26

51 4 0
                                    

•••

Yuri's pov

"Ano ba! Reece naman huwag nga sabi eh!" inis na sambit ko kay Reece na kasalukuyang nasa kwarto ko, nang-aasar sa mga pictures ko.

"Ang cute mo dito hahaha," tawa ng tawa 'to eh wala namang nakakatawa psh, nag-uusap pa kasi sina tita at yung parents ni Reece sa baba eh at kasama na din doon si cute boy.

Tapos si Evan naman ay natutulog daw sa kwarto niya, sabi ni manang kasi pumunta siya doon kanina. May naririnig kaya akong ingay sa loob ng kwarto niya, parang ingay na weird.

"Akin na 'yan!" pilit kong kinuha ang picture kaso si Reece naman ay itinaas pa ang picture kaya 'di ko maabot, matangkad kasi.

"Ayoko nga," asar niyang sabi at tumalon-talon pa ako para makuha iyon, sana kasi umuwi na 'tong Reece na 'to eh.

"Please!" nag-pout pa ako sabay pa-beautiful eyes sa kanya, bigla siyang napatingin sa akin ng seryoso.

Sabi ko na ba eh, effective ang pagpapa-cute ko hehe. Si Reece nakatingin pa din sa akin, mukhang na-hypnotize ang loko haha.

"Sige na!" nag-pout ulit ako at sabay hawak sa kamay niya at iniyugyog ito, na ikinagulat niya.

"Fine," tipid na sagot niya at napa-yehey naman ako sabay talon, binigay na niya sa akin ang picture at inilagay ko na iyon sa box ko.

Humiga siya sa kama ko at narinig ko siyang napabuntong-hininga ng malalim. Ano kaya ang iniisip ni Reece? siguro yung mukha ko ayieee hehe, kapal lang.

"May gusto ba sa'yo si Evan?" tanong niya out of the blue at napatingin naman ako sa kanya.

May gusto nga ba siya? kasi may girlfriend na daw siya eh ang pagkakaalam ko eh nililigawan pa lang ni Evan 'yon eh. Paano na ba niya nagustuhan 'yon?

"Dunno," tipid na sagot ko.

"So-pwede akong-"

*KNOCK KNOCK*

Biglang pumasok si Evan sa loob ng kwarto ko at napatingin naman siya sa amin with a poker face look, ano ba ginagawa niya dito?

"Hoy! ano ginagawa mo dito?" inis na sabi ni Reece sa kanya tapos si Evan naman ay tinaasan siya ng kilay.

"No I should be asking you that. What are you doing here?" mukhang nagkaka-initan na 'tong dalawang lalake na'to o baka si Reece lang.

"Hoy! wala kang pake."

"I don't care tss."

"Sumosobra ka na ah!"

"Tss you too."

"Aba-"

"SHUT UP!" inis na sigaw ko sa kanilang dalawa at huminga ako ng malalim, hindi ko maintindihan ang mga lalake na'to eh o baka si Reece lang ang hindi ko maintindihan.

Napatahimik naman ang dalawa-I mean si Reece kasi si Evan kanina pa tahimik kaso sumasagot naman siya kay Reece.

"Evan, ano ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya at napatingin na lang sa kanya with weird look.

"Tss sabi ni mom tawagin ko daw si Reece, uuwi na daw sila psh," sabi niya at umalis na ng kwarto ko ng tuluyan na hindi man lang ako pinagsalitaan o kaya naman si Reece.

"Bye!" paalam ko kay Reece at tumango naman siya with a lungkot smile.

"Kitakits na lang tayo-pag nagkita ulit tayo haha," sabi niya at tumango na lang din ako.

Umalis na si Reece ng kwarto ko at ako naman ay naiwan lang dito with the quietness surrounded on me again. Mas mabuti pa pala ang may maingay sa kwarto ko nakakabuhay hahaha.

*PRUUUUUT*

Phone ko 'yan huwag kayong ma-ano haha, may nag-text na naman sa akin, kung si Mr. Anonymous lang ito edi titignan ko lang ang text niya malamang.

Siya nga putspa.


~Mr. Anonymous~

Stay away from that guy, I have an eyes on you everyday...princess.

T-Teka paano sino sa dalawa ang iiwasan ko? as if iiwisan ko naman talaga yung dalawa niyon eh kaibigan ko ang mga iyon—hindi ko nga lang alam kay Evan kung magkaibigan kami—parang hindi naman eh hehe.

Mr. Anonymous || kthOù les histoires vivent. Découvrez maintenant