First day ngayon ng Intrams kaya naman maraming tao ang nandito sa school dahil open gate ngayon kahit sino pwede pumasok.

Mamaya pa ang laban ng Archery kaya naman napagpasyahan ko na manood muna ng laro ni Pio.

At hindi na ako nagulat ng manalo ang school namin.

Pero mas nagulat ako ng maging MVP si Pio.

Bukas pa kasi ang simula ng laro ni Ice kaya naman nasa court pa din sila at puspusang nag tra-training.

Habang naglalakad-lakad ako naka salubong ko si Reygun a.k.a Jerry.

Wala sana akong balak pansinin sya ng maramdaman ko na tinisod nya ako dahilan para bumagsak ako sa sahig.

Sh*t

Mabilis akong tumayo galing sa pagkakadapa at ramdam ko ang sakit ng tuhod ko.

"What the hell is your problem?!" Hindi ko mapigilan ang sarili ko na bulyawan sya pero hindi nya man lang ako pinansin at tuloy-tuloy lang ang paglalakad nya.

Ganun ha!Tignan natin kung hindi mo pa ako pansinin.

Kinuha ko ang sapatos ko at malakas itong ibinato sakanya.

Sapul!

Tumama ito sa ulo nya at kahit ako na nambato ay parang nararamdaman ko ang sakit dahil malakas ang naging tunog ng pagkakatama nito sa kanya.

Tinignan ako nito ng masama at kinuha ang sapatos sa sahig at akmang ibabato nya sana pabalik saakin ang sapatos.

Nang bigla itong tumakbo dahilan para mapa-awang ang labi ko.

Ang sapatos ko!!

Mabilis ko itong hinabol pero nawala na agad sya sa paningin ko.

Ramdam ko na ang sakit ng paa ko dahil naka medyas lang ang isa ko na paa at ang isa naman ay may sapatos.

Muka akong tanga.

Napaupo nalang ako at bumuntong hininga.

Nagulo ko ang buhok ko ng ma-realize ko ang katangahan ko.

Meron pa nga pala akong sapatos sa locker.

Ayon nga lang malayo ang building kung nasaan ang locker ko mula dito.

Ang sakit na ng paa ko...

Curse him!

Ilang beses ko pang minura ang pangalan ni Reygun. Hanggang sa merong kamay na naka lahad sa tapat ko.

"Kailangan mo ng tulong?" Tanong nito sa akin habang nakalahad pa din ang kamay.

Hindi ito nakatingin at naka side view lang pero hindi lumampas sa tingin ko ang pamu-mula nya.

Nerd...

Kinuha ko ang kamay nito at tuluyan na akong naka tayo galing sa pag kakaupo.

Napangiwi nalang ako ng maramdaman ko ang sakit ng paa ko.

Mukang nahalata nya ito kaya naman napa tingin sya sa paa ko at nakita ko ang pag kunot ng noo nya.

"Bakit wala kang sapatos?" Hindi ko sya sinagot kaya naman napa buntong hininga sya at bigla na lang tumalikod.

Akala ko aalis na sya pero nagulat ako ng bigla syang lumuhod at yumuko.

"Hanapin natin ang sapatos mo" sabi nito.

Matagal akong tumanganga bago ko marealize yung gusto nyang ipahiwatig.

Sumakay na ako sakanya at inihilig ang ulo ko sa likod nya.

Ang bango pala nya.

Nag simula na syang maglakad alam ko na nag papakiramdaman kaming dalawa kung sino ang mauunang magsalita.

"Saan mo huling nakita ang sapatos mo?" Pag basag nya ng katahimikan.

"Hindi na kailangan, meron pa namang akong extra pairs sa locker ko yun nga lang nasa pangalawang building pa" Sabi ko dito.

"Ganun ba? Ahh anong oras nga pala ang laro mo?"

" 2:00 pm-"

"Ha? Pero 1:40 na?!" Sabi nito kaya mabilis akong napatingin sa relo ko.

Nanlaki ang mata ko,sh*t mala-late ako.

Nagulat nalang ako ng biglang tumakbo si Nerd.

"Kailangan na nating bilisan"sabi nito at mas lalo pang binilisan ang takbo papunta sa building.

Pag dating namin mabilis akong bumaba kay Nerd at kinuha ang susi ng locker ko at pumasok sa banyo.

Nag palit na ako ng uniform at saka sapatos tapos lumabas na.

Sumulyap ako sa relo ko at 1:50 na.

Tinignan ko si Nerd at nakita ko na naghihingalo sya dahil sa pagod.

Nakakaguilty tuloy.

"Are you okay?"tanong ko dito nag thumbs up lang ito saakin at ngumiti.

Kinuha ko ang tubig ko sa bag at binigay sakanya mukang nag aalangan sya pero kinuha nya pa din.

Pagkatapos nyang uminom binalik nya saakin ang bote.

"Tara na baka malate ka pa sa laro mo sayang naman ang takbo ko kung hindi ka makakalaro" sabi nito saakin ngumiti ako at sumabay sa paglalakad sakanya.

"Thank you for everything"

Malapit lang naman ang field kaya naman mabilis lang kaming nakarating.

"Saan ka ba galing?"tanong saakin ni Trisha habang naglalagay na sya ng safety gears.

Ako naman ay hinubad na ang varsity na suot ko at nag lagay na din ng safety gears.

"Nakikita mo yung babae na nag sisintas ng sapatos?" Sabi ni Trisha at may pag turo pa doon sa babae.

"Oh?"

"Team Captain sya ng Archangel Academy sya ang pinaka mahigpit na kalaban ko at ang school nila ang pinaka mahigpit na kaaway ng school natin. She's Amy Five A. Numerous" mahabang litanya nito saakin.

"Sunod?"

"Malas mo sya ang makakalaban mo" sabi nito saakin and give me a pity eyes.

Tinignan ko pa ulit si Amy Of Archangel Academy mukang mahirap talaga syang talunin makikita mo talaga sakanya ang authority at bravery.

Hmm exciting...

👓

Loving Mr.NerdWhere stories live. Discover now