Chapter 44

24.5K 449 64
                                        


CAPTURING DECLAN
C H A P T E R - 44
Pansamantala.





Kung kailan ko naman natutunan muling magtiwala, saka na naman ako naloko.



Nasaktan.





Hindi ko alam ang gagawin sa harapan nilang dalawa. Pakiramdam ko ay isa akong malaking tanga na nakatuod lang doon. Ano bang dapat kong gawin? Sampalin silang dalawa? O humakbang at umalis? Pero mukhang alinman doon ay lumipad sa isip ko ng ngumiti si Declan.




Bakit siya nakangiti?




Inakbayan niya ang babaeng kahalikan na puno ng pagtataka ang ekspresyon. "Oh. Long time no see, Shivon."





Napamaang lang ako. Pati paghinga ay nakalimutan ko na. Maging ang magbukas ng bibig siguro ay ganoon din. Para bang namanhid ang buo kong katawan. Nanlamig ang mga palad ko. At lalong kumikirot ang dibdib ko habang lalo akong nagtatagal. Mas masahol pa ito kaysa noon, ganito rin kaso ay mas matindi ito.




Walang kapantay.




Hindi man lang ito naghintay. Isang buwan lang naman siyang nawala. Nawala siya para kay Declan. Ginawa niya ang magpatawad at nagaral siyang magtiwala para sa binata. Para kung sakaling babalik na siya at kaharap niya na ito ay malaya na ang puso niya sa galit at puot at magiging sentro na lang ng puso at damdamin niya ang nararamdaman para kay Declan. Magiging sentro na lang ng lahat niya si Declan.






Pero nasayang lang ang ginawa niya. Nawalan ng kabuluhan. Para saan pa ang lahat ng iyon kung sa panahong hinahanap niya ang sarili ay saka naman pala ang pagkawala nito sa kanya?






Masyado kasi siyang tiwala sa sarili niya eh. Akala niya, porke sinabi na nitong mahal siya nito, siya na lang ang babae sa buhay nito. Pero hindi pala. Sinampal siya ng katotohanang nasa harapan niya. Hindi magbabago para sa kanya si Declan. Sino ba naman siya? Isa lang nga siguro siya sa mga babaeng nagdaan na dito. Swerte niya lang at matagal niya itong nakasama. Pero malas niya naman ngayon at dahil ngayon na ito magtatapos.






Pagkuwan ay ngumiti siya ng maliit. Pero sa likod ng kiming ngiti ang muling pagkawasak ng puso niya. Nararamdaman niya ang unti-unti nitong paghati sa kanyang kaloob-looban.





"Kinakamusta ka lang sana..." Pinipigilan niya ang luhang gustong umalpas. Pero hindi siya dapat umiyak. Bakit siya iiyak?






Tumango-tango si Declan at saka mas lalong hinapit ang babae sa kanya. "Ganoon ba? Eto, okay lang naman. Ganoon pa din."






Ganoon pa din? Nangwawasak pa din ng puso?





"—Babe, late na ako. Babalik na lang ulit ako mamaya ha?" Sabat ng babaeng inaakbayan ni Declan.





Babe? Mas lalong nanlumo si Shivon. Naalala niya kapag tinatawag siya nitong baby. Nagpadala na naman siya. Ayan tuloy at nahulog na naman siya. Noon, naloko siya. Ngayon ay naloko na nga siya dahil napaniwala siya ni Declan na mahal talaga sia nito, pinaasa pa siya. Hindi siya sinalo.






Gusto niyang matawa. Double dead na ang puso niya. Tignan mo nga naman, bakit ba lagi na lang ganito? Bakit ba lagi na lang dapat siyang masaktan?





Bakit ba minahal niya pa si Declan?






Bakit pa ba siya bumalik? Wala naman pala siyang babalikan. May bago na ito eh, at etsapwera na siya. Isa na siya ngayon sa listahan ng mga di mabilang na babaeng napaasa, napaibig o napurdoy nito. Hindi na siya kailangan.




Naging pansamantala lang siya.





Gusto siyang umiyak sa totoo lang. Gustong gusto nang pumatak ng luha niya. Masakit kasi eh. Napunta sa wala ang pagpupursigi niya. Nawala sa lahat ang pagbabalik niya.






Tatanga tanga rin kasi siya. Bakit isang buwan siyang nawala? Hindi niya man lang naisip na pwede siyang palitan nito. Kasalanan niya rin. Alam niyang maraming kumakapang babae sa paahan ni Declan at kahit na sino man sa mga iyon ay pwede nitong piliin anomang oras o araw.





Pero kasi sabi kasi nito mahal siya nito eh.



Anong nangyari?




Sinabi niya na nga ba. Hindi nito alam ang sinasabi nito. Baka nga pinaglalaruan lang siya nito ng sabihin iyon ng binata. Eto naman siya, umasa.






Naiwan silang dalawa na magkaharap nang makaalis na ang babae. Nakasandig si Declan sa pinto at hubad baro't nakapajama lang. Habang siya, nararamdaman niya ang unti-unting panlalamig ng kanyang pagkatao. Bumabalik na naman siya sa dati. Back to zero.





Mali talaga ang desisyon niyang magtiwala ulit. Pero hindi naman niya pinagsisisihan ang pagpapatawad niya kay Cristoff at Stacy.




"...So..." Pagsisimula ni Declan.





"—Uhm, sige. Mukhang," Iminuwestra niya ang kamay sa kabuuan ni Declan. Hindi siya makapagisip ng maayos. "Mukhang okay ka naman." Tumawa siya ng bahagya. "Sige, aalis na ako."







Kaagad siyang tumalikod. Ayaw niyang salubungin ang mga mata ni Declan na sinusuri siya. Baka hindi siya makapagpigil at yakapin niya ito. Nakakailang hakbang pa lamang siya ng biglang may humapit sa kanyang palapulsuhan, sa amoy pa lang ng malanghap niya ay alam niyang si Declan ang nasa likuran niya. Sa halo-halong emosyong lumulukob sa kanya, biglang nangibabaw ang galit.






"Sanda—"






Hindi na naituloy pa ni Declan ang sasabihin nang pagharap ni Shivon ay siya ring paglapat ng palad nito sa pisngi ng binata. Nabitawan ni Declan ang palapulsuhan niya at napamaang na lang ito ng makita rin ang luhaang mukha ni Shivon.







"Sabi mo, mahal mo ako. Hindi ba?!" Dinutdot ng hintuturo ni Shivon ang dibdib ni Declan. "Sinungaling ka eh. Pinaasa mo ako! Sabi mo mahal mo ako!" Bumuntong hininga siya at kinontrol ang sarili. "Inayos ko pa ang sarili ko para sayo. Dahil gusto ko, kapag bumalik ako, kaya ko na..." Napahagulgol siya. "Kaya ko nang magtiwala ulit. Kaya na kitang mahalin nang walang alinlangan." Tumutulo ang luha niya habang nagsasalita.







Ngumiti siya ng malungkot pagkatapos matigil ng sandali at napayuko. "Pero nasayang lang ang lahat..." Yumugyog ang balikat ni Shivon. "Nasayang lang ang desisyon kong pagkatiwalaan ka. Na mahalin ka." Nagangat siya ng tingin at nakita niya ang pagkagulat at sisi sa tsokolateng maga mata ni Declan.






Umiling iling si Shivon at bahagyang lumayo. "Pero mabuti na rin 'to. Atleast hindi ba? Nakita kong hindi dapat ako umasa sayo? Na hindi naman talaga totoong mahal mo ako."












***

ImperfectPiece

CBS#2: Capturing Declan (COMPLETE)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora