Chapter 26 Knight In Shining Glasses

Start from the beginning
                                    

Napaluhod nalang ako dahil nanghihina talaga ang tuhod ko.

Hanggang sa merong mga kamay na yumakap saakin.

Mainit pero masarap ito sa pakiramdam.

"Don't worry,your safe now" bulong nito sa tainga ko.

I hate to admit this but I feel safe in his arms.

Inihilig ko ang ulo ko sakanya and cherish the moment hanggang sa naalala ko ang nangyari kaganina.

"Bwisit ka!muntik ka ng mapatay dahil saakin!" Sigaw ko at saka sya hinampas sa dibdib,nakakainis.

Natawa nalang ito ng mahina at saka ginulo ang buhok ko at saka ngumiti na para bang hindi sya nakakatakot kaganina.

"I'm willing to risk my life,you know why?" Nakangiti pa ding sabi nito saakin.

"W-why?" I ask.

"Because...I know you're worth risking for" Sabi nito saakin bago ako mawalan ng malay.

Luciel POV

Buhat-buhat ko ang katawan ni Krystal na walang malay habang ang flashlight naman na binigay saakin ni Ice ay nasa bunganga ko at kagat-kagat.

Buti nalang nilagyan ko ng palatandaan ang dinaanan ko kaganina kaya naman sigurado ako na hindi kami mawawala.

Mabigat din pala si Krystal...

Nang makarating na kami sa kalsada kung nasaan ang mga sasakyan,wala akong nadatnan na tao.

Ibig sabihin wala pang nakakabalik sa kanila.

Sana naman walang maligaw sa kanila dahil panibagong problema na naman 'yon kung mangyayari.

Maingat ko na binuksan ang kotse ni Ice at saka inihiga doon si Krystal sa back seat.

"Ano bang nangyari sayo?" Alam ko na hindi nya ako naririnig dahil nga wala syang malay.

Sinarado ko na ang kotse at saka umupo nalang sa kalsada para hintayin ang mga kasama ko.

Kaganina noong nakita ko na merong mga lalaking lasing ang naka paligid kay Krystal wala man lang akong naramdamang takot sa mga ito basta ang nasa isip ko lang ay ang mailigtas at mailayo si Krystal sa mga ito.

Ilang oras pa ang hinintay ko at saka dumating ang tatlong babae kasama si Ice.

"Asan si Henry at Pio?" Tanong ko sa mga ito.

"Huh? Diba ikaw ang kasama?" Sabi ni Ice dahilan para maalala ko na kasama ko nga pala ang dalawa kaganina.

"Oo nga pala nakalimutan ko,nagkahiwa-hiwalay kaming tatlo kaganina" sabi ko at napakamot sa batok ko.

"Ano?!"

Sabay-sabay nilang sigaw saakin.

Hanggang sa...

"Waaah! Takbo!" Nakita namin ang mag pinsan na nanakbo papunta dito.

"Sumakay na kayo bilisan nyo!" Sigaw naman ni Henry at saka pandalas na pumasok sa sasakyan.

"Bakit?" Tanong ko sa kanila mahahalata mo kasi talagang natataranta ang mga ito.

"M-may mga lalaking lasing ang humahabol saamin!"sigaw ni Pio dahilan para mataranta kaming lahat.

At nagkanya-kanyang pasok sa mg sasakyan.

"Hoy,teka saan ako sasakay?!" Tanong ni Pio.

Wala kasi silang dalang sasakyan dahil sinundo lang naman sila ni Ice.

Nandito ako ngayon sa unahan at nakikipag siksikan katabi si Henry.

"Gising nyo si Krystal!" Sigaw na naman nito.

"Hindi pwede!" Sigaw naman ni Ice kay Pio.

Napatingin naman kami sa sasakyan ng mga babae na naka alis na.

"Iwan ka nalang kaya namin?!" Sabi ni Ice.

Nakita ko naman na mangiyak-ngiyak na si Pio sa narinig.

Masama na ba akong kaibigan kung aminin ko na natatawa ako sa nangyayari ngayon.

Bumaba na ako sa sasakyan.

"Doon ka nalang sa upuan ko at dito nalang ako sa back seat" sabi ko kay Pio na mabilis nya namang ginawa.

"Gigising mo si Krystal?" Tanong ni Ice.

"Hindi" sabi ko at saka tuluyan ng pumasok sa back seat at sumiksik sa sahig at dahan dahang gumalaw para hindi magising si Krystal.

D*mn, kayo na ang mag imagine kung ano ang pwesto ko dito dahil ang hirap talaga i-explain basta lahat kami ay nagsisiksikan maliban nalang kay Krystal na wala pa ding malay hanggang ngayon.

At saka mabilis ma pinaharurot ni Ice.

AFTER A FEW HOURS...

"Aray!!" Sigaw ko ng biglang diniin ni Krystal ang bulak sa labi ko na may sugat.

"Yan,kasi nagma-matapang ka kaya ayan ang nangyari sayo" sabi naman ni Pio at meron itong ngiting nakakaloko.

"Wow,thank you sa pag aalala ha." Sarcastic na sabi ko kay Pio.

Tuluyan na din itong umalis dahilan para maiwan kami ni Krystal dito sa sala.

Andito sila ngayon sa boarding house na tinutuloyan ko dahil ito ang pinaka malapit. Nagising pa nga si Ate Sab dahil saamin pero buti nalang at pinayagan nya muna na magpahinga sila dito ng ilang oras—

"Thank you"

Nagulat ako ng bigla nalang nagsalita si Krystal habang nakatingin ng seryoso saakin.

"Wala 'yon at saka dapat mas pasalamatan mo sila Eliz at mga kaibigan nya dahil kung hindi sa kanila hindi ka namin mahahanap at hindi kita maliligtas" sabi ko at ngumiti sakanya.

Muka namang nagulohan sya sa sinabi ko.

"Sila E-eliz?"

"Oo yung tatlong babae na kaklase natin"

"H-how?—"

"Krystal tara na" biglang sulpot ni Ice.

Sinangayonan naman ito ni Krystal.

Nagpaalam na ang mga ito at tuluyan ng Umalis.

************************************

Loving Mr.NerdWhere stories live. Discover now