Chapter 26

27.6K 433 6
                                    


CAPTURING DECLAN
C H A P T E R - 26
Hunting gone wrong.




"'Yung nakapula oh." Nagturo si Shivon. "Maganda ang legs."




Declan snorted. "But she was probably just 5"2"."






Siniko ni Shivon si Declan. "Grabe ka naman!" Pagkuwan, nagturo ulit. "Oh, edi ayon na lang oh! Yung mahaba ang buhok."






Saturday evening at Crindollas Bar. Magkatabi sila ni Declan sa iisang couch. Sa totoo lang, isang tao lang naman talaga ang kakasya doon. Pero nagkasya silang dalawa ni Declan, makatabi habang nakatukod ang siko niya sa kaliwang hita nito habang hawak hawak niya ang isang cocktail sa kamay at ang mga mata nilang dalawa ay naghahanap nang babaeng papasok sa panlasa ni Declan.




"Hmm..." Mukhang nagiisip si Declan. "Pwede na."




Tumayo kaagad si Shivon at inisang lagok ang kanyang inumin. "Puntahan mo na, doon lang ako sa may counter."








Nagpunta siya nang counter at umupo sa isang high stool doon. Hindi katulad ni Declan, wala siyang balak na maghanap para sa gabi. Sumama lang talaga siya kay Declan dahil nabuburyo na siya sa unit niya. Busy si Sandy sa kung ano mang pinagkakaabalahan nito kaya't wala siyang makasa-kasama. Isa pa, wala pa rin siyang trabaho. Actually, puro na nga siya utang kay Declan. Pero alam niya, kailangan niya na ang maghanap. As long as possible and for real.






Pinagkrus niya ang hita at sumimsim sa kanyang bagong cocktail habang nakamasid siya sa kabilang bahagi nang bar kung nasaan si Declan kasama ng babaeng itinuro niya kanina. Napailing siya. Napakagaling nito sa babae na halos kalimutan niya nang pati siya ay nadale na nito, pero mabuti na lang at guarded siya.





O iyon lang ang nasa isip niya?






But Shivon knew she is. Her heart is guarded with some thick brick that'll keep her from any drama. Akala niya, nang mangyari ang araw na iyon na nakatatak sa bawat kalendaryong mayroong labindalawang buwan kasama niya ay hindi niya na kaya pang mabuhay. Nakakatawa kung iisipin niya ngayon. Marami na siyang natutunan, kaya't marami na siyang alam. At tanga na lang siya kung hahayaan niya pang masaktan ang sarili niya.





Alam ni Shivon na isang delikadong apoy si Declan. Lalo kang lumalapit, lalo kang nasusunog. Pero katulad ng sinabi niya, kilala niya ang mga katulad ni Declan. Isang lalaking naghahanap lang ng laro kung saan isang walang kwentang bagay ang damdamin. At masyadong siyang matalino para makipaglaro kay Declan, minsan nang nakamras ang puso niya. Pinapangako niyang hindi na mauulit pa iyon. Hindi kay Declan, Hindi kahit na kanino.






Siguro magkaibigan na sila. Siguro? Pwede. Pero hanggang pwede lang. Ayaw nya itong maging kaibigan. Ayaw niya itong maging kahit na ano. Pero okay lang na nakakasama niya ito, naoocupy ni Declan ang pwesto ni Sandy, so, siguro nga magkaibigan sila. Besides, mas lagi pa nga silang magkasama kaysa kay Sa—





"Hi."






Naputol ang pagtitig niya kay Declan ang mga iniisip niya nang marinig niys ang isang malamyos na boses. Boses na aagaw sa kahit kaninomang atensyon ng babaeng hindi alam kung ano ba ang layunin ng lalaking ito.






"Hello." Ngumiti si Shivon, sinukluan iyon ng lalaki na may friendly na ngiti.




"Spending alone?" Tanong ng lalaki at saka tumingin sa paligid.




"Yeah." Sagot niya.





Hindi na namalayan ni Shivon ang oras dahil sa kalahating oras na siyang tawa ng tawa dahil sa kausap niyang si David— ang lalaking nagapproach sa kanya kanina. Bored pala ito at naiwang magisa dahil nagsikanya-kanya na ang mga kaibigan nito para maghanap ng babaeng maiuuwi ngayong gabi. Wala siyang balak, ito rin ay walang balak. They're just chilling nang ispoil iyon ni Declan, napatigil sila sa paguusap ni David.





"Let's just go home, Von. I'm bored." Simangot ni Declan ng lumapit ito at wala sa sariling inilagay ang kamay sa hita niya.






Napansin naman niya ang pagsunod ng mata ni David doon kaya patago niyang inilihis ang kamay ni Declan. Pero matigas iyon. Napatiim bagang siya. "Declan, mauna kana. Dito muna ako."





"What?" Bigla ay inilagay ni Declan ang dalawang kamay sa magkabila niyang bewang at ibinaba siya sa upuan. Hinawakan nito ang palapulsuhan niya at basta-basta na lang siya kinaladkad palabas.







Hindi siya kaagad na nakapagisip. Nahihilo siya sa sensasyon na ibinigay ng kamay ni Declan sa kanyang balat. Kahit na may nakapagitang tela sa mainit nitong kamay at sa parte nang ilalim ng kanyang dibdib, hindi niya alam kung bakit ramdam niya pa rin ang init doon.







Ano bang nangyayari sa kanya?








***

ImperfectPiece

CBS#2: Capturing Declan (COMPLETE)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum