"Shivon... baby." Hinihingal na bulong ni Declan.
Pumiksi ang kanyang ama sa likuran dahilan para matauhan siya. "Aba! Gago pala talaga ang lalaking 'yan! Pagkatapos kang saktan? May lakas pa siya ng loob na magpunta dito at ipakita ang mukha niya at tawagin kang—"
"Pa..." Bulong ni Shivon. Nang makita iyon ng ama niya, huminahon ito. "Pwede bang... Magusap kami ng sandali?"
Lumalim ang gatla sa noo ng kanyang ama. "Anak—"
"Sandali lang, 'Pa. Sandali lang." Pakikipagusap niya.
Nang tumango ang ama niya nagsialisan ang lahat ng nandoon. Pero bago umalis ang ama niya, binigyan nito ng isang matalim na tingin si Declan. Naiwan silang dalawa pagkatapos. Sa ilalim ng madilim na langit at nagsusumayaw na malamig na simoy ng hangin.
"Paano ka nakarating dito?" Marahas na tanong niya kay Declan habang nakatalikod pa rin dito. "Anong ginagawa mo dito?"
"I told you. I want to be with you." Sigaw ni Declan.
Humarap siya ngunit walang bakas ng emosyon ang mukha. "But I don't want to be with you anymore, Declan."
Nahihirapan man, pinilit na tumayo ni Declan hawak hawak ang balikat at tiyan nito. Humarap ito sa kanya na maga ang mukha at pilay. Napalunok siya. Gusto niya itong lapitan at haplusin, alagaan at arugain. Pero hindi. Kulang pa sa pisikal na sira ang pinadama nito sa kanya. Walang rason para maawa.
"Can we talk, Von?" He hoarsely asked.
"Hindi ba't naguusap na tayo? Ano pa bang gusto mo?" Pilosopo niyang sagot, kahit na al niya kung ano ang tinutukoy ng binata.
"I want to talk about us, Von. Lets sort everything out, give me a chance to—"
"Hindi ko alam kung kaya ko pa bang magbigay ng pagkakataon, Declan." She whispered and slowly shakes her head. "Sagad na sagad na ang tiwala ko."
"No, please. You need to hear me out. I love you. Just—"
"You need to leave."
"No. Hindi ako aalis hanggat hindi mo ako hinahayaang makausap ka. Hindi ako aalis ng hindi ka kasama." Diterminadong sagot ni Declan.
Napangisi siya. Kumirot ang kanyang dibdib. "Anong sa tingin mo? Sasama ako sayo?" Bigla'y tumigas ang kanyang panga. "Hindi ako sasama sayo."
Natuod si Shivon ng makita niyang paika-ikang naglakad si Declan papunta sa kanyang Direksyon. At nang mahinto ito sa harapan niya, pakiramdam niya'y bibigay siya ng magkatitigan silang dalawa. Gusto niya itong yapusin, ngunit pinipigil niya ang sarili. Hindi pa rin maipagkakaila ang kagwapuhan nito at kakisigan kahit na nabugbog sarado ito ng ama niya.
Nagtaas ng kamay si Declan at inilapit iyon sa kanyang mukha. Ngunit hindi nilapat, para bang nagdadalawang isip ito, himuhingi ng permiso para hawakan siya. Nilalamukot ang puso niya. Dinidikdik sa ginagawa nito.
Napatiim bagang si Declan at kumislap ang mga mata nito. Ibinaba nito ang kamay at biglang ipinulupot sa kanyang katawan. Niyakap siya ito na para bang siya ang buhay nito, napakahigpit 'non at pinipiga siya. Binalot siya ng mainit nitong katawan, ng amoy nitong minsan siyang nahalina.
"I miss you so badly that it hurts, baby." Namamalat na bulong ni Declan sa kanyang tenga. "Pakinggan mo naman ako oh." Pagmamakaawa nito. "Gagawin ko ang—"
Pumiksi siya bago pa siya bumigay sa matatamis nitong salita. Sa bitag nito. "Bitawan mo ako! Bitawan mo ako!" Tinulak niya si Declan at lumayo dito. "Umalis ka na at wag na wag ka ng babalik."
Pagtalikod niya ang pagsabay na pagiyak ng langit. Bumuhos ang ulan at kaagad siyang nabasa, malalakoang hakbang niya ngunit natigil siya ng may yumapos sa kanya mula sa likuran. Dumausdos iyon papunta sa kanyang binta.
Nandoon si Declan. Nasa likuran niya't mahigpit na nakayakap sa kanyang binti habang nakaluhod sa lupa at umiiyak.
"Pakiusap, Shivon. 'Wag mo naman akong ipagtabuyan. Gagawin ko ang lahat. Lahat lahat para makausap ka lang. Gagawin ko." Narinig niya itong humikbi dahilan para mas lalong kumirot ang puso niya. "Gagawin ko lahat para sayo."
***
AN: Nako! Umiyak na ang bebe boy natin! Huhuhuhuhu
ImperfectPiece
YOU ARE READING
CBS#2: Capturing Declan (COMPLETE)
Teen FictionClingy Boys Series#2: Capturing Declan Declan Luke Enriquez Jordan has the list of his own rules about what to choose on screwing chicks, including the do's and dont's. Pero nang maencounter niya si Adeelah Shivon Agatep Tavajes na eksaktong eks...
Chapter 49
Start from the beginning
