Chapter 39

25K 420 18
                                    



CAPTURING DECLAN
C H A P T E R - 39
Key.








Mahirap talagang magbigay ng tiwala kapag nakaranas ka ng panloloko.





Pakiramdam mo, lahat ng taong nakapaligid sayo, niloloko ka rin. Dapat ko bang sisihin ang sarili ko? Masisisi ba ako ni Declan kung ganito ako?






Nang maloko ako, simula 'non ay naging ganito na ako. Ginawa akong isang bato ng panahon. Batong binalot ang puso ko. Hinulma ako ng karanasan, nang nakaraan. Nadala. Natakot. Naduwag. Lahat ng taong nasa paligid ko ay nilayuan ko. Natatakot na baka, isa sa kanila, ay niloloko rin ako. At ayaw ko ng masaktan. Namanhid man ako, pero tao pa rin ako. Paulit-ulit na makakaramdam ng sakit. Nang kirot.









Minsan gusto kong kastiguhin ang sarili ko dahil hindi ko magawa gawa ang simpleng magtiwala. Nababalot ng katigasan ang puso ko pagdating sa bagay na iyon. Hindi ko kayang maging bukas ulit na parang isang libro para sa lahat. Wala akong pinagkakatiwalaan kundi si Sandy lang at ang Papa. At kung magagawa man nilang lokohin ako, hindi ko alam ang mangyayari sa akin. Baka tuluyan na akong mabarag.









Tiwala. Anim na letrang salita. Simple pero napakalaking bagay. Ito ang nagiging daan natin para makipagkomuniksyon sa mga taong nasa paligid natin, daan para sa kahit na anong relasyon kasama ng pagmamahal.








Humagulgol ako sa balikat ni Sandy. "I just can't, Sand... I can't."






Hinaplos niya ang aking buhok. "Hindi mo kailangang pilitin ang sarili mo, Shivon. Dapat ay dahan-dahan na pinagiipunan ang pagtitiwala ng isang katulad mo. Nasaktan man o hindi. Shhh... Tahan na..."










Humigpit ang kapit ko kay Sandy, nagpapasalamat akong sa lahat ng nangyari, sa lahat ng mga bagay na nagyari sa akin, nanatili siyang nasa tabi ko. Hindi niya ako iniwan. "How can I start to trust again? Gusto kong bigyan siya ng pagkakataon, I can feel myself falling again, Sand. But I can't trust him."







Bumuntong-hininga si Sandy. "Alam mo, Von. Nasa sa'yo ang magiging desisyon ng lahat. Kung gusto mong magsimula ulit at mawala ang takot mong magtiwala, pakawalan mo na ang galit sa dibdib mo. Bitawan mo na ang mga alaala noon. Hinding hindi ka makakausad kong babalik-balikan at dadalhin mo ang nakaraan. Patawarin mo na si Cristoff at Sta—"








"Ano?" Binitawan ko si Sandy at hindi makapaniwalang tinignan siya. "Gusto mong patawarin ko na lang sila ng ganoon kadali? Na basta bastana lang ulit akong mati—"






"Pero taon na ang lumipas—"









Umayos ako ng upo at napadpad sa kawalan ang aking tingin. "Hindi mahalaga ang panahon, Sand. Masyadong malaking dagok ang ginawa nila sa akin. Masyadong masakit. Masyadong.... Unfair." Lumingon ako kay Sandy at muli na namang bumuhos ang aking luha.








"Von..."






Sa haba ng panahong ginugol ko para makalimot at magpahilom, ngayon lamang ako nagsalita tungkol sa nangyari. "Bakit ganoon? Pinagkatiwalaan ko sila. Minahal. Pero tinraydor nila ako. Si Stacy... Si Cristoff." Hinawakan ko ang dibdib kung saan nakalugar ang aking puso, hinawakan ko iyon dahil sa pagsabog ng aking mga emosyon. "Pinagmukha nila akong tanga sa harap ng altar. Nabulag ako sa sobrang tiwala at pagmamahal. Dahil sa sobra sobra, sobra rin akong nasaktan."








Pinahid ni Sandy ang likod ng kanyang palad sa aking pisnging hila sa luha. "Hindi mo man ako nakasama ng umalis ka, pero alam kong labis kng nasaktan. Nang makita ko ang nangyari, maging ako ay nasaktan din. Naiitindihan ko kung bakit ka nagbago, kung bakit hindi mo magawang magbukas ng sarili. Pero bigyan mo naman ng pagkakataon ang sarili mo..."







Galit. Lungkot. Ginhawa. Pagsisisi. Pagkalito. Halo halo ang mga emosyong nararamdaman ko.








"Pero paano?" Umaasa kong tanong.







"Kailangan mo munang hanapin ang pagpapatawad, dito..." Hinawakan niya ang dibdib ko. "Iyon ang susi sa lahat, bago ka matututo ulit na magpatawad." Pagkuwan ay ymiling si Sandy. "Pero walang mangyayari kung hindi mo susubukan ang sarili mong magpatawad. Habang buhay kang magiging ganito, wag mong ipagkait sa sarili mo ang maging masaya." Bakas ang pagkalungkot sa malamlam na mga mata ni Sandy. "Gusto kong maging masaya ka." Niyapos niya ako muli.










Muli ay pumasok sa isip ko si Declan. Ang mga sinabi niya. Ang kislap ng pagsuko sa kanyang mga mata.















"Ako rin... gusto ko na rin ang sumaya."










***

AN: Naaawa ako kay Shivon. Naiintindihan ko ang mga taong katulad niya.


ImperfectPiece


CBS#2: Capturing Declan (COMPLETE)Where stories live. Discover now