52

60 6 1
                                    

《》《》《》

"Mama, kailan ka uuwi?" paiyak kong tanong, halos hindi na ako makahinga kaka-miss sa kanya.

[...eh anak mga next month pa, bakit?]

"Mama miss na kita!" umiiyak na ako, nagmukhang tanga tuloy ako sa kinauupuan ko dito sa cafe.

[I miss you too. Sige na may gagawin pa ako. Take care.]

"Basta uuwi ka h—"

Ay bastos si mama, kinakausap, binabaan kaagad ako ng tawag. Anong gusto ng mga tao ngayon? bastusan? ready ako makipagbastusan basta hindi rated X hehe.

Humigop ako sa kape ko at tumingin sa labas ng bintana ng cafe. Napaangat ang tingin ko sa babae na may kahalikang lalake sa puno. Tsk, magbebreak din sila.

Makapunta na nga ng maaga sa school baka mapatay pa ako ng mga prof ko...

"Miss, may nagpapaabot," inabot sa akin ng barista ang isang basket full of cookies bago ako tumayo.

Napatingin ako sa kanya. "Sino ang nagbigay nito?" curious kong tanong at tumingin pa ako sa paligid ko, inspecting kung sino iyon.

Napakamot siya sa ulo. "Ah eh Ma'am hindi ko po kilala eh. Basta sabi niya sa akin na ibigay ko po ito sa inyo."

"Ano itsura?"

"Naka-hoodie po siya at halos hindi na makita ang mukha niya."

Nakalagay na ito sa death list ko. Kung sino man iyon, nagpapasalamat ako ng buo na binigyan niya ako ng paborito kong pagkain sa mundo. About death list, joke lang iyon.

"Thanks," kinuha ko na yung bag ko at isinuot ko sa shoulder ko habang hawak-hawak ang basket na parang Little Red Riding Hood lang ang peg.

Kulang na lang ay yung pulang damit. At yung gagong wolf pati na din yun gagang matandang babae. Joke.

Pumasok na ako sa loob at dumiretso kaagad sa room. Naabutan ko yung iba na nakatingin sa akin, seriously? ano problema nila sa akin?

"Hahahahaha ang cute!"

"Ang ganda ng sulat hahaha."

"Sino nagbigay? hahaha."

Umirap lang ako sa kanila, ano ba ang tinatawanan nila eh non sense naman ang sinasabi nila. O baka ako ang walang sense?

"Ano ba iyon?" inis na tanong ko sa kanila at hanggang ngayon nakatayo pa din ako.

"Tignan mo yung papel na nakadikit sa basket."

"Gaga, sticky note iyon."

"Alam ko!"

At nag-away ang dalawang gaga. Umupo na ako at kinuha ko yung sticky note at puta....




To: a girl who don't wear bra bc she's flat chested

I hope this will make you happy...

From: EF ;)



Napairap ulit ako, putang ina talaga 'yang si Evan. Humanda talaga sa akin iyon mamaya pag-uwi ko o kapag nakita ko siya dito na nakakalat sa school.

Tapos ang laki pa ng font! halos makita na ito ng mga tao sa likod eh. Gago talaga siya. I crumbled the paper at ibinato sa trash can, buti na lang at na shoot.

"Grabe yung manliligaw mo," biro sa akin ni Sam, hindi ko napansin na nandito pala siya sa tabi ko tch.

"Gagi, si Evan lang ito," nakasimangot kong sambit.

Mr. Anonymous || kthWhere stories live. Discover now