Mukang Iniwan sya nila Ice kaya wala syang mahinginan ng tulong kung paano makakaalis sa mga babaeng naka paligid sakanya.

Nakita ko na lalapit na si Rain kay Nerd kaya mabilis akong napatayo galing sa pagkakaupo ko at pumunta sa pwesto ni Nerd.

Kinalbit ko ito dahilan para mapatingin si Nerd at ang mga babaeng naka paligid sakanya.

"Let's Go?" Sabi ko dito at ngumiti.

Teka ano bang ginagawa ko?

Mukang nagulat talaga sya sa ginawa ko kaya hindi agad sya nakagalaw.

Well sino bang hindi magugulat kung yung babaeng hindi ka pinapansin ay bigla ka nalang kalbitin at ayain.

Hinila ko nalang sya palayo sa mga babae. Nakita ko pa si Rain na nakatingin sa kamay namin na magkahawak.

Mamatay ka sa inggit.

Hindi ako tanga para hindi malaman na gusto ng babaeng yun ang Nerd na ito.

Sa dami-dami ng lalaki sa mundo bakit kaya dito lang sa lalaking ito nagkagusto ang Rain na yun?

What's so special about him?

Well aaminin ko napaka gentleman nya na tuwing tutulungan ka nya ay parang may kiniliti na kung ano sa katawan mo. Napakabait at saka napakatalino pa, Lalo na kung makikita mo ang mata nya pakiramdam mo hinihigop ka tapos tuwing ngi-ngiti sya parang manlalambot ang tuhod mo tapos ngayon nadagdagan pa dahil nag ayos na sya ng sarili nya naka ka-kabado tuloy sa puso tuwing lalapit sakanya.

Hindi ko talaga alam kung anong nakita nya sa lalaking ito para mabaliw hindi lang si Rain kundi yung iba pang babae na naka paligid sakanya kanina.

"K-krystal saan mo ako dadalhin?" Tanong nito dahilan para mapabalik ako sa sarili ko.

Napangiti ako ng nautal sya kahit nag bago na ang itsura nya mukang hindi nya na talaga mababago ang ugali nya.

"Kung saan mapunta ang paa ko, kung hinahanap mo sila Ice andoon sila sa canteen"sabi ko dito.

"Ganun ba? Wag ka mag alala kahit saan ka pumunta sasamahan kita kasi Ikaw ang gusto ko makasama" Sabi nito

Ramdam ko na uminit ang muka ko dahil sa sinabi nya pero dinaan ko nalang ito sa ngiti at iniwas ang tingin sakanya.

Naramdaman ko na hinigpitan nya ang paghawak sa kamay ko.

Hindi ko na alala,na hawak ko pa pala ang kamay nya.

Pinabayaan ko nalang at dinala sya sa rooftop...

Naka tingin lang ako sa kawalan ng biglang merong kamay at junkfood na biglang sumulpot sa harap ko.

"G-gusto mo?"Sabi ni Nerd na meron palang dala-dalang junkfood.

Clover

Ano pa nga ba? Halata masyado na paborito nya ang junkfood na ito.

Dinaig nya pa ang endorser nito...

Kumuha nalang din ako at kumain.

"Bakit mo naisipang mag ayos?"
Pagtatanong ko dito.

Dahilan para mapatingin ito saakin.

Ayan na naman ang mata nya na maganda.

At ito na naman ang nararamdaman ko na pakiramdam ko hinihigop ng mga mata nya ang kaluluwa ko.

Ano ba kasi ang lahi ng lalaki na ito?

Muka syang koreano pero yung mata nya iba ehh.

"Para sa sarili ko at sa babaeng nagugustohan ko" sabi nya at nakita ko na merong ngiting sumilay sa mga mapupulang labi nya.

"Sunod?" Curious na tanong ko ulit dito at kumuha pa ng clover.

"Gusto ko na mapansin nya ako pero mukang hindi nya pa din ako magugustohan"

"Sino ba sya?" Mas lalo tuloy akong na cu-curious dahil sa sinabi nya.

"Ikaw" walang preno nitong sagot na ikinagulat ko pero ayokong mag pahalata baka isipan nya na assumera ako.

"Huh?" Pakiramdam ko bumilis na naman ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi nya.

"I-ikaw nagustuhan mo ba ang pag a-ayos ko sa sarili ko?" Sabi nya nakita ko na namumula ang tainga nya.

"Yes, you look good,it really suits you bulag lang talaga ang babaeng yun para hindi ka magustuhan"

sabi ko dito at saka narinig ko na tumunog na ang bell ibig sabihin kailangan na naming bumalik sa room.

👓

Loving Mr.NerdWhere stories live. Discover now