42

57 8 0
                                    

•••

"Bakit mo siya pinatay?" naluluhang na tanong ko.

Nakakainis naman kasi eh. Yung pinapanood ko kasing movie, nakakabwisit to the ultra max. Horror kasi. Ang sarap patayin yung lalake psh.

"HUWAAAHHH!" napahagulgol na ako ng iyak. May halong romance kasi 'tong movie huhu.

Ito na ata yung pinakanakakaiyak na horror genre na napanood ko in my whole life. Ang sarap patayin yung director. Kinuha ko ang remote at inis na pinatay ang TV.

"O bakit ganyan ang mukha mo, sweetcakes?" natatawang tanong ni Tita nang umupo siya sa tabi ko.

"Eh kasi naman Tita huhuhu yung movie na pinanood ko," umiyak ulit ako. Ganyan ako ka-OA pag nanonood ng nakakaiyak, huwag na kayong mainis.

"Bakit may namatay ba?" tumawa ulit siya. Ano naman ang nakakatawa? Hindi nakakatawa ang may namatay huhu.

"Opo! nakakainis huhu gusto kong ipabitay ang director ng movie," sabi ko with matching pout pa. Hanggang ngayon masakit pa din ang puso ko, I'm affected.

"Sweetcakes, it's just a movie. Huwag kang magsabi ng kung anu-ano na makakasakit sa isang tao," Tita sighed. Hindi ko naman alam na nakaka-hurt pala ng feelings ang isang tao eh hehe. Tsaka hindi naman alam ng director psst.

"Sorry po," sabi ko habang nakayuko.

"Haha okay lang."

***

Sam's PoV

Oh ano? gulat ba kayo? malamang hindi. Kasi hindi naman kagulat-gulat haha, aminin niyo na.

Nasa arrival area ako ng airport at hinihintay ang kapatid kong gwapo na si Jayden. Padating na siya galing ng Korea, gusto daw niyang magbakasyon dito. Ang alam ko gusto niya lang makita ang mga chicks niya.

"Sis!" napalingon ako sa isang gwapong lalake. Couldn't it be? si bro ba 'to? waaah ang gwapo na niya, dati pa.

Lumapit siya sa akin at sabay niya akong niyakap ng mahigpit. Hindi ako makahinga grabe. Hindi niya alam na hindi ako stuff toy.

"Ano ba! hindi ako makahinga," tinulak ko siya at ayun natumba haha. Napatingin tuloy yung mga tao sa kanya, lalong lalo na yung mga girl na kanina pa nakatingin sa kanya.

"It hurts," hinimas niya pa ang likod niya at tumayo na ito. Sinamaan ako ng tingin at sabay pout pa sa akin. Tss pacute.

I rolled my eyes at him. "Tara na nga, pupunta pa ako kay Yuri eh," sambit ko at lumakad na.

Habang naglalakad ako ay napansin kong hindi siya sumusunod. Tumingin ako sa likod at hanggang ngayon ay nakapako pa din siya sa kinatatayuan niya. With a blank look.

"Hoy!" sigaw ko sa kanya at ayun sumunod kaagad sa akin.

Tss kahit kailan hindi pa din siya nakaka-move on kay— Napansin kong iba na ang mukha ni bro. Serious look na po siya. Porket nabanggit ko, bigla na lang nag-iba haha.

"Let's go. Manong," seryosong sabi nito sa driver.

Tsk bitter pa din.

***

"Mom, I'm fine," seryosong giit ni Jayden kay Mom. Kanina pa siya serious, hindi ko naman sinasadyang sabihin ang pangalan ni bes eh!

"Nope, you don't look fine," sambit ni Mom sa kanya.

"Edi huwag kang maniwala," bulong niya. Pero halatang rinig na rinig. Bulong ba 'yon, ang lakas eh.

"Jayden," Mom said with a warning look.

"Mom, sorry, bad mood po ata siya. Baka Jetlag lang po," paumanhi kong sabi kay Mom.

"Oh I see. Well Sam, samahan mo si Jayden sa mall. Para ma-lighten up ang mood niya," putol ni Mom at tumingin siya kay bro. "Is that okay with you, Jayden?"

"Yeah whatever."

***

Yuri's POV

Nandito ako ngayon sa mall, sabi kasi ni Sam na dito na lang kami magkita. May kasama daw siya, sino naman kaya 'yon?

Tinignan ko ang orasan ko at 4:37 na at wala pa din sila. Baka na traffic lang ang mga iyon. Sino kaya ang kasama niya? siguro baka mommy niya.

"Bes!" tawag sa akin ni Sam habang papalapit sa akin. Sino kasama niya? infairness baka boylet niya? tsk hindi man niya lang sinabi sa akin.

Tapos ang sama ng tingin ni Kuya huhu. Ano ang ginawa ko sa kanya? bakit ganun? halos lahat ng mga lalake sinasamaan ako ng mga tingin.

"Bes, si Jayden nga pala ang kuya ko," pakilala ni Sam sa akin. Mukhang hindi maganda ang mood ni kuya.

"Hi! I'm Yuri. It's nice to meet you," pakilala ko kay kuya Jayden. I offered a handshake pero tinignan niya lang ito.

"Are you alright?" tanong ko with a sweet smile. Kasi mukhang naluluha na si Jayden eh habang tinitignan niya ang kamay ko.

"Sorry, bes. Masyadong malungkot lang siya ngayon hehe. Tara na!"

***

Jayden's POV

Bakit hindi na ako kilala ng babae na 'yan ah? hindi niya ba alam na ako ang dating nanliligaw sa kanya pero binusted lang?

Huwag mong sabihin na nagka-amnesia siya. Hindi ko na alam ang gagawin ko kapag nalaman kong nagka-amnesia talaga ang babaeng mahal ko.

Kahit ngayon, mahal ko pa din siya.

"Nood tayong movie!" aya ni Sam sa amin. Ako tahimik lang ako, bahala sila kung ano ang gusto nilang gawin.

Lagot talaga si Sam sa akin. Sabi niya kami lang dalawa tapos kasama pala ang babae na 'yan. Pero natuwa naman ako na nakita ko siya.

Si Yuri naman ay bumili na ng tickets. Kasama ko ngayon si Sam na bumibili ngayon ng mga pagkain. Hindi ko matanong kung nagka-amnesia talaga siya kasi kinakabahan ako.

Pero hindi ko na mapigilan.

"Sam, nagka-amnesia ba si Yuri?" naguguluhang tanong ko.

Hindi siya umimik at tumingin lang siya sa popcorn na hawak niya. Feeling ko nagka-amnesia talaga siya. Silence means yes. So yes nga?

"I'm sorry bro. Yeah, noong umalis ka papunta ng ibang bansa. Na aksidente siya habang nagmamaneho ang Daddy niya, kasama niya ang Daddy niya. Buti nga amnesia lang ang nadatnan niya eh. Hindi kagaya ng Daddy niya na namatay," malungkot na kwento niya.

Hindi ko mapigilang mainis, ang mainis sa mundo. Sana makilala niya ulit ako. Teka? baka hindi niya pa alam ang dati niyang ugali? dati kasi ma—

"Hoy! tara na."

Mr. Anonymous || kthWhere stories live. Discover now