CAPTURING DECLAN
C H A P T E R - 9
Mr. CEO
Nagbabasa ng libro si Shivon sa sala nang biglang lumagabog pabukas ang pinto ng unit niya at mabibigat ang hakbang nang kaibigan niyang si Sandy ang pumasok mula doon.
"Hoy!"
Binitawan ni Shivon ang libro, inilapag niya sa center table na nasa kanyang harap. "Sorry." Kaagad niyang sabi.
Sumama ang tingin ni Sandy. "Sorry ka diyan. Gaga ka, alam mo bang pinagalala mo ako? Saan ka ba nanggaling ha?" Umupo ang kaibigan sa kanyang tabi.
Nagiisip si Shivon kung sasabihin niya ba sa kaibigan ang nangyari sa kanya kaya natagalan siya sa pagsagot. "...Dito lang naman."
"Ano yun, Adeelah Shivon?" Naghihinala ang mga mata nito. "What really happened huh?"
Bumuntong hininga si Shivon at binuklat muli ang kanyang libro. Grabe talaga itong si Sandy. Alam niya namang wala siyang maitatago sa kaibigan kaya't siguro nga ay kailangan niyang ikwento ang nangyari.
"I lost my v-card last night..." Panimula niya na nagpalaki sa mga mata ni Sandy. "I met a guy named Pila— Declan."
Nagpatuloy si Shivon. Hanggang sa matapos ni Shivon ang kwento niya bawas ang nangyaring mahalay na parte ay nakanganga at nanlalaki pa rin ang mga mata ni Sandy. Akala niya nga ay kung napano na ito ng bigla na lang siya nitong batukan.
"Gaga! Dapat tumikim ka lang! Bakit mo ibinigay?" Naiinis na wika ni Sandy.
"Anong tikim?" Hinimas ni Shivon ang kanyang ulo. "Saka wala lang iyon. Alam ko na, one night stand, no strings attach, casual se—"
"Kahit na!" Humalukipkip si Sandy at sumandig sa sofa. "Anong itsura?"
"Nang ano?"
Nilingon siya ni Sandy at inirapan. "Nung lalaki, Shiv."
Muling inalala ni Shivon si Pilato. Hindi niya makakalimutan ang lalaking yon. Oo nga't may nangyari sa kanila kagabi, pero nang malinaw niyang makita ang nasa gitna ng mga hita nito? Nako. Baka kahit sa bangungot niya ay nandoon iyong nakita niya. Uminit lang naman ang ulo niya dahil sa nagsisisi siyang madali niyang ibinigay ang puri niyang inalagaan, na mabuti nga'ylt hindi niya naibigay sa isang manloloko dati. Nagsisisi siyang nagpadala siya sa kaadonisan ng Declan na iyon!
"Perpekto ang panga, matangos ang ilong, manipis ang labi, brown ang kulay ng mata. Matangkad, maganda ang katawa—"
"Teka nga," Pinahinto siya ni Sandy at mataman siyang tinitigan habang nakakunot ang noo nito. "Ano ang suot? Baka nakita ko iyon kaga—"
Ngumisi si Shivon. Nginuso niya ang kanyang kwarto. "Nasa kwarto ang pinaghubaran niya."
"Ano?! Bakit nandito pa rin?" Kaagad na tumayo si Sandy at pumasok sa kanyang kwarto.
Ilang segundo lang ng mapagpasyahan niya ring sundan ang kaibigan. Naabutan niya itong sinisipat breif ng lalaki, napakunot naman ang noo niya ng amuyin iyon ni Sandy.
"Sandy, anong ginagawa mo?" Hinila niya paharap ang kaibigan.
"Pinaalis mo siya ng walang kahit na anong saplot, Shivon?" Pinagduldulan ni Sandy ang breif at iwinagayway sa ere. "Calvin Klein ang brand. Mayaman, Shivon."
Humalukipkip si Shivon at manghang tinignan ang kaharap. "So?"
Umirap si Sandy, binitawan nito ang breif at kinuha naman ang pantalon. Itinaas iyon ni Sandy sa ere. "Wow, matangkad nga." Kinapkap rin nito ang bulsa. "May wallet!"
Napukaw nito ang atensiyon niya kaya naman nakiusisa na rin si Shivon nang buklatin ni Sandy ang leather wallet na nakita. Pagkabukas nj Sandy ay bumungad sa kanila ang iba't-ibang credit cards. Binuklat pa nito ang ilang lagayan nang makakita si Sandy ng isang card, binasa nito ang nakalagay doon.
"Business card ito ah. Declan Luke Enrique Jordan, CEO of Jordan—" Niyugyog ni Sandy si Shivon. "Si Declan Jordan ang may-ari nito?"
Kumibit balikat si Shivon. "Siguro, ang sabi niya Declan ang pangalan niya. Ayun lang."
"Si Declan Jordan ang lalaking nasa cover ng magazine na binili natin nung nakaraan! Isa siyang sikat na negosyante, hindi lang dahil sa successful siya kundi dahil sa matinik at malaking epekto niya sa kababaihan! Masyadong—masyadong—"
"Masyadong ano?"
"Masyadong pogi ang isang 'yon! Napakaswerte mo!" Pumadyak si Sandy.
Tignan mo nga naman, sikat pala ang Pilatong iyon.
***
ImperfectPiece
BINABASA MO ANG
CBS#2: Capturing Declan (COMPLETE)
Teen FictionClingy Boys Series#2: Capturing Declan Declan Luke Enriquez Jordan has the list of his own rules about what to choose on screwing chicks, including the do's and dont's. Pero nang maencounter niya si Adeelah Shivon Agatep Tavajes na eksaktong eks...
