CAPTURING DECLAN
C H A P T E R - 22
Unexpected.
Muling inusisa ni Shivon ang kanyang itsura maging ang kanyang ayos sa salamin.
Ngayong araw, tinawagan siya ng kumpanyang isa sa mga pinagpasahan niya ng resumé. Laking pasasalamat niya dahil kahit papaano ay may nagbungang himala sa pagod niyang naranasan kahapon! Isa pa, gusto niya nang makaipon ng pera. Ayaw niya na ang humingi at dumepende sa papa niya. Gusto niya this time, galing na mismo sa pagod at pawis niya ang perang lalapat sa palad niya.
Nang makuntento siya pagsiyasat sa kanyang kabuuan, kinuha ni Shivon ang kanyang shoulder bag at pagkatapos ay lumabas na ng kanyang kwarto. Daladala ang susi ng bahay at cellphone niya, lumabas siya ng tuluyan ng unit at inilock iyon. Sa bawat pagtunog ng kanyang itim na heels sa sahig nababasag ang tahimik na hallway, ngunit hindi niya iyon napapansin o naririnig man lang. Naglayag ang isip niya kahapon kung saan niyakap siya ni Declan.
Hanggang makasakay siya ng elevator, iyon ang nasa isip niya. Hindi niya maintindihan. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon si Declan kumilos sa paligid niya, sa maikling panahon, nakabisa niya na ang ugali nito. Para bang, wala itong itinatago sa kanya. Napakacarefree'ng tao ni Declan, napakaopen sa kanya. Pero hindi niya kayang gawin ang ganoon. Masyado siyang maraming itinatago, at tinatakbuhan. Kaya naman naging no ang naging sagot niya sa naging alok nito. Hindi sila pwedeng maging magkaibigan kung may nangyari na sa kanila, at alam niya ring nagbibiro lang si Declan nang sabihin nitong liligawan siya nito. Napakaimposible. Hindi marunong manligaw ang isang 'yon o ang mga katulad niya, kusang kakamang ang mga babae sa paahan nila ng walang paghihirap.
Paglabas niya ng building ay agad siyang pumara ng taxi at nagpahatid sa Villazarco Enterprise Company. Nang makarating ay agad siyang nagtanong sa front desk kung nasaan ang secretary nang CEO ng kumpanya na si Mr. Daylan Isaak Demonte Villazarco.
"Nasa second from the top floor lang po. Liliko lang po kayo nang kanan at makikita niyo si Ms. Quillope, ihahatid niya po kayo sa opisina ni Mr. Buendia." Pagiindikta sa kanya nang babaeng nasa front desk.
Nagpasalamat si Shivon at sumakay ng elevator. Nang makaratin sa floor, agad niyang nahanap ang babaeng si Ms. Quillope na nasa desk rin at inihatid nga siya nito kay Mr. Buendia.
"Goodafternoon." Bati ni Shivon at nakipagkamay sa lalaki.
"Goodafternoon, Ms. Tavajes. I'm Mister Buendia, the one that called you earlier." Pagpapakilala ng lalaki. Mukha pa itong bata, pero dahil sa kaseryosohan nito nagmukha itong mature. Pero may itsura.
Nagsimula ang interview niya, nagdadaldalan silang dalawa ni Uranus— si Mr. Buendia nang biglang magring ang cellphone nito kaya't naputol ang usapan nila. Nakita niya ang panlalaki ng mga mata nito bago sinagot ang tawag.
"Sir!" Attentive ang boses na sagot sa tawag ng secretary. "N—Nandito kayo sa Pilipinas? As in ngayon, Sir? P—Pero—"
Biglang bumukas ang pinto ng opisina at pumasok mula doon ang dalawang lalaki na matangkad at nakasuit and tie. Naguusap ito na para bang silang dalawa lang ang tao at hindi sila nito napapansin.
"Sinabi ko na sayo, Daylan. Iba siya!" Sabi nang isang lalaki na nakatalikod sa bahagi ni Shivon. Bakit parang pamilyar ang boses nito?
"Pare, baka naman inlove ka na? Aminin mo na kasi. Ano ba ang nararamdaman mo? Baka matulungan kita diyan, kasal na akong tao. Marami akong alam sa gan—" Sagot ng Daylan. Baka ito ang CEO? Pero ang sabi ng secretary nasa New York ito ah?
"Hindi nga sabi ako inlove! Gusto ko lang naman siyang nakikita. Nakakasama saka nakakausap. Ayon lang 'yon. Pero hindi ako inlove!" Giit pa ng lalaking pamilyar ang boses.
"Ah. Mga, Sir?" Entra ni Uranus na nagpatigil sa dalawa.
Humarap ang dalawang kakapasok lamang. Ngumiti ang isa pero ang isa ay nanlaki ang mga mata. Sinabi na nga ba niya, pamilyar nga dahil ito lang naman ang yumakap sa kanya kahapon.
"Shivon?" Tanong ni Declan. "What are you doing here?"
Napatingin naman sa kanya ang katabi nito. "So, ikaw ang ikinababaliw ng kaibigan ko?" Lumapit si Daylan sa kanya. "Nice to meet you, Ms. Shivon."
Inabot nito ang kamay kaya dapat ay aabutin niya rin, pero tinabig iyon ni Declan kaya kamay ni Declan ang nahawakan niya. Mahipit na hinawakan ni Declan ang kamay niya. Sinamaan nito ng tingin ang kaibigan.
"Don't you dare touch her, bastard." Declan hissed.
***
ImperfectPiece
BINABASA MO ANG
CBS#2: Capturing Declan (COMPLETE)
Teen FictionClingy Boys Series#2: Capturing Declan Declan Luke Enriquez Jordan has the list of his own rules about what to choose on screwing chicks, including the do's and dont's. Pero nang maencounter niya si Adeelah Shivon Agatep Tavajes na eksaktong eks...
