Pumunta na ako sa banyo para maligo at mag bihis dahil nakapag desisyon na ako.

Kinuha ko ang wallet at cellphone ko sa ibabaw ng table at saka mabilis na lumabas sa boarding house.

Tawagan ko kaya si Pio? Tiyak na makakatulong sya saakin ngayon pero paano kung maabala ko sya? bahala na nga.

CALLING PIO...

"Hello?"

"Pio P-pwede mo ba akong tulongan?"

"Tulongan saan? At saka its PIA NOT PIO"

"Pio-Este Pia A-ano kasi naalala mo yung sulat na binigay mo saakin?"

"Hindi"

napa face palm nalang ako sa sagot nya. Hanggaling!

"Y-yung to-do list?"

"Ahh yun ba? O sige ano bang tulong ang gusto mo?"

"May ginagawa ka ba ngayon?"

"Maliban sa kausap ka,Wala na naman"

"Pwede mo ba akong samahan?"

"Oo naman, text mo nalang sakin kung saan tayo magkikita"

CALL ENDED...

Yun nga tinext ko sa kanya ang pinaka malapit na mall sa amin at sinabi na doon nalang kami mag kita.

Buti nalang talaga meron akong pera galing sa pag tu-tutor sa kanila na wala naman silang naintindihan.

Ilang oras din ako nag hintay kay Pio? Pia? Ahh basta.

"Buti naman Luciel at naka pag isip ka na" sabi ni Pio sa akin.

"Napagtanto ko kasi na hindi ko na na alagaan ang sarili ko" Sabi ko dito at saka yumuko dahil sa hiya na nararamdaman ko sa kanya ngayon.

"Napagtanto? Lalim ahh Pero Buti naman, Ano tara na?" Sabi nito saakin at tumango naman agad ako.

At mabilis na naglakad si Pio habang ako naman ay naka sunod lang sakanya.

"Dj-uk-uk Parlor" Basa ko sa pangalan ng salon na pinuntahan namin ni Pio.

Pinagbuksan kami agad ng pinto at kung gaano kabantot ang pangalan ganun naman kaganda ang salon at mukang mamahalin pa.

Mukang merong isang tao ang mapapagasto ng malaki ngayong araw.

"Pia! Oh my god andito ka na pala sa pilipinas hindi mo man lang sinabi" biglang sulpot ng isang bakla na may iba't-ibang kulay ng buhok, muka na syang rainbow.

"Naku ateng pasensya na busy lang talaga ako sa school kaya nakalimutan ko" sabi ni Pio at saka niyakap ang bakla.

"Kinakalimutan mo nalang pala ako ngayon" sabi naman ng bakla at saka umakto na parang nag tatampo.

"Sino naman pala itong kasama mo? boylet?" sabi ng bakla kay Pio dahilan para masamid ako.

"Ay Hindi, kaibigan ko lang yan gustong mag pa ayos" sabi ni Pio sa bakla dahilan para pasadahan ako ng tingin nito mula paa hanggang ulo.

"Ganun ba? Oh sya sige tara na para masimulan na natin" sabi nito at iginaya ako sa isang upuan.

"Pugad ba ito ng ibon?" sabi nito at saka hinawakan ang buhok ko.

"Buhok yan"

"Ay buhok ba? hindi halata"sabi nito at saka tumawa. Hindi ko alam kung tatawa ba ako dito o mapapangiwi nalang sa sinabi nya.

Pumwesto sya sa likod ko at hinawakan ang ulo ko at pinaharap sa salamin.

Tinitigan nya ako ng matagal bago ngumiti.

May inilagay na syang puting tela sakin at saka kinuha na ang gunting at suklay.

Nag spray muna sya ng tubig sa buhok at saka sinimulan itong suklayan bagong mag simulang gupitin ang bawat parte ng buhok ko. Napakagaling tignan ng mga kamay nito habang mabilis na ginugupit ang buhok ko...

Sa wakas na tapos din, halos nakatulog na nga ako sa tagal nyang ayosin ang buhok ko.

Tapos pati muka ko at mga kuko ko pinakialaman nila. Ginupitan nila ang mga kuko ko habang inahit nila ng maayos ang sabog ko na kilay. Meron pa silang ginawa na derma ata ang tawag kaya sobrang nagtagal.

Tumayo na ako at lumapit kay Pio na mukang na bo-bored na din.

"Pio" tawag atensyon ko dito.

"Aba ayos ahh ganda ng buhok" sabi nito at ngumiti.

"Saan ako mag babayad?" Sabi ko at kinuha sa bulsa ko ang wallet ko.

"Wag na, nabayaran ko na lahat"

"H-ha? B-bakit mo binayaran?!"
Tanong ko sakanya.

"Tutal ako naman ang naka isip ng ideya na ito" sabi nito at tumalikod na sakin.

Nag paalam na kami at saka umalis.

"Tara luciel hatid na kita" Sabi ni Pio at saka sumakay na sa sasakyan.

Pumayag na ako at sumakay na.

"You like her that much huh? Na handa ka magbago para sakanya"
Sabi nito saakin.

"No, hindi ko binabago ang sarili ko para sakanya. Ibinabalik ko lang kung ano ako noon" sabi ko at ngumiti sakanya at bumaba na ng sasakyan.

"Teka!"

"Oh? bakit?"

Hindi nito sinagot ang tanong ko at pumunta lang sa likod ng kotse at may kinuha na box.

"Heto, mga damit ko na hindi na gamit. Alam ko kasi na hindi ka papayag na bilhan kita kaya kinuha ko nalang ang mga damit ko na hindi ko pa nasusuot kaya medyo natagalan ako
kanina" sabi nito sa akin at ibinigay ang malaki na box na dala-dala nya.

Ang bigat, bakit nang sya ang nagbubuhat parang ang gaan tignan?

"Salamat sa lahat" Sabi ko sa kanya.

"Para saan pa ang pagiging mag kaibigan natin kung simpleng tulong ay hindi ko maibibigay?" Sabi nito ngumiti.

Ganito ba ang pakiramdam na may totoo na kaibigan?

Kung ganito nga, nagsisisi na ako na hindi ko binigyan ng pagkakataon ang sarili ko na magka-meron.

"Sige alis na ako" Sabi nito at saka sumakay sa kotse nya at tuloyan ng nag laho sa paningin ko.

👓

Loving Mr.NerdWhere stories live. Discover now