Prologue

60.7K 940 21
                                    



CAPTURING DECLAN
P R O L O G U E










"ADEELAH SHIVON! I KNOW YOU'RE IN THERE! OPEN THIS DAMN DOOR!"








Napairap si Shivon at pinailaw ang kanyang lapshade. Malalaki ang kanyang hakbang nang makababa ng kama at lumabas ng kwarto para tunguhin ang kanyang kumakalabog na pinto.








Magigising ang buong barangay sa ginagawa ni Declan!









Nang buksan niya ang pinto ay sinalubong siya ni Declan na nakasimangot. May daladala itong unan at nakapajama lamang.









"Ano na naman ba ang kailangan mo?!" Binulong niya iyon pero parang gusto niyang isigaw.









"Why won't you open the door for me? Are you hiding someone?" Nagdududa ang tsokolate nitong mata sa kanya at tinuro nito ang loob ng kanyang unit.








Namamanghang tinignan niya naman si Declan na para bang may anim itong tenga. "Nahihibang ka na ba? O baka naman nakasinghot ka lang ng katol?" Pumamewang si Shivon. "At saka ano naman kung may tinatago ako? Bahay ko naman—Hoy!"









Namumula ang dalawang tenga ni Declan nang marinig nito iyon at walang sabi sabing pumasok ito sa loob. Hinalughog nito ang bawat sulok ng kanyang unit at siya naman ay naghintay lang sa sala na mapagod ito dahil wala naman itong mahahanap na itinatago niya.









Nang sumuko si Declan ay nilapitan siya nito. "Kung wala kang tinatago, bakit ayaw mo akong pagbuksan ng pinto?"








"Hindi mo ba alam na nakakaestorbo ka? Balak mo bang gibain ang pinto ko at gisingin ang lahat ng nakatira rito?" Gustong hampasin ni Shivon ng unan o nang kahit na ano si Declan. "Ayaw kitang pagbuksan dahil ayaw kita rito. May bahay ka naman ah? May kumpanya ka nga eh—"










Bumaliktad ang paningin ni Shivon at namalayan niya na lang na nakahawak na siya sa hubad na likod ni Declan para hindi siya mahulog.








"Ayaw mo pala ako dito ha..." Habang nakasampay si Shivon sa balikat ni Declan ay naglakad ito papasok ng kwarto.








"Ibaba mo ako! Hinayupak ka!" Walang magawa si Shivon kundi ang humawak sa pajama ni Declan at hindi na naglaban dahil sa takot na baka mahulog siya.









Inilagay ni Declan si Shivon sa gitna ng higaan. Nagpumiglas si Shivon at binalak na bumababa ng kama ngunit dinaganan lang siya ni Declan. Ang ulo nito ay nasa dibdib niya, ang mga kamay ay nakayakap sa kanyang bewang at pinako ng mga binti nito ang binti niya. Pilit niyang itinutulak ang lalaki pero hindi niya iyon magagawa dahil malaking tao si Declan at mabigat.









Nang hindi na siya nagpumiglas ay narinig niyang tumawa si Declan at naramdaman niya ang maggalaw ng dibdib nito na nakalapat sa kanyang tiyan. "You're stuck up with me."












"Humanda ka sa akin bukas, Declan!"










***

ImperfectPiece

CBS#2: Capturing Declan (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon