"Nasasaktan ako sa tuwing nandoon ako para sa paghahanda ng kasal, lumayo ako. Dahil iyon ang alam kong tamang gawin, sa iyo siya. At labas ako doon. Gusto niyang sabihin na sa iyo ang totoo, ang tungkol sa aming dalawa, pero hindi ako pumayag. Natakot ako eh. Napagdesisyunan kong magparaya para sa iyo. Pero iyon din ang nangyari sa araw ng kasal niyo, hindi ko kinaya. Masakit na makitang ikakasal na ang taong minamahal ko sa ibang babae. Sa kaibigan ko. Hindi ko na napigilan at... at... patawarin mo ako..."
Napatitig ako sa luhaan niyang mukha. Naramdaman ko na lamang na nakatingin na pala ako sa kanya ng hilain niya ang kamay ko, nakaluhod na siya sa gilid ko at nakayuko. Yumuyugyog ang kanyang balikat sa paghagulgol. Hinaplos ng libre kong kamay ang aking dibdib, nasasaktan ako. Bigla ay nawala ang aking pagkamanhid.
Hindi ko namalayang tumulo na pala ang luha ko. Huminga ako ng malalim at pinatayo siya, muli ko siyang iniupo sa kanyang kinauupuan sa harap ko. Nagulat siya sa ginawa ko, pero nanatiling silyado ang aking bibig.
Natahimik kami ng mahabang oras. Hindi ko alam kung ilan. Basta, tahimik lang kaming dalawa.
"Hindi natin alam kung sino ang mamahalin natin. Katulad ko, hindi ko rin sinasadya o inaasahang mamahalin ko si Cristoff. Kusa ko iyong naramdaman, kusa ko siyang minahal ng hindi ko alam. Siguro nga, ganoon naman ang pag-ibig. Kaya ka niyang gawing bida o kontrabida. Hindi man naging maganda ang nangyari, hindi ko pinagsisisihang ipinaglaban ko siya." Doon ako napatingin sa kanya.
"Hindi ka nagsisisi na nasaktan ako sa ginawa mo?" Mahina ang tono kong tanong.
Umiling si Stacy. Nakikita ko ang pagkadeterminado at pagkadespirado sa kanyang mga mata. Ang katotohanan. "Nagsisisi, Shivon." Ngumiti siya ng malungkot. Nakikita ko, nakikita ko kung ano din ang nagawa ng nangyari sa kanya. "Pero hindi ako nagsisising nakuha ko siya ng araw na iyon. Mahal ko siya eh. Nawalan na akong pakealam, nalululong na ako sa nararamdaman ko. At alam kong pagsisisihan ko kung maikakasal man siya sa iyo, nagmamahalan kami. At bilang kaibigan mo, ayaw kong makulong ka sa isang kasal na ganoon."
"Siguro nga, ito ang tinadhana para sa ating lahat. Pero lagi mong tatandaan, ano man ang nangyari Shivon, galit ka man sa akin o hindi mo ako mapatawad maging si Cristoff, gusto kong malamman mong hindi nawala ang pagmamahal ko sa iyo. Isa ka sa mga taong importante sa akin. At patuloy kitang ituturing na kaibigan at kapatid."
Hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam ang sasabihin, unti-unti, nakikita ko sa alaala ang magagandang alaala na pinagsaluhan namin ni Stacy. Gusto ko siyang yakapin.
"Sandali..." Pigil ko sa kanya ng papalabas na siya ng pinto ng coffee shop.
Tumigil siya at humarap sa akin. Nanlaki ang mga mata niya ng makita akong nakatayo at nakangiti sa kanya. Hindi siya makapaniwala. Muli siyang humagulgol.
Nilapitan ko siya at niyakap ng mahigpit. Naramdaman ko ang paggaan ng aking dibdib. Ng buo kong pagkatao. Napakagaan 'non at wala na akong hinanakit pang maramdaman. Sa kabila ng lahat, nakikita ko pa rin si Stacy. Si Stacy na kaibigan ko. Na itinuring kong kapatid.
"Pinapatawad na kita, Stacy. Pinapatawad na kita."
"Sa wakas!" Ilang minuto lang silang magkayakap ng makita niya si Sandy sa pinto ng shop at nakangiting nakatingin sa kanilang dalawa.
Nasaktan man tayo o naloko. Tanging pagpapatawad lang ang makakapagpausad sa ating lahat. Tao lang tayo at magiging mas maayos ang bawat araw kung matututo tayong lumimot at...
Magpatawad ng magpatawad at ng magpatawad.
***
ImperfectPiece
YOU ARE READING
CBS#2: Capturing Declan (COMPLETE)
Teen FictionClingy Boys Series#2: Capturing Declan Declan Luke Enriquez Jordan has the list of his own rules about what to choose on screwing chicks, including the do's and dont's. Pero nang maencounter niya si Adeelah Shivon Agatep Tavajes na eksaktong eks...
Chapter 42
Start from the beginning
