6

67 6 1
                                    

Yuri's PoV

Buti naman at nasa cafeteria na ako, hinahanap ko si Sam pero hindi ko makita. May pinasa lang kasi na papel sa faculty, tsk sana naman nagtext lang.

Bumili muna ako ng pagkain at umupo na sa upuan namin nila Sam, si Gino kasi eh bati na yung mga kaibigan niya.

Inaaya nga kami ni Gino na umupo na lang sa upuan nila, dinecline naming pareho si Gino, nakakahiya kasi eh puro boys tapos baka uminit pa ang ulo ng mga girls sa amin eh.

"Bes!" bati ni Sam sa akin at umupo na siya.

Kumikislap ang mga mata niya, I think may good news siyang sasabihin, halata naman sa expression ng mukha niya eh.

"What's with that face?" tinaasan ko siya ng kilay, napanguso na lang ang bruha.

"Nahawakan ko si Hunter!" wait sino si Hunter? wala akong alam na pangalan na Hunter, siguro aso 'yun.

"Sino 'yon?" seryoso kong tanong sa kanya, baka nga aso ang sinasabi niya.

"Si Hunter Phoenix! yung panay ko sinasabi sa'yo na crush ko! grabe bes, tinulungan niya akong tumayo kasi ba naman binangga ako ng isang weird na lalake," kilig niyang kwento sa akin, ayun lang naman.

Pero hindi ko pa nakikita ang itsura ng Hunter ba 'yon? akala ko kasi aso ang itinutukoy niya hehe.

"Ipakita mo nga ang picture niya sa akin."

Inilabas niya ang phone niya at ipinakita ang picture ni Hunter sa akin, holy sheezels! ang sizzling hot ni Hunter, hindi na ako magtataka kung bakit niya nagustuhan 'yang lalake na 'yan.

"Naglalaway ka na," loko talaga 'tong bruha na 'to, hindi naman ako naglalaway.

"Tse!"

Nag-vibrate ang phone ko, may text message na naman? sana hindi 'to si Mr. Anonymous, baka masira pa kasi ang araw ko.

From: Mr. Anonymous

What's with that face, princess? what's in that phone? I feel like it made me jealous...princess.

Kingina tumayo na naman ang mga balahibo ko dahilan sa kaba ko, stalker ko ba siya or what? siguro nakahit ng drugs 'to.

Aish makakain na nga.

---

Nakasalubong ko ang mga maids sa living room, naglilinis sila ng mga gamit. Kaya umakyat muna ako para magbihis ng pangbahay.

Panay late umuuwi si Evan, siguro baka may pinupuntahan siya, malamang at buti nga late siyang umuuwi eh para maubos ang awkwardness.

Kanina ngang detention eh naabutan kong nandoon si Hunter ba 'yon? grabe ang gwapo niya talaga sa personal pero hindi ko type masyadong masungit.

Kanina kasi eh nagtatanong ako kung anong year siya para kay Sam, hindi kasi alam ni Sam eh. Ito ba namang lalake na 'to ay isnob lang ako.

Tsaka ang sama ng tingin sa akin, what's with that glare thing anyway? wala naman akong ginagawang masama.

Tsk makababa na nga at makakain na ng meryenda, wala pa kasi si tita France, may business meeting daw sila at makakauwi si tita ng mga bandang 11:00 pm.

Kumuha ako ng slice na strawberrry cake at umupo na sa upuan (malamang) para kumain ng cake.

"Tss that's my cake," inis na sabi sa akin ni Evan, nandito na pala si TSS, at wala akong pake kung cake niya 'to.

"So?" mataray kong sabi at ipinagtuloy kong kumain ng masarap na cake.

Si Evan naman ay napa-tss na naman, sinamaan ba naman ako ng tingin at umakyat na siya nang hindi man lang ako nilabanan.

"Tss," ayan tuloy nahawa na ako kay Evan. Evan syndrome ang tawag ko.

Inilagay ko na ang mga pinggan sa lababo at umakyat na sa taas papunta ng kwarto ko, nag-stop ako sa pintuan ni Drake at nag-tss ako bago pumunta ng kwarto ko.

Humiga na ako sa kama at kinuha ang libro para mag-review para sa exam next week, gusto ko habang ngayon ay mag-review na kasi mahirap daw ang exam sabi ng mga profs.

Pinipilit kong ibuksan ang mga mata ko pero hindi ko talaga makaya eh, inaantok na ako, bukas na nga lang mag-review.

"Tss," bulong ko sa sarili ko.

Tuknene nahawa na talaga ako sa Evan na 'yon! wala bang haters club 'yon? kung meron, sasali ako!

Evan Syndrome...masearch nga kita sa google mamaya.

Nag-vibrate ang phone ko, malamang si Mr. Anonymous na naman po 'yon. Sabi ko na ba eh! siya nga ang nag-text.

From: Mr. Anonymous

is that the sun coming up? or is that just you lighting up my world...princess

Sino ba kasi 'to? sana kasi magpakilala na siya, hindi na ako nagrereply sa mga texts niya kasi natatakot ako baka poser lang 'to.

"Aish buhay nga naman."


~•~

sorry again for the short ud.

Vote. Follow. Comment
ε=ε=ε=ε=ε=ε=(; ̄◇ ̄)

Mr. Anonymous || kthWhere stories live. Discover now