Chapter 34

26.6K 416 6
                                        


CAPTURING DECLAN
C H A P T E R - 34
Trauma.




I blinked. "A—Ano?"






"I said I—Hey? Are you fine?" Nagaalalang tanong ni Declan.







My face paled. My heart beats triple faster. What did he just said? Pakiramdam ko ay nabingi ako dahil sa tibok na lamang ng puso ko ang tangi kong naririnig. Parang tumigil ang paligid ko, hindi ako makagalaw.
I know what this feeling is.





I used to feel this a long time ago. And this scares me.






"Von? Hey baby." Hinaplos ni Declan ang mukha ko. "Baby? Okay ka lang?"






Lumayo ako sa kanya kaagad na parang ang pagdikit niya sa akin ay isang nakakasakit na bagay. Hurt crossed on Declan's face.





"Anong sinabi mo?" Nahintatakutan kong tanong.





Siguro kung nasa normal lang ang lahat, nagtatatalon na ako dahil sa narinig ko. But no. Instead fear invades my whole being. The way my heart responded to what he just said. The way my heart react when he's around me, when he's touching me. My heart drums wildly. And I don't like the feeling. No. Not now, not for Declan.




"Gusto kita." Sersero niyang ulit.




Ayan na naman ang puso ko. Umiling ako at lumayo sa kanya, tumawa ako ng hilaw. "Declan, tumigil ka na. Hindi magandang biro 'yan."






Nagdikit ang kanyang kilay at idinipa niya ang dalawang kamay. "I'm telling the truth, Von." Humakbang siya papalapit sa akin. "Look, maybe I don't like you. Maybe I'm inlo—"







Kaagad akong tumalikod. Hindi ko na siya pinatapos pa sa sasabihin niya. Ayokong marinig ang sasabihin niya. I'm scared. Cristoff's scars are enough, I can't be feeling this. I should protect my heart, raise the cold bricks again. Pero wala na iyon, tinunaw na ni Declan. Akala ko ligtas na ang puso ko. Akala ko na naman. At sa akalang 'to, mapapahamak na naman ang puso ko. Hindi ko na kakayin pa kung mababasag ito uli, hindi ko na alam kung paano pa babangon.





Dahil alam kong iba si Declan.







Isa siyang delekado. Ngayon pa lamang na sinasabi niya sa akin kung ano ang nararamdaman niya at tumutugon ang puso ko, alam ko. Alam kong iba na 'to. Mali bang desisyon ang ginawa ko? Mali ba ang desisyon kong mapalapit sa kanya? Na nagpabaya ako? Na akala ko na naman.





Agad akong humakbang, maririnig ang piti ng pagapak ko sa tiles na sahig. "Shivon! Saan ka pupunta?"






Hindi ko siya pinansin. Dire-diretso ako sa kwarto at agad na hinubad ang aking damit, susuotin ko na sana ang damit na nakuha ko pampalit ng hamblutin iyon ni Declan. Naiwan akong nakatayo doon na bra lang ang tanging suot pangitaas. "Ano ba?!"






He grab my shoulders. "Baby! Whats going on?" May pagtataka. May pagkalungkot at sakit sa kanyang mata. "I didn't expect you to be like this. I—"





"You don't expect this? Anong akala mo? Na matutuwa ako?" Nanghihina kong tanong. "Hindi Declan. Hindi." Marahas kong hinawi ang mga kamay niya sa balikat ko. "Niloloko mo ba ako? O katulad ka lang din niya? Katulad ka lang niya na plano ding saktan ako. Hindi ba?!"







Natuod si Declan. "Sinong siya?"






Nagkatitigan lamang sila. Hindi alam ni Shivon kung ano ba ang sasabihin, naroong tumitibok ang puso niya ngunit sa halo halong emosyon. At si Declan na litong-lito sa lahat, at tanging gusto lamang ay ang kasagutan niya.







Natrauma na siya. Natrauma na ang puso niya. Takot siyang mahulog muli. Takot siyang mabulag ulit sa pag-ibig. Takot siyang malunod. Takot siyang makaramdam ng kahit na anong emosyon para kat Declan. Dahil alam niya, sa nararamdaman niya ngayon kaysa kay Cristoff dati, mas matindi ito.







Pero alam niya. Katulad lang ni Cristoff si Declan. Magkapareho lang sila. Wala silang pinagkaiba.








***

ImperfectPiece

CBS#2: Capturing Declan (COMPLETE)Where stories live. Discover now