Chapter 29

28.3K 436 21
                                        

CAPTURING DECLAN
C H A P T E R - 29
Betrayed.






Nakangiti kong pinagmasdan ang aking itsura sa salamin habang nilalagyan ng kolorete nang isang make-up artist ang aking mukha.





"Excited ka ba, ma'am?" Tanong niya sa akin nang nakangiti habang nalalagyan niya nang blush on ang pisngi ko.





Maging ako ay napangiti, hindi mabura iyon sa labi ko. "Sobra..."





"Nako, napakaswerte naman ng lalaking mapapangasawa niyo kung ganoon. Eh, ang ganda niyo ma'am eh. Hindi niyo na nga kailangan ng make-up." Puri ni Marj sa akin— yung make-up artist.






"Talaga?" Hindi mapuknit ang ngiting nakaguhit sa aking mukha. Halo-halo ang nararamdaman ko! Sobra akong masaya, sa gayon, ninenerbyos rin ako.





Ngayong araw gaganapin ang isa sa  pinakamahalagang araw sa aking buhay. Ang maikasal sa lalaking itinadhana sa akin, sa lalaking mahal ko at mahal ko rin. Si Cristoff, first year college ako nang magkakilala kami. Pagkatapos nang pangalawang semester nang simulan niya akong ligawan, pitong buwan bago ko siya sinagot.






Noong una, hindi naman talaga ako interesado sa kanya. Itong si Sandy lang at si Stacy ang nagpupumilit na payagan ko nang manligaw si Cris, sayang daw dahil gwapo ito at mayaman saka sikat sa buong campus. Ang sa akin, hindi naman mahalaga iyon. Pero pumayag ako sa pangungulit nang dalawa kong kaibigan at hindi ko rin inaasahang mahuhulog din pala ang loob ko kay Cris. Simula 'non, kaming apat na lagi ang magkasama hanggang sa makapagtapos kami.







Matapos ang graduation, isang taon pa nang magpropose sa akin si Cris. Planado na ang lahat sa amin. Dalawang taon kaming engage 'non at sa mismong araw na ito, gaganapin na ang kasal naming dalawa. Hindi ako makapaniwala!







CBS#2: Capturing Declan (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon