"Ano bang gusto mo? paa?" Natahimik ito ng sagutin ko ito.Ngayon ko lang sya sinagot ng pabalang kaya alam ko na nagulat talaga sya.

Kahit ako nagulat sa sarili ko.Pero tao lang din ako hindi ko kayang pigilan lagi ang sarili ko.

"Pasensya na.Hindi ko sinasadya--"

"Tao ka na!Hindi ka na santo!"Biglang sigaw ni Pio na ikinagulat ko.

"Huh? Anong santo?"

"Ay slow talaga ng lalaking ito ang tali-talino wala namang common sense" sabi ni Pio tapos nag face palm na may kasama pang pailing-iling.

Muka syang bata...

Kaganina pa kami palakad-lakad dito sa mall.

Ako at ang dalawang magpinsan na Scott.

Bukas ko pa kasi sila itu-tutor ulit dahil meron daw kailangang gawin si Ice kaya bukas nalang daw.

"Ano ba yan sinayang mo yung pagkakataon!" Sabi namin ni Henry saakin.

Wala talaga akong balak sabihin sa kanila ang kahihiyan ko kay Krystal pero kinukulit talaga nila akong mag pinsan kung bakit daw parehas kaming na late ni Krystal kaganina.

"Teka bakit ba kasi tayo nandito?" Tanong ko sa dalawa pagkatapos kasi ng klase kanina hinila nalang nila ako basta papunta dito sa mall.

"Wala lang ayaw mo kasi sabihin yung tungkol kanina kaya napilitan kaming hilahin ka dito" Sabat ni Pio na nakapag panga-nga sa bibig ko.

"Yun lang ang dahilan?!"

"Oo" Sabat ni Henry na nakapag palumo saakin. Seryoso ba sila? dadalhin nila ako dito para lang doon.

Napalayo pa tuloy ako! Mas mahal ang pamasahe!

Teka magpapahatid na lang din ako sa kanila.

Nang biglang may mahagip ako na babaeng pamilyar sa mata ko.

"Teka, Babalik na lang ulit ako dito may pupuntahan lang ako." Sabi ko sa dalawa.

Tumango naman ang mga ito at bumili na ng mga token.

"Rain!" Tawag ko sa babae dahilan para maraming tao ang mapatingin saakin.

"S-seven Ikaw pala" sabi nito at ngumiti.

Ngayon nya lang ako ulit kinausap at nginitian simula ng araw na sabihin nya saakin na gusto nya ako.

Nakita ko na nahihirapan syang itulak ang cart na napakaraming laman na groceries.

"Tulungan na kita" sabi ko dito at kinuha ang cart mula sa kamay nya.

"Ang dami naman ng mga binili mo" sabi ko dito at tinignan kung ano ang mga binili nya.

"Ahh meron kasi kaming tindahan"

"Ganun ba? Bakit ikaw lang mag-isa ang namimili?"

Teka ang chismiso ko naman ata ngayon?

Loving Mr.NerdWhere stories live. Discover now