang nakita ko, alam ko at alam niya. Alam naming dalawa ang tinutukoy ko.






"I did too..." She whispered.







Napatiim bagang ako. I hate what I'm feeling. I feel weak. I feel pathetic.





"Sa mall... Malapit sa bar. Nakasalubong ko siya." Kwento ni Sandy. "She looked different. I don't know what to feel."







Ngumisi ako at nilingon siya. "You missed her?"





Tumango siya. "Oo, pero hindi ko matanggap ang ginawa niya. She ruined our friendship. She chose Cris over you."






What she said sting, something in my chest ached. She chose Cris over you. And Cris chose her over me. Hindi ko alam na, nasa likod ko lang ang sekreto nila. Buong pagtitiwala ko ang ibinigay ko, buong puso ko silang minahal. Si Stacy bilang kapatid, at si Cris bilang boyfriend. Bakit hindi ko man lang nagawang lumingon? Bakit umabot pa kami sa ganoon? Paulit-ulit ko ring itinanong ang bagay na ito nang lumayo ako. Pero nangyari na. Huli na ang lahat. Napahiya ako. Inapakan nila ang dignidad ko. Binasag nila ang puso at tiwala ko sa gitna nang simbahan. Sa mismong gitna nang simbahan.





Why did they chose to betray me? Siguro mahal nga nila ang isa't-isa. Pero paano naman ako? Naiwan akong nagdudusa. Hindi makalimot.







Naramdaman ko na lang ang bigat ni Sandy sa akin. Niyakap niya ako, at kahit papaano, nabawasan ang bigat na nadarama ko. Nakalimutan kong mayroon naman pala akong kakampi. Si Sandy, si Declan...







Si Declan. Apat na araw na nang huli ko siyang makita. Ang sabi niya, mayroon daw siyang aasikasuhin sa ibang bansa, mayroon siyang deal na kailangang makuha, parte nang negosyo. Alam kong ayaw niyang umalis, inalok niya pa nga akong sumama sa kanya. Alam ko naman kung bakit hindi siya mapakaling iwanan ako. May gusto siyang malaman. At wrong timing lang na kailangan siya nang negosyo niya.




Hindi rin naman ako nakakatanggap nang tawag o text. Hindi ko alam kung bakit may umaasa sa akin na sana, magparamdam siya. Hindi ko alam kung bakit lagi ko siyang hinahanap sa tabi ko.






Siguro, nasanay na rin ako sa presensiya niya at natural lang ang ganoon. Dahil kung hindi... Dapat ko na itong ikatakot. Nadala na ako, hindi na ako pwedeng malulong pa sa kahit na anong pintig nang damdamin. Dahil si Declan, kapag nalaman niya ito, kung mayroon nga at kung mangyari man, siguradong pagtatawanan niya ako.





A player and a coward.







"Nagriring ang cellphone mo, bababa lang ako, may bibilhin lang ako sa baba." Ani ni Sandy nang humiwalay siya sa akin at lumabas nang pinto.








Tinignan ko ang cellphone na naghihingalo sa itaas nang center table. Hindi ko napansing may tumatawag dahil nakasilent iyon. Dumukwang ako at saka iyon inabot, tinignan ko ang numero nang tumatawag, nangunot ang noo ko nang makitang hindi iyon pamilyar sa akin.






Pinindot ko ang berdeng bilog sa screen. "Hello?"





"Hey baby..."






Sumikdo ang dibdib ko. Napalunok ako nang marinig ang namamaos na boses ni Declan. "D—Declan..."







Narinig ko ang tawa niya, pagkuwan ay sumeryoso ang kanyang boses. "I miss you."






"I...I, uhm... I ano—" Hindi ko alam ang itutugon.







"You what?" Narinig ko muli ang pagtawa niya. "Open the door for me."









***

ImperfectPiece

CBS#2: Capturing Declan (COMPLETE)Where stories live. Discover now