24

65 6 0
                                    

•••

Yuri's PoV

"Next stop! Mines View Park," namiss ko din yun, pero parang bumabalik na naman yung mga alaala ko nung nagpunta kami doon nila papa.

Dapat maging happy! ayan ang sabi ni papa sa akin nung buhay pa siya, kung buhay pa si papa, siguro ako yung pinakamasayang tao sa buong mundo...

Bumaba na kami ng kotse at kaming tatlo ay pumasok na sa Mines View Park, grabe ang daming tao! malamang tourist spot nga ito sa Baguio eh.

Ang daming nakatingin sa amin! ano problema nila? tapos yung mga babae nagtitilian dahil kay Evan tapos ako naman ay pinagtitingan ng mga lalake? hindi sa feeler pero nakatingin talaga sila.

"Ang ganda ng dalawa nuh? Koreana ata," narinig kong sabi ng mga lalake.

"Pero mas maganda si ate! matanda na yung isa eh baka mommy nila," tinignan ko si tita, yung mukha niya nakasimangot sa mga narinig.

Hahaha.

"Si Kuya, grabe ang gwapo!"

Hindi na namin sila pinansin at pumunta si pinakatuktok ng park, ang ganda ng view! pero mas maganda ako diyan! joke lang, mas maganda pa si tita diyan.

Nagpicture-picturan kami kaso si Evan ang tagakuha ng mga litrato namin, hindi naman siya sumasaway.

Pero hindi pa din niya ako pinapansin huhu, ayun lang naman ang sinabi ko, galit kaagad sa akin.

"Let's go na dumadami na yung mga tao," ang daming ng tao! mas mabuti kung umalis na kami kasi natutunaw na kami sa mga tingin nila.

Sumakay na kami sa kotse at ako ang nasa likod lagi naman eh. "Guys, where do you want to eat?" tanong ni tita habang nagmamaneho.

"Kahit saan tita."

"Fifty's diner."

"Sweetcakes, okay lang ba sa'yo kung sa fifty's diner tayo?"

Nag-thumbs up ako kay tita sa rear view mirror.

Nang nandito na kami nauna kaagad si Evan papasok ng diner, ang ganda ng labas ng restaurant 50's Diner, mukhang matagal na 'to.

Nang tapos na mag-order tapos 30 minutes pa, ay kinuha ko muna yung phone ko sa bag ko para ma-text sina Sam at Gino, si Gino nga pala nakuwi na.


From: Sam

Kailan ka uuwi bes? pasalubong ko ha? (-; )


To: Sam

Sa Sunday pa, huwag ka mag-alala papasalubongan kita ng lalakeng may pangalan na Marlou.

After 3 minutes hindi pa din siya nag-rereply haha baka na-shock sa tinext ko. Joke lang naman haha.


From: Gino

I'm expecting a pasalubong from you because I also got you one from Japan haha. 🌬

Psh.

To: Gino

Of course


"Tss stop texting it's freaking annoying," malumnay na sabi niya sa akin habang nakaharap sa akin with poker face as usual.

"Baby, I think meron siyang bf kaya okay lang 'yon," teka? nang-aasar ba si tita kay Evan? eh wala naman akong bf.

"Tss," sabay walk out niya at lumabas na ng resto, magsasalita sana si tita eh.

"Moody," umirap siya.

Tumawa na lang ako ng bahagya, masyadong moody na talaga si Evan these days pero nasanay naman ako eh psh.

After a minute eh pumasok kaagad sa loob si Evan at as usual ganun pa din ang mukha, mukhang napatayan.

"Tss can I borrow your phone?" ako ba ang kausap niya?

"Ako ba?"

"Mom, can I borrow your phone?"

"Baby, ako ba?"

"Tss," lumabas na naman siya. Ano ba problema ng lalake na 'yon? eh sinasagot naman namin yung mga tanong eh.

"What's his problem anyway?"

"Ewan ko ba tita."

Mr. Anonymous || kthDonde viven las historias. Descúbrelo ahora