CAPTURING DECLAN
C H A P T E R - 49
In which the skies cried.
Pagkarating na pagkarating niya ng rancho, hindi niya inaasahan ang isang enggaradeng pagsalubong. Pero nang salubungin siya ng lahat ng manggagawa, magsasaka at trabahador doon, gumuhit ang ngiti sa kanyang labi.
"Kamusta man ka didto's Manila day?" (Kamusta ka naman doon sa Manila, Inday?) Tanong ni Nanay Naida. Ang naging ina niya ng mawala ang kanyang Mommy.
Nasa kwarto na sila dahil tapos na din ang salo-salo. Pinaghandaan talaga ng Papa niya ang pagbalik niya, napiling siya sa ama. Napangiti naman siya ng makita ang Nanay Naida na inaayos at sinasalansan ang mga gamit niya.
"Okay 'ra man, Nay." (Okay naman, Nay.) Sagot niya sa matanda.
Nagpatuloy ang matanda sa pagtutupi ng kanyang damit. "Karon, ngano nibalik man ka? Na'ay nahitabo?" (Kung ganoon, bakit ka bumalik? May nangyari ba doon?)
Bumuntong hininga si Shivon at pasakdol na humiga sa kanyang kama. Nakuha niya ang atensyon ng Nanay Naida dahil doon.
"Na'a ko'y nakilal'ang lalaki, Nay." (Meron akong nakilalang lalaki, Nay.)
Napahinto ang matanda sa pagtutupi at ibinigay sa kanya ang buong atensyon nito. Batid niyang may problema si Shivon, kilala niya ito. Bata pa lamang ito ng maulila sa ina, at nang maalagaan niya ito, itinurin niya na ding isang anak si Shivon.
"Unya?" (Tapos?) Paghihikayat ni Nanay Naida.
"Una 'mi nagkita sa—Unsa 'to?!" (Una kaming nagkita sa—Ano 'yon?!)
Natigil siya sa pagkukwento at napabalikwas siya ng makarinig ng malakas na kalabog sa labas at sigawan. Nagkatitigan sila ni Nanay Naida at parehong bumadha sa kanilang mukha ang pagaalala ng marinig niya ang boses ng kanyang Papa. Nagmadala siyang bumangon at hindi na nagabala pang magsapin sa paa at agad na lamang na lumabas ng kwarto at bumaba.
Halos magkandatapitapilok siya, pero dahil sa mas lalong dumadami ang boses na naririnig niya, malamang, mas lalong lumalaki ang gulo doon. Nang maabot niya ang dulo ng hagdaan, namataan niya kaagad ang kumpol ng tao sa labas ng mansyon. Nandoon ang ilang trabahador na pinipigilan ang Papa niya sa pagwawala, habang may iba namang nasa kabilang banda at pinipigilan din ang siguro'y sinisigawan ng kanyang ama.
"Papa!" Tawag niya sa atensyon ng ama. Lumabas siya ng mansyon at sinalubong ng malamig na simoy ng hangin. Dumiretso siya sa harapan ng amang galit na galit. "Pa! Ano bang nangyayari?"
Bigla ay sa kanya natuon ang mata ng amang nanlilisik. "Kilala mo ba ang hangal na 'yan, Anak?"
Nangunot ang kanyang noo sa sinabi ng ama. Hangal? Sino ba ang kaaway nito at galit na galit ito? "Sino po bang—" Napahinto siya at sinundan ang tinitignan ng mga mata ng kanyang ama.
Tumatagos iyon patungo s kanyang likod. Umiinit ang kanyang batok, nanunuot ang titig ng kung sinoman ang taong ito kung kaya't minabuti niyang humarap. Pero nagulat siya.
"Anong ginagaw mo rito?"
Iyon na ang pangalawang tanong niya kay Declan sa araw na ito. Nasa harapan niya ito at may kaunting kalayuan ang distansiya nilang dalawa. Nakaupo ito sa damuhan, nakatukod ang isnag kamay sa lupa samantalang ang isa ay nakahawak sa panga nito. Duguan ang kilay nito at ilong, may pasa't mga sugat sa mukha.
YOU ARE READING
CBS#2: Capturing Declan (COMPLETE)
Teen FictionClingy Boys Series#2: Capturing Declan Declan Luke Enriquez Jordan has the list of his own rules about what to choose on screwing chicks, including the do's and dont's. Pero nang maencounter niya si Adeelah Shivon Agatep Tavajes na eksaktong eks...
