"Hahaha ganun ba? Ano nga bang ginawa ko?"

Dinig ko pa na napatanong ito sa sarili nya.

"Ahh Oo! Katulad ng ibang manliligaw binibigyan ko ang nanay mo ng tsokolate at bulaklak  na pinipitas ko pa sa kapit-bahay nakagat pa nga ako ng aso dahil doon"

Narinig ko ang pagtawa nito at mukang inaala ang pinag-gagawa nya.

Alam din pala ni tatay yung kasabihan...Pag gipit sa kapit-bahay kakapit.

"Hinarana ko din ang nanay mo pero dahil nga istrikto ang magulang nito hindi pa ako nakaka-kanta binuhosan na agad ako ng lola mo hahaha"

Hindi ko naman siguro kailangan gawin ang mga yun hindi ba?

"Kaya ang ginawa ko nalang pinapadalhan ko nalang ito ng letter pero mas madalas gumagawa ako ng tula para sakanya at dinadala ko nalang yung gitara ko sa eskwela at doon sya kakantahan ayon lang naman nak ang ginawa ko"

Yun lang?! Lang?! Nila-lang nya lang yun?

"Ganun ba S-sige tay pag-iisipan ko"

Sabi ko dito at pinatay na.

Hindi ko naman kailangan gawin yun diba? Masyado yung maka-luma.

Tula? Tama yun na lang!

Parang katulad ng 100 tula para Stella? Teka tama ba? Ahh basta ganun na 'yon.

Hanggat hindi nya ako sinasagot araw-araw ko syang bi-bigyan nito...

Mabilis akong tumayo sa hinihigaan ko at saka kumuha ng papel at ballpen.

Day 1

Mas maaga akong pumasok kaysa sa naka-sanayan ko na oras.

Teka saan ba sya uupo ngayong araw na 'toh?

Tinignan ko ang schedule namin ngayon at sa...unahan pala sya u-upo ngayon.

Nang akmang ilalagay ko na ang papel sa table nya.

Teka papel lang talaga ang ilalagay ko?

Isip...isi—May clover nga pala ako sa bag!

Mabilis ko itong kinuha sa bag ko at idinikit ang papel dito.

Yan!

para habang binabasa nya ang tula ko may kinakain sya.

Mabilis na nag si datingan ang mga kaklase ko kaya bumalik na ako sa upuan ko.

Mga ilang minuto ang lumipas dumating na sya kasama si Ice.

Nang mapansin nya ang naka lagay sa upuan nya mabilis nyang iginala ang tingin nya.

Tumigil lang ito ng makita ako.

Hindi ko malaman kung ngiwi ba o ngiti ang ginawa ko dahil sa kaba na nararamdaman ko.

Day 2

Maaga ulit akong pumasok at meron na namang baon na tula.

Pero iba naman ngayon ang pagkain na dala ko.

Flat tops lang kasi ang chocolate na binibenta sa tindahan na malapit sa'min kaya ito lang ang nabili ko.

Katulad kahapon pakiramdam ko nalaglag na naman ang puso ko tuwing nakikita ko ang reaksyon nya.

"Ikaw ba ang nag susulat ng tula kay Krystal?" Biglang sambit ni Ice saakin habang naka ngiti.

"Nakita mo din?"

"Lahat ng nasa classroom alam na ikaw yung nag su-sulat ng tula kay Krystal" Sabi nito saakin tapos kumuha sa clover ko.

Lahat?

"Pati si Ma'am?" Tukoy ko sa adviser namin. Tango lang ang sagot nito.

Nakakahiya.

Nandito kami ngayon sa Field naka tambay. Habang sila Pio at Henry ay nasa canteen bumibili para may pag kain din sila.

Habang si Sam naman ay naka upo lang at nakikinig sa usapan namin ni Ice.

"Ikaw lang ang nakilala ko na nanliligaw gamit lang ang tula" sabi bigla ni Sam tapos tumingin saakin.

Kahit kailan napaka-seryoso nito.

Kaya hindi ko alam kung natutuwa sya o hindi.

"P-pangit ba? Kailangan ko bang itigil?" Tanong ko dito.

"Ang corny pero okay na din muka namang natutuwa si Krystal" Sabi nito at saka nagkibit balikat bago uminom sa Milktea na hawak nya.

Day 3

Katulad noong nakaraang araw maaga akong pumasok at meron na namang tula.

Pero ang pinag-kaiba lang hindi na pagkain ang dala ko.

Kundi stuff toy na.

Nabanggit kasi ni Ice kung bakit Simon ang tawag ni Krystal saakin.

Addict daw kasi ito sa Alvin and the Chipmunks.

Kaya ayon nag pasama ako kahapon sa mag pinsan at nag hanap ng stuff toy.

Ang problema lang kailangan pa naming mag laro para lang makuha yun.

Una akala ko nakakalimutan lang talaga nya ang pangalan ko. Hindi ko naman alam na binigyan nya na ako ng pet name pero ayos lang dahil tuwing manonood sya noon ay maalala nya ako.

Kinikilig ako hahaha.

Ang problema ko lang ngayon ay yung si Otso,Walo,Eight laging ang sama ng tingin saakin pero hindi ako matatakot sakanya.


Kahit ganito ang katawan ko kaya ko syang labanan.

Hindi ako titigil hanggat hindi ko napapalambot yang si Krystal kung kailangan ko syang haranahin, Gagawin ko.

Sabi nga ni tatay mas masarap ang pinaghihirapan para hindi mabilis mawala.


👓

Loving Mr.NerdWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu