CAPTURING DECLAN
C H A P T E R - 42
Forgiveness.
One month passed so quickly, and she was beginning to be herself like she used to be.
At first, it wasn't easy.
Hindi naman talaga madali ang magpatawad. Hindi ba? We intend to hurt back the people that hurt us. Pero sa huli, kailangan pa rin nating mahanap ang pagpapatawad. Hindi uusad ang buhay kung patuloy nating hahawakan ang nakaraan. Wala na tayong magagawa para mabago pa ang mga bagay-bagay na nagdaan. Maganda man o hindi, mananatili na lamang na nakaraan ang nakaraan at hindi na kailanman mabubura pa. Ang dapat nating gawin ay ang bumitaw. Hindi bibitaw ang nakaraan, pero tayo, kaya natin. Sa pamamagitan 'non, makakapagsimula ulit tayo. Marami ka mang sugat na natamo, pero dala mo na ang aral ng nakaraan, daldalhin mo iyon at magsisilbing gabay para sa panibagong simula.
Natuto na ring magtiwala si Shivon. Maraming nangyari nitong nakarang buwan, pakiramdam niya, ito ang pinakamagandang desisyong nagawa niya sa buhay. Heto siya ngayon, nabubuhay araw-araw na wala ng dinadalang mapait na nadarama. Natutuan niyang magtiwala bukod kay Sandy, natutunan niya ng magtiwala sa taong mga nakapaligid sa kanya. Hindi na siya natatakot pang gawin iyon, siguro, dahil nga, kasabay nito ay natutunan niya na din ang magpatawad. Pinatawad niya na si Stacy at Cristoff. Kung sino siguro ang makakaalam ng storya niya, na pangteleserye, paniguradong galit na galit na ang mga ito sa dalawa katulad ng ginawa niya. Pero hindi na ngayon. Pinatawad at pinagkatiwalaan niya na ulit ang mga ito.
"Pinilit kong labanan ang nararamdaman ko, Von. Pinilit ko." Naiiyak na kwento ni Stacy. "Dahil boyfriend mo siya. Kinastigo ko ang sarili dahil sa nararamdaman, hindi tama ang bagay na iyon. Dahil alam ko, masisisira ng pagmamahal na nabubuo sa puso ko para kay Cristoff ang pagkakaibigan natin at ang pinagsamahan natin."
Hindi ko siya matignan. Hindi ko kaya. Bigla ay pakiramdam kong bumalik kami sa panahong magkakasama kaming apat. Masaya, nagtatawanan. Pero hindi ko alam, may nangyayari na palang hindi tama sa likod ko.
"Pero kahit ano mang iwas o laban ko sa sarili kong damdamin, wala akong nagawa. Wala kaming nagawa. Walang araw na hindi ko pinagsisisihan ang ginawa namin sa iyo, hindi ko rin mapatawad ang sarili ko." Tuluyan ng humagulgol siya sa kinauupuan sa harap ko. Pero ako, wala akong madama. Namamanhid ang buong pagkatao ko. Kailan ba ito matatapos?
YOU ARE READING
CBS#2: Capturing Declan (COMPLETE)
Teen FictionClingy Boys Series#2: Capturing Declan Declan Luke Enriquez Jordan has the list of his own rules about what to choose on screwing chicks, including the do's and dont's. Pero nang maencounter niya si Adeelah Shivon Agatep Tavajes na eksaktong eks...
