5

79 6 0
                                    

Yuri's PoV

"I-block ko kaya 'tong number na 'to? aish huwag na baka si Gino lang 'to," inis na bulong ko sa sarili ko.

Hindi ako makatulog eh, paano naman kasi yung mga texts ni Mr. Anonymous eh nakaka-goosebumps, masyadong nakikilabot. Nalaman 'kong lalake pala siya kasi naman sinabi niya eh.

Hindi ko nga alam kung paano niya nalaman ang number ko, mag-iba kaya ako ng number ko? tss sayang lang sa pera.

Tinignan ko ang cute kong orasan, 11:45 na pala tsk may pasok pa ako bukas baka malate pa ako ng gising.

Kaya idadaan ko na sa pagtulog ang mga naiisip ko hehe.

---

"Ms. Mizanami! what's the answer?" mataray na tanong ni Ma'am Alanas, hindi ko namalayan nakatulog pala ako paktay!

Pinilit kong ibuksan ang mga mata pero bumibigay eh, ang hirap buksan. "Ma'am can you please repeat the answer—ay shit I mean question?" kingina napamura ako, patay na talaga ako kay Ma'am.

Natawa tuloy yung mga kaklase ko, at pinagalitan tuloy sila ni Ma'am.

"Forget it! punta ka sa detention room mamayang uwian!" galit na sabi niya, nakakahiya shems.

Umupo na lang ako at nakinig na lang sa mga sinasabi ni Ma'am Alanas, nakakaantok kasi yung mga itinuturo eh. Yung mga kaklase ko nga ay nakatingin sa akin, tapos si Sam at Gino naman ay parang natatawa.

Umirap na lang ako.

Ganito kasi ang nanyare kung bakit ako nakatulog sa klase...

Flashback...

"Tss wake up!" teka nanaginip ba ako? si Evan ay ginigising ako.

Tangina 4:30 pa lang ah, ang aga-aga pa kaya sinabi ko matutulog pa ako kasi maaga pa. Itong lalake naman ay binuhusan ako ng malamig na tubig.

"Ano ba?!" galit na sambit ko sa kanya, hanggang ngayon pokerface pa din.

"Tss wala akong magawa so I woke you up," pokerface niyang sabi na hindi man lang tumatawa.

"Gago ka! umalis ka na nga," inis na sabi ko.

"Next time, isara mo ang pintuan mo," sabi niya at umalis na ng kwarto ko.

Teka?! parang nakita ko siya tumawa ng malakas nang lumabas siya ng kwarto ko. Is it real? grabe ang lakas ng tawa at ang cute pa.

Tsaka hindi ko man lang isinara ang kwarto ko tsk at bakit ang aga niya ata nagising? tsk. Ayan tuloy hindi ako makatulog sa kanya, sa tawa niya at sa lamig na tubig na ibinuhas sa akin.

Bwisit ka talaga Evan.

Flashback ends...

So ayun ang nanyare kung bakit ako hindi makatulog kanina, kaya nakatulog tuloy ako sa klase.

Pumunta na kami ni Sam sa next class, umupo kaagad ako at ipinatong ko ang libro sa table at doon ko ipinatong ang ulo ko.

Gusto kong matulog eh, kapag tinanong ako kung bakit ako natutulog sa klase aba syempre! sasabihin ko sa kanila na si Evan Faulkerston ang may kasalanan kung bakit ako natutulog sa klase.

Kaso may panira na naman ng tulog ko.

"Hey!" bati sa akin ni Gino habang kinakawayan pa niya ako.

(-_-)zzz Poker face lang ang ipinakita ko sa kanya, tumawa na lang siya ng mahina. "Natutulog ka ba?"

Ano sa tingin mo?

"Ay oo nga hehe sige matulog ka pa," nagpeace sign pa siya sa akin at umupo na siya sa upuan niya (malamang).

Kaya bumalik na ako sa precious kong tulog, sinabi ko kay Sam na gisingin na lang ako, kapag malapit na si prof kasi naman malapit lang siya sa pintuan at may windows pa sa tabi niya na makikita ang hallway.

Tulog na me.

~*~

short ud sorry.

Vote. Comment. Follow
*\(^o^)/*

Mr. Anonymous || kthWhere stories live. Discover now