"Tara na, suotin mo na ang gown mo!" Nabalik ako sa kasalukuyan nang marinig ko ang excited na boses ni Marj. Tumango ako sa kanya at ngumiti.
Matapos kong maisuot ang gown, muli kong tinignan ang kabuuan ko sa salamin. See through iyon, mababa ang cut sa likod at pantay ang neck line sa aking harap. Long sleeve at halos pangalawang balat ko na ang palda pababa, pagdating sa talampakan ay pahaba na iyon sa aking likod. Napakaganda ko! Hindi ako makapaniwalang ako ang nakikita kong repleksyon sa salamin. Napakagat ako nang labi. Ano kaya ang itsura ni Cris? Sigurado akong—
"Anak?"
Lumingon ako. Napangiti ako nang makita ang nagaalalang mga mata ni Tita Veronica, sa likod niya naman si Papa na nakangiti sa akin. Si tita talaga, ikakasal na nga lang ako, nagaalala pa din. Umiyak siya sa akin at saka niyakap niya ako, maging si Papa ay nahahalata kong gusto ring umiyak dahil sa namumula niyang mata at pasinghot-singhot niya. Matapos ang trenta minutos ay nagtaka ako.
Bakit ang tagal?
Sumilip ako sa labas nang pinto nang sawayin ako ni Marj. "Halika nga dito! Maghintay ka lang, sa altar din naman ang destinasyon nang lahat nang 'to. Relax."
Dumaan pa ang isang trenta minutos bago ako tawagin nang coordinator kasama si Sandy. Inalalayan niya ako palabas at para pumunta na sa pinto nang simbahan. Nandoon na si Papa at si Tita Veronica para samahan ako sa paglalakad. Nang makatayo na ako doon ay umalis na sa tabi ko si Sandy para pumwesto na sa sarili niyang lugar. Hindi ako mapakali! Malakas ang pagkabog nang puso at natatakot akong baka lumabas na lang ito at biglang tumalon palabas sa akin, namamasa ang aking mga palad .
YOU ARE READING
CBS#2: Capturing Declan (COMPLETE)
Teen FictionClingy Boys Series#2: Capturing Declan Declan Luke Enriquez Jordan has the list of his own rules about what to choose on screwing chicks, including the do's and dont's. Pero nang maencounter niya si Adeelah Shivon Agatep Tavajes na eksaktong eks...
Chapter 29
Start from the beginning
