11

66 7 0
                                    

Yuri's PoV

"Ano ba kasi ang nanyare? bakit ba kasi nakasimangot ka?" giit na tanong ni Sam sa akin, tss meron ako eh at hindi man lang ako ikinamusta ni mama.

"Meron ako," tipid na sagot ko at umupo na ako.

"Meron kang—boyfriend?!" napatingin tuloy yung mga kaklase namin, ang ingay-ingay kasi ni Sam.

"Tanga ka ba? meron akong period ngayon," inis na sabi ko.

Buti naman at umalis na ang mga tingin ng mga kaklase namin, nakakahiya talaga si Sam ang ingay-ingay.

"Ah eh meron ka na bang boyfriend hehe?" ano sa tingin niya? wala akong time sa mga ganun, nakakasira lang ng pag-aaral, and sabi ng iba nakakainspire daw?

Inspire nila ang mga mukha nila, mga malalande, sorry sa mga nakakaoffend. Meron po kasi ako. (−_−#)

Sinamaan ko siya ng tingin at nagbasa muna ako ng libro, may quiz kasi kami ngayon.
(。-_-。)

"Good morning class, get one yellow sheet of paper, and 150 items iyon. Kapag mababa pa kayo sa 100 ay automatic singko kayo," mataray na sabi ni Ma'am Hulion, napangiwi naman ang mga iba sa sinabi niya.

Eh kung isapak ko yung mukha ni Ma'am para makapasa ako ng 100 pataas? kapag kasi sinapak automatic may score na tss.

Kumuha ako ng yellow sheet at nagsimulang magsagot na ng mga questions ni Ma'am sa white board.

Yung iba naman ay busy sa paghihingi ng yellow sheet sa isa kong kaklase, buti nga at naitago ko na ang papel ko eh kung 'di baka masapak ko pa sila pag inubos nila yung papel ko. (−_−#)

Ang dali dali lang naman ng mga questions ni Ma'am, bakit ganun kapag meron ako automatic na madali lang sa akin ang mga sinasagot ko.

Nang natapos na ako, pinasa ko na kay Ma'am ang papel at inayos ko na ang mga gamit ko.

"Wow Ms. Mizanami, very good," namangha siya sa akin habang tinitignan ang mga sagot ko. (。-_-。)

Nakita ko sina Gino at Sam na nakatulala lang sa akin, para bang hindi malunok ang nanyare. Dati kasi ako lagi ang huli na nagpapasa, pero ngayon hindi muna.

Habang naglalakad ako papunta sa cafeteria, nakita ko si Evan tss na nakasandal sa locker niya at nakatingin lang sa akin with smirk.

Hindi ko siya pinansin at pumasok na ako sa cafeteria, gusto kong kumain kanina pa ako gutom.

Bumili ako ng fries at burger at umupo na sa usual seat namin ni Sam. Mamaya pa ata makakapunta si Sam dito, 10 minutes nga eh natapos ko kaagad 'yon.

"Can I seat here?" tanong sa akin ni Hunter ba 'yon? habang nakangiti, hawak-hawak ang tray niya.

"Yeah whatever," umirap ako at ipinagtuloy ang kumain ng fries.

"I'm Hunter by the way," nakasmirk niyang pakilala, tumango na lang ako.

"Yuri," tipid kong pakilala.

"Hmm nice name."

"I know."

"Yuri, single ka ba?" tanong niya sa akin.

"Hindi double—ano sa tingin mo?" mataray kong sabi sa kanya kaya natawa siya ng mahina.

"Tsk ang sassy mo," sabi niya habang tumatawa pa din.

Hanggang ngayon ay tawa pa din siya ng tawa, nakasimangot lang ako sa kanya. Gusto ko lang makakain in peace, kaso panira po si Hunter.

Hunter...parang pangalan ng aso, siguro hunter siya ng mga babae...

"Tss."

Nandito si Evan tss na nasa harap ko ang sama ng tingin niya sa amin, may ginagawa ba akong mali sa kanya? o baka si Hunter lang.

"Oh hey kiddo! what do you want from us?" nang-iinis pa 'tong si Hunter eh bad mood na po si Evan tss.

Siguro meron siya ngayon, kagaya ng akin.

"I want her—" nagulat ako sa sinabi niya. "...to talk to me now," diniinan pa niya ang huling salita.

"Okay kiddo," kunwaring tawa ni Hunter, yung mukha niya naiinis, pero buti nga umalis na sa paningin ko 'yong lalake na 'yon.

"What do you want?" giit na tanong ko, serious pa ako.

"Harsh, tss wala akong sasabihin, basta don't talk to Hunter and umuwi ka kaagad," sabi niya bago siya lumayas sa paningin ko.

"Hoy ano yun?!" sigaw ko sa kanya pero lumalayo na siya papunta ng hallway.

"Ang hirap kausapin," bulong ko sa sarili ko.

Bakit ko naman iiwasan si Hunter? may ginawa ba siyang mali para mainis kay Hunter?

"Tss."

Mr. Anonymous || kthWhere stories live. Discover now