43

50 5 0
                                    

A/N: sorry po sa mga last chapters. masyadong boring yung iba huhu. nagmamadali po kasi eh, busy eh hehe. pero this time po hindi na talaga boring (I'll try) promise! -AGA

***

Yuri's pov

Nandito ako ngayon sa loob ng gymnasium. PE time kasi namin and ang lesson namin ay table tennis. Hindi naman ako marunong maglaro, baka ma-zero kaagad ako huhu.

Bulok pa naman ako sa sports. Kahit isa man lang mga sports bulok pa din ako. Pero I'll try my best para sa test ng table tennis. Kapag may nahulog na bola, zero kaagad ang test mo. Ang unfair.

"Yuri, ikaw na susunod," tinatakot pa ako ni Sam, sarap niyang ipatapon sa basura. Nervous pa naman ako.

"Gusto mo na mamatay?" tangka ko sa kanya at pinanlilisik ko siya ng mga mata ko.

"Hindi pa po," pout niyang sagot. "Malapit ka na."

Malapit ng manalo si Jonas, ang classmate namin. Nakita kong paiyak na si Dina, isa pa naming classmate. Si Dina pa naman ang highest top notcher sa amin tapos ganito lang ang maabot niya. Kakaawa naman.

Tapos itong kumag naman na itong Jonas. Ayun nakangiti ng pagkalaki-laki ng nanalo siya. Si Dina naman sinamaan lang ng tingin si Jonas tapos umalis na. Ako na huhu!

Ayokong matalo!

"Next! Yuri and Jin!" lumapit na ako sa table tennis. Hawak hawak ko na ang racket at nanginginig ang mga kamay ko.

Kalaban ko kasi si Jin, ang pinakamagaling na manlalaro ng table tennis sa school na ito. Halata namang matatalo ako. Hustisya naman!

Nakangiti ang mayabang. Grabe, kamukha ng ngiti ni James Reid ang ngiti niya! Pero mas gwapo pa din si Evan. Erase erase, wala iyon.

"Start!"

Unang tumira si Jin at ang lakas pa. Titira sana ako kaso wala na, nahulog na ang bola. Ganyan pala, hindi mo na matiis na tumira ang puso mo sa kanya at nahulog ka na sa kanya. Ay ano ba yan! sorry wala ulit iyon.

Wala na. Automatic zero na me. Halos lahat ng mga lalake nanalo, tapos kaming mga babae natatalo.

"Zero Miss Mizanami. Good luck next time. Now shake hands with Jin," utos ni Prof sa akin at tumango lang ako.

Naglakad ako papunta kay Jin na busy kumindat sa mga babae na nanonood. Kahit kailan ang landi ng mga lalake dito. Inilabas ko ang kamay ko at inilahad ito sa kanya. Tumingin lang siya dito at tinaasan lang ng kilay.

"What? gusto mong handjo—"

"You perv! I just want to congratulate you asshole," asar na sabi ko. Napa-English tuloy ako.

He grinned at me. "Thanks," inilahad na niya ang kamay niya sa kamay ko. Grabe namang makipag-shake hands ang kumag na ito. Parang papel lang ang kamay ko.

Inalis ko ang kamay ko sa kanya, ang pawis ng kamay niya. Nakakadiri, sa total pawis din naman ang mga kamay ko.

Inirapan ko siya at lumayo na papalayo sa kanya. Mukhang bagay sila ni Sam, panay pawis ang mga kamay at pareho silang jolly. Pero wala na, mukhang inlalababo na si Sam kay Gino.

***

Bumili ako ng coke sa cafeteria. Ang mahal ng isang coke in can, 100 pesos isa. Grabe namang school ito. Pero mayayaman ang pumapasok dito sa school na ito. So hindi na sila mag-aalala sa presyo. Eh ako? mag-aalala talaga.

Lumabas na ako ng cafeteria

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Lumabas na ako ng cafeteria. Pumunta ako sa locker ko para kumuha ng mga gamit ko sa next class. Hindi na ako scholar, ginawa akong regular student na. Kahit bumagsak pa ako eh hindi ako mapapaalis.

Tapos itong Sam na ito. Noong una, gusto niya talaga maging scholar kasi trip niya ito. Pero mayaman talaga ang bruha na iyon, hindi nga niya sinabi sa akin iyon eh. Pero sinabi na niya last week pa ata.

Naglakad ako papunta sa next class. Nang pumasok ako sa loob, nagtatakha ako. Walang katao-tao sa loob. Saan naman pumunta ang mga iyon? Ma-text nga si Sam.

To: Sam

Nasaan kayo? ba't walang tao dito sa room? -.-

Lumabas na ako ng room. Ang tagal naman ng text ng bruha. Tinignan ko sa iba pang room ang kaso wala din mga tao. Saan naman pumunta ang mga iyon? nakakatakot tuloy, ako lang mag-isa sa hallway.

Bigla ako napahiyaw sa saya dahil may text na si bruha.

From: Sam

Nandito kami ngayon sa auditorium. May nangyayari dito na nakakainis. PUMUNTA KA NA DITO! ASAP. (_')

Tumakbo ako papunta ng auditorium. Buti na lang at malapit lang iyon. Nang pagkapasok ko, biglang sumabog ang puso ko sa nakikita ko ngayon.

Si Evan...hinahalikan si Tiana sa stage. Mismong stage pa at nanonood ang mga tao, humihiyaw ang mga tao sa kilig. Nakita kong may hawak na cardboard si Evan na nakalagay 'will you be my girl?.'

My heart exploded. Hindi ko kaya makita ang mga ito. Tumakbo ako paalis habang ang umaagos na ang mga luha ko.

The worst part is...

Nakita kong nakangiti ng pagkalaki-laki si Evan. Hindi ko pa siya nakikita na ganun ang mga ngiti niya, it's love kaya ganun siya.

At...

Sa lips niya hinalikan.

"Congrats to them," I bitterly said at pumasok na sa loob ng library para magmukmok.

Mr. Anonymous || kthWhere stories live. Discover now