Chapter 17

30K 510 36
                                        

CAPTURING DECLAN
C H A P T E R - 17
Insane.










At dahil mas mahalaga ang prinsipyo at rules ni Declan, umuwi nga siya nang gabing iyon.








Pagkatapos niyang magisip-isip, biglang niyang naitanong sa sarili kung bakit nandoon siya. Anong ginagawa niya doon? Magpapaalaga? Saan? Sa babaeng nakilala niya lamang sa bar at nakasalo sa kama ilang linggo na ang nakakaraan? No. Hindi siya ganoon. And so, umuwi siya kahit pa alam niyang kakalat na naman sa media ang bagong nangyari sa kanya. Kahit na may pasa, umuwi siya nang gabing iyon at iniwan si Shivon na kumakain ng magisa.






Hindi man nga lang siya nito pinigilan. Walang pakealam sa kanya ang babaeng 'yon!







Pero napagisip-isip niyang mabuti na rin 'yon. Ganoon ang gusto niya, para walang sakit sa ulo. Para sa kanya, sa una lang malinaw ang babae. Pero kapag nagtagal na? Wala na. Malabo na! Katulad nang kapag nakipagnegosyahan siya sa bar, sa una naiitindihan nito ang nangyayari pero kapag natapos na ang lahat at umaga na, hahabol habol ito at kinalimutan na ang kasunduan niyo kagabi. Magugulo ang lahat ng babae kaya sila ang unang sakit sa ulo ng mga lalaki. Alam niya 'yon, syempre expert eh. In short, playboy, In tagalog babaero.





"Sir? Sa blank niyo po inalagay ang pirma niyo sa papeles. Hindi po sa table niyo." Putol ni Thomas sa iniisip ni Declan.




Bigla ay nabalik sa tamang huwisyo si Declan at tinignan ang table niya. Doon na pala siya pumipirma dahil lumagpas na ang point ng ballpen sa papel. Kinuyom niya ang kamay kung saan hawak hawak ang ballpen at pagkatapos ay bigla na lamang niya iyong inihagis. Mabuti at nakaiwas si Thomas kaya't hindi ito natamaan.




"Sir!" Hawak sa dibdib ni Thomas. Ano ba kasi itong boss niya? Bigla bigla na lang na umiinit ang ulo.



"Get me another pen, Thomas." Walang bahalang sabi ni Declan at pagkatapos ay padabog na hinampas ang kanyang table.


"S—Sige po." Unsure na sabi ni Thomas bago lumabas.






Napahilot ng sintido si Declan. "God, what is happening to me? Clear my mind." Inihilamos niya ang kamay sa mukha at ipinahinga ang dalawang palad sa batok at pagkatapos ay yumukod sa mesa.



Pagkuwan ay biglang pumasok si Thomas. "Sir, eto na—"



"Get out, Thomas." Mahinahon pero may diin na pagkakasabi ni Declan. Mainit na naman ang ulo niya.



Napatigil si Thomas. Pinakuha siya ng bagong ballpen dahil hinagis ng boss niya ng walang dahilan ang gamit nito kanina, tapos ngayong dala dala niya na ang bago, palalabasin siya nito? "Sabi niyo Sir—"





Nagangat ng ulo si Declan mula sa pagkakayukyok. "I said get. The. Hell. Fvcking. Out Thomas." Tinuro niya ang pinto. "Now!"




Napabuntong hininga si Thomas at lumabas. Hindi niya na talaga maintindihan ang boss niya. Mainitin naman talaga ang ulo ni Declan, 'yon na talaga ang ugali nito. Pero simula nang magtrabaho ito matapos kumalat ang litrato nitong nakatapis lang ng tuwalya habang nasa parking lot, nagiging madalas itong busy. Busy hindi sa trabaho kundi sa kung ano ano.






Nang magisa na lamang si Declan sa kanyang opisina, limang minuto lang ay may pumasok na naman. This time, alam niyang hindi iyon si Thomas dahil naririnig niya ang takong nitong tumutunog sa bawat hakbang. Hinintay ni Declan na magsalita ito saka niya ipinihit paharap ang swivel chair na kinauupuan niya.






"Hi." Si Amanda, isa sa sakit sa ulo niya. Pagkuwan ay napanganga ito at nagaalala siyang tinignan. "What happened to your handsome face, babe?"




Hindi nagpakita ng kung anong emosyon si Declan, pero ang totoo ay kumukulo na ang dugo niya. Makulit kasi ang bebot na 'to, ayaw siyang tantanan! "What are you doing here again?"






After 20 minutes...






Nakakandong na si Amanda sa kanya habang nakaupo pa rin siya. Hinahalikan siya nito at hinihipo aa kung saan saan pero wala siyang maramdaman, siguro ay naramdaman din nito ang hindi niya pagresponde kaya't napatigil ito at nangunot ang noo.




"What's wrong, babe?" Maharot na tanong ni Amanda. Pero napatili ang babae nang biglang itikwang siya ni Declan. "Why did you do that?!" Tumayo ito sa pagkakasalampak at galit na galit na lumabas.





"God!" Sigaw ni Declan saka padabog na kinuha ang cellphone niya at tinext ang babaeng ayaw na lubayan ang kanyang pagiisip.





To: Witch

Witch, tigilan mo na ako!





He composed the message then hit the send button. Alam niya ang number ng babae, at sa kanya na lang iyon kung bakit. Ang mahalaga replyan siya nito! Kanina nang titigan niya si Amanda, biglang napalitan iyon ng mukha ni Shivon kaya't naitulak niya ito sa gulat. That witch should reply! Dahil kung hindi...




Hindi na nakatiis si Declan at nagdesisyong umalis ng opisina para puntahan si Shivon. What takes her so  long huh? Ano ang ginagaw nito para hindi man lang siya replyan? Nagtext pa siya ng nagtext kahit na nagdadrive pero 'ni tuldok ay wala siyang natanggap na reply mula kay Shivon. Napatiim bagang siya, isipin pa lang niyang may kasama itong iba kaya't hindi siya mareplyan, nagiitim na ang paningin niya!






Nang makarating ay agad niyang tinungo ang unit nito at kinalabog ang pinto. "Shivon! Answer my messages, you witch!" Sigaw niya. "Shivon!"



At nang pagbuksan siya nito nang nakataas ang kilay at nang makita niya ang suot nitong satin na pantulog ay nabuhay ang hindi nagising ni Amanda sa kanya.






Napalunok si Declan. "Shhh... Shivon..."







***

AN: Hi @jaebeomin! Nahuhumaling ka na sa kabaliwan ni Declan? Hahaha

ImperfectPiece

CBS#2: Capturing Declan (COMPLETE)Where stories live. Discover now