Nang ako na ang maglalakad, pumalinlanlang ang malamyos na kanta. Dumoble ang kabog nang aking puso, at pakiramdam ko ay walang hanggang ang nilalakad naming daan. Lahat ay nakangiti sa akin. Hinanap nang mga mata ko si Sandy at nang mamataan ko siya kumaway siya sa akin. Nagtaka ako. Nasaan si Stacy? Pero nawala na iyon sa isip ko nang humigpit ang kapit ni Papa sa aking braso. Tiningala ko siya at napangiti ako nang makitang umiiyak na siya.
Nang marating ko ang altar, nandoon na si Cris suot ang kanyang tuxedo. Napakagwapo niyang tignan, simula nang makilala ko siya magpasahanggang ngayon man, hindi nabawasan ang kanyang kagwapuhan. Siya pa rin ang lalaking nagtyaga akong ligawan, at masaya akong sa tagal nang panahaon, nandito na kami ngayon, nakatayo sa harap nang altar para mabasbasan nang maykapal.
Nang iabot sa kanya ni Papa ang aking kamay, namamawis rin ang kanya at nanlalamig. Nininerbyos rin siya? Gusto kong tumawa. Nang magsimula nang magsalita ang pari sa aming harapan, napansin ko ang pagkabalisa ni Cris. Hindi siya mapakali at madalas ang kanyang pagbuntong hininga.
"Ikaw Adeelah Shivon, tanggap mo bang maging kabiyak si Cristoff?" Tanong nang pari sa akin.
"I do, father." Buong puso kong sagot.
Bumaling naman ang pari kay Cristoff. "Ikaw Cristoff? Tinatanggap mo bang maging kabiyak si Adeelah Shivon?"
Nakangiti kong tiningala si Cris mula sa aking belo, pagkatapos nito, magiging ganap na magasawa na kami. Hindi na ako makakapaghintay pa.
Pero tatlong minuto na ang nakakaraan at naulit na rin muli ni Father ang tanong, hindi pa rin sumasagot si Cris. Nangunot ang noo ko, namayani ang katahimikan sa loob ng simbahan. May problema ba?"
YOU ARE READING
CBS#2: Capturing Declan (COMPLETE)
Teen FictionClingy Boys Series#2: Capturing Declan Declan Luke Enriquez Jordan has the list of his own rules about what to choose on screwing chicks, including the do's and dont's. Pero nang maencounter niya si Adeelah Shivon Agatep Tavajes na eksaktong eks...
Chapter 29
Start from the beginning
