"Cris? Tinatanong ka ni fa—" Natigil ang aking pagbulong sa kanya nang bigla niyang bitawan ang aking kamay. Kumabog ang puso ko. "Cristoff?"
Napalingon kami nang makarinig nang pagsinghap. Sa mismong gitna nang malaking pinto ay nandoon si Stacy, hilam sa luha ang kanyang mukha at nakatingin siya direkta sa— direkta kay Cris. Ano bang nangyayari? Hindi ko maintindihan.
Bumaba si Cris sa altar at pinuntahan si Stacy sa kanyang kinatatayuan. Naiwan ako sa altar nang magisa. Nang makita kong niyakap ni Cris si Stacy, pumasok ang realihasisasyon sa aking utak. Umiling ako. Hindi pwede! Hindi iyon maaari. Kaibigan ko si Stacy, hindi niya ito magagawa sa akin.
Nagsimula na rin akong bumaba sa altar at lumapit sa kanilang dalawa. Palipat-lipat ang mata ko sa kanila. "S—Stacy? Ano 'to? Anong... Anong nangyayari, Cristoff?" Naguguluhan kong tanong.
Kahit nasa harapan ko na ang sagot, gusto ko pa ring marinig. Hindi kayang tanggapin nang utak ko ang nangyayari. Hindi ito totoo, ikakasal pa kami ni Cristoff. Hindi ba?
"Shivon... Shivon patawarin mo ako..." Umiiyak na sabi ni Stacy habang nakaalalay sa kanya si Cris.
Napailing ako at napasinghap. Tumingala ako kay Cris, gusto kong sabihin niya ang totoo! Pero nakatungo lang siya at hindi makatingin sa akin. Para kaming masa isang palabas, pero hindi dahil totoo nga itong lahat.
"Ano ito, Cristoff?"
"Mahal namin ang isa't-isa, Shivon. Mahal ko siya..." Sa halip ay sagot ni Stacy.
Natuod ako. Nanginginig ang aking mga binti at parang pinipiga ang aking puso. Mahal nila ang isa't-isa? Ako? Paano ako? Paano nila nagawa sa akin ito? Tumawa ako nang pagak. "Mahal niyo ang isa't-isa?" Hindi makapaniwala kong tanong. "Matagal niyo na akong niloloko?"
Ang pananahimik nila ang naging tanging sagot. At doon na nagmalibis ang luha ko. Ang tangi kong kaibigan, at ang taong minahal ko ay niloko ako! Pinagmukha nila akong tanga. Niloko nila ako! Gusto ko silang saktan, gusto kong sampalin si Cris. Pero mas sumasakit ang damdamin ko para kay Stacy. Mahal ko siya, itinuring ko siya kapatid kasama si Sandy, pinagkatiwalaan ko siya pero nagawa niya ito sa akin. Bakit pa kami umabot sa ganitong sitwasyon?
Nahihiya ako. Nasasaktan. Nagagalit.
Nagkakagulo ang lahat, pero wala akong marinig. Pumipintig ang puso ko sa sakit. Nadarama kong nabibiyak iyo at nabasag. Kaya't tumakbo ako papalabas nang simbahan habang humihikbi at hawak hawak ang aking dibdib. Hindi ko na kayang magtagal pa rito.
Minahal kita, Cristoff. minahal kita nang buong puso ko pero dinurog mo lang iyon. Minahal kita pero niloko mo lang ako. Niloko mo ako kasama ang taong itinuring kong kapatid.
***
AN: Bes Stacy? How to be you po? Dejoke lang. Hahahahaahha
ImperfectPiece
YOU ARE READING
CBS#2: Capturing Declan (COMPLETE)
Teen FictionClingy Boys Series#2: Capturing Declan Declan Luke Enriquez Jordan has the list of his own rules about what to choose on screwing chicks, including the do's and dont's. Pero nang maencounter niya si Adeelah Shivon Agatep Tavajes na eksaktong eks...
Chapter 29
Start from the beginning
