Chapter 28

27.9K 554 27
                                    



CAPTURING DECLAN
C H A P T E R - 28
Sign.








Hinaplos-haplos ni Declan ang buhok nang babaeng nakahiga sa itaas niya. Napakaliit nitong tignan, habang siya ang nagsisilbi nitong higaan. Niyakap niya ito at isinubsob ang mukha sa leegan nito. Napapikit siya nang maamoy niya ang mabango nitong amoy.








Sa kakaiyak nito kaya ito nakatulog. Unang beses niya itong nakitang umiyak, at ayun. Para siyang maiihi. Hindi niya alam ang gagawin niya sa taranta. He don't know why, pero hindi niya kayang makakita nang babaeng umiiyak. And to think na si Shivon pa iyon, may kung anong kirot sa dibdib niya nang makita ang sunod sunod na pagtulo nang luha nito sa mamula-mulang makunis nitong pisngi.










Who are they anyway? Bakit bigla na lang na umiyak si Shivon nang makita niya ang lalaki at babaeng 'yon? May naalala ba siya? Perhaps, baka may nagawa sa kanya ang mga taong 'yon? He doesn't know. Ang gusto niya lang ay ang tumigil ito sa pagiyak. Napabuntong hininga siya, gusto niya itong panggigilan pero baka hindi ito makahinga dahil sa napakadelicate nitong katawan. She's so fragile.









Hindi alam ni Declan kung ano ba ang nararamdaman niya. Halo-halo. Basta't nasa paligid niya lang si Shivon, nagagawa niya ang mga bagay na hindi niya naman ginagawa noon o nararamdaman niya ang mga emosyong hindi niya alam na nageexist pala. Nandito ang madalas na abnormal na pagtibok ng puso niya, ang pagkasabik niyang lagi itong kasama. Hindi niya alam. Hindi niya alam ang ginagawa at nararamdaman niya. Bago pa at ngayon niya lang ito naranasan, at ang lahat ay nagsimula dahil lang sa isang gabi. Dahil kay Shivon.







Maybe, he likes her. Pero ganoon ba ang nararamdaman mo kapag gusto mo ang isang tao? Kahit hindi niya alam, handa si Declan na sundin lang ang puso niya. Gusto niyang ipsgpatuloy ang ganitong emosyon. Masarap sa pakiramdam ang ganito.







Naramdaman niyang gumalaw si Shivon, tumagilid ito sa itaas niya. Ang pisngi nito at kamay ay nakadikit sa kanyang dibdib. Sa anggulong iyon, nakikita niya pa ang mamasa-masa nitong mahabang pilik-mata. Napailing siya at ipinadaan ang hintuturo doon. Nakaramdam siguro ito kaya't gunalaw ito muli at tuluyan nang nagising.






"Hey." Agaw niya sa pansin nito.






Kinusot ni Shivon ang mata, akma sana siyang babangon nang si Declan na ang umupo kaya nasama siya. Inilagay niya nang wala sa sarili ang isang binti sa kabilang bewang ni Declan kayat nakaupo na siya sa kandungan nito.








Napangiti si Declan. Napakaganda and at the same time, ang cute ni Shivon. Dinakma nang malaki niyang kamay ang likod nang ulo nito at isinandig sa kanyang balikat si Shivon, hinawi niya ang buhok nitong natabing sa hugis puso nitong mukha.






"Maguumaga na pala..."






Declan chuckled. "Yeah, sleepyhead." Hinaplos-haplos niya ang kamay sa likod ni Shivon. Gusto niyang kumportable ito. "Nagugutom ka ba? O inaantok ka pa?"






Napakagat labi si Shivon. Kumapit siya sa sweater ni Declan at tiningala ito. Nahihiya siyang tumango. "Nagugutom..."







Ganoon pa din ang pwesto niya nang tumayo si Declan sa kama, buhat buhat siya nito na parang isa lang siyang kapiraso nang papel.






Right at that moment, nang asikasuhin ni Declan si Shivon, nakaramdam siya nang kakuntentuhan. He want this. At sa oras din na iyon napagdesisyunan niyang... Edispatsa na ang rules niya.











Shivon is the sign for him to stop those stupid rules of him.





***

AN: Comment mga beh. Lakas ko ang comment niyo.

ImperfectPiece









CBS#2: Capturing Declan (COMPLETE)Where stories live. Discover now