21

43 6 0
                                    

•••

Yuri's PoV

"Sweetcakes, gising ka na! kaunting araw na lang christmas break niyo na!" sigaw sa akin ni tita na ikinatayo ko sa gulat.

"Eh tita, walang pasok ngayon," I mumbled at bumalik ulit sa pagtulog.

"I know that pero sasama ka sa amin ni Evan sa Baguio! let's have a short trip muna there," she said enthusiastically, eh kahit na gusto ko pa ding matulog.

Pero biglang bumukas ang mga mata ko sa narinig ko at automatic umupo kaagad ako sa kama.

"Tayo lang tatlo?" mariin na tanong ko.

"Silly, of course," tumawa siya at kinuha niya ang maleta ko sa ibaba ng kama. "Ako nalang ang mag-ayos ng gamit mo."

"No tita, ako nalang po," I faintly smiled at her.

"Okay then pero dalian mo ah?" sabi niya bago siya lumabas ng kwarto ko. Ang oras ngayon ay 5:30 am palang at sabi ni tita mga quarter 6:00 am kami aalis.

Nang natapos na akong naligo, nagsuot na ako ng white knitted sweater at blue navy jeans kasi malamig doon baka nga mag-boots pa ako eh hehe.

"Sweetcakes, kain na dito," nakagayak na silang dalawa, and umupo na ako sa dining seat at nagsimulang kumain ng breakfast.

Tinignan ko si Evan kaso yung mga mata niya nakaset sa phone niya, mukhang tinetext si Tiana.

I couldn't help but to roll my eyes. Ang sabi ni mommy dapat hindi nagcecellphone tuwing kumakain kasi masama daw 'yon.

"Tita, I'm just gonna pack my things, and mabilis lang naman eh," tumayo na ako at tumango na lang si tita.

Nilagpasan ko si Evan na nakita ko na namang napa-smirk, siguro anak 'to ni Lucifer grabe naman kasi eh sobrang bad niya!

Nang natapos ko ng maayos ang mga gamit ko, bumaba na ako habang buhat-buhat ang maleta ko. Nasa labas na kasi sila kaya ako lang ang naiwan dito.

Lumabas na ako sa mansion at ibinuhat na ng kuya ang maleta ko para mailagay sa likod at pumasok na ako sa kotse.

Tsk buti na lang nasa passenger seat si Evan, si tita kasi yung magdadrive and ayaw niya munang magpamaneho sa driver kasi may birthday nga ang driver.

Ipinaandar na ni tita ang kotse at umalis na kami papalayo sa mansion, actually this is my second time na pumunta ulit ng Baguio.
Buhay pa kasi si daddy noon nung pumunta kami sa Baguio.

I can't help but to be saddened about it.

"Sweets, bakit ka malungkot?" tanong ni tita sa akin, nakita niya kasi ako sa rear view mirror na malungkot.

"May naisip lang po ako hehe but don't worry about it," I assured her at tumango naman siya.

Tinignan ko si Evan na natutulog ngayon, mukha siyang maamo na pusa habang natutulog.

Kung araw-araw ka nalang sana matulog eh para makita ko ang maamo mong mukha na hindi nakasimangot.

Kala niyo gusto ko na siyang mamatay nuh? gusto ko lang makita araw-araw ang cute niyang mukha pag natutulog.

"Sweets, may gusto ka ba kay Evan?" asar na tanong ni tita at bigla ako napasinghot sa inis.

"Never po tsaka may gf na po iyan na maharot."

*Car screeecchhhh*

Tangina ang sakit ng ulo ko doon ah, napatama kasi yung ulo ko sa likod ng seat ni tita. Si Evan naman ay tulog pa din, walanghiya.

"Really?! sino!" inis na pasigaw na tanong ni tita at tinignan ko muna ko muna kung gising si Evan pero tulog pa din.

"Si Tiana po," sagot kong malumnay, buti nalang pinaandar ulit ni tita yung kotse at nagpatuloy lang siyang nagdrive.

"She's the one you told me about right?" tawa niyang tanong.

"Yes tita."

*Car screeeech*

"Tita ingat po kayo!" tumama na naman kasi yung ulo ko eh, napamura tuloy ako sa sakit.

Pinaandar niya ulit ito at pinasimulang idrive ulit. "I hate that girl hindi ko alam kung bakit!"

"Don't worry tita the feelings is mutual."

Kung ako nalang sana ang inaya niyang maging girlfriend ay sasagot kaagad ako ng yes pero joke lang. Hindi naman ako ganun kalandi pero slight lang hehe.

"2 more hours!"

Ang tagal pa huhu.

Mr. Anonymous || kthWhere stories live. Discover now