CAPTURING DECLAN
C H A P T E R - 11
Witch.
"Sir, dalawang linggo niyo na pong hindi sinisipot ang mga kameeting niyo." Ani ni Thomas.
Hindi naman ito pinansin ni Declan at nagpatuloy lang sa paglalaro ng puzzle. "Hayaan mo sila, Thomas."
"Pero Sir, lalong lang na humahaba ang listahan nila. Natatambakan na po kayo." Giit ng secretary ni Declan. Namomroblema ito sa mga tawag ng tawag at nagagalit nang mga investors.
Natigilan si Declan ng ilang segundo at pagkuwam ay hinampas ang kanyang mesa dahilan para magsitalsikan ang ilang piraso ng puzzle at masira ang nabuo niya na. Napatalon naman si Thomas sa gulat.
"I said let them be! Pwede bang lumabas kana?! May ginagawa ako, Thomas!" Sigaw ni Declan.
Nagkakamot ng ulo naman na lumabas si Thomas. Dalawang linggo nang diretsong mainit ang ulo niya. Laging ganito araw-araw, iisip siya ng mapaglilibangan para mawaglit ang iniisip niya pero wala ring kwenta dahil hindi iyon nawawala! Lagi niyang iniisip ang babaeng 'yon!
Tumayo si Declan at niluwagan ang kanyang necktie. Tinignan niya ang babasaging pader ng kanyang opisina kung saan nakikita niya ang buong lungsod ng biglang pumasok na naman sa utak niya ang babaeng si Shivon. Ang babaeng 'yon, ano bang ginawa nito sa kanya? Ilang araw na rin siyang tigang. Wala siyang ganang magbar o matipuhan man lang, wala dahil lagi niyang ikinukumpara ang mga babaeng nakikita niya ngayon kay Shivon!
Hindi niya pa rin makalimutan ang ginawa nitong magpapalabas sa kanya ng tanging towel lang ang saplot. For goodness sake! Kahit ngayon ay kumakalat pa rin ang picture niya! He swear, kapag nalaman niya kung sinoman ang kumuha 'non o kung sino ang nagpasimulang ikalat iyon ay magbabayad! Hindi sana iyon mangyayari kung pinagbihis muna siya 'nung babae bago palayasin. Pero imbis na magalit siya sa ginawa nito sa kanya, pilit pa rin itong nagsusumiksik sa utak niya.
Wala siyang tulog, sa kakaisip. Kung makakatulog man siya, nasa panaginio niya naman ang gabing pinagsaluhan nila. Nagmamaryang palad siya kapag naiisip niya ang maganda nitong katawan at ang hugis puso nitong makinis at magandang mukha. Ano bang nangyayari sa kanya?
Biglang napakunot si Declan. Hindi naniniwala si Declan sa mga storyang kababalaghan, pero hindi kaya... Nakulam siya? That explains everything! Hindi siya magkakaganito ng walang dahilan. Mangkukulam ang babaeng 'yon!
Kaagad na dinampot ni Declan ang susi ng kanyang Mustang at cellphone at lumabas ng opisina niya. Nagulat naman si Thomas at agad na tumayos sa desk nito.
"Sir, saan kayo pupunta?" Tanong ni Thomas.
"I'll hunt the witch, Thomas!"
Wirdong tinignan lamang siya ng secretary niya. Siguro ay inaakala nitong sa nangyayari sa kanya nitong mga nakaraang araw ay baka tuluyan na siyang nasiraan ng ulo. Pero hindi! Alam niya! Kinulam siya ng babaeng 'yon! At ano naman ang dahilan nito? Dahil kinuha niya ang pagkabirhen nito? Eh pareho lang naman silang lumigaya ah?!
Inis na paulit-ulit na pinindot ni Declan ang ground floor sa elevetor. Napansin niya namang pinagtitinginan siya ng tatlong babae sa kanyang likod. Sinamaan niya ito ng tingin. Napakagat naman ng labi ang tatlo.
"What are you looking at huh?! Why are you smiling?!"
"A—Ang hot niyo po kasi doon sa picture, Sir."
Huminga ng malalim si Declan para pakalmahin ang sarili niya pero hindi iyon nadala. "Get out, or else you three are going to be fired!"
Nataranta naman ang tatlo sa sinabi ni Declan. "S—Sorry po, Sir." Pinindot naman ng isa sa tatlong babae ang button para bumukas ang pinto ng elevator at nagmamadaling nagsilabasan ang mga ito.
Kumukulo ang dugo ni Declan. Kailangan niyang mapuntahan ang mangkukulam na iyon. Dahil kung hindi? Baka mabaliw na talaga siya sa kakaisip dito!
This has to be stop! ASAP!
***
AN: Naengganyo akong magud ulit dahil sa comments niyo. Btw, keep safe sa mga lugar na madadaanan ng bagyo. Maging handa po tayo sa sakuna. Magingat po tayong lahat.
ImperfectPiece
YOU ARE READING
CBS#2: Capturing Declan (COMPLETE)
Teen FictionClingy Boys Series#2: Capturing Declan Declan Luke Enriquez Jordan has the list of his own rules about what to choose on screwing chicks, including the do's and dont's. Pero nang maencounter niya si Adeelah Shivon Agatep Tavajes na eksaktong eks...
