9

68 6 0
                                    

Yuri's PoV

"Uwi na ako ha?" paalam ko kay Gino at tumango na lang siya.

"Hatid na kita," kinuha pa niya ang susi sa table at lumabas na para ipaandar na ang kotse.

Tss wala pa akong sinasabi, pero makikisakay na ako naalala ko pala na hindi ko natext si manong driver.

Sumakay na ako ng kotse at ipinahurot na niya ito, habang nagdadrive siya parang serious ata ang mukha ni Gino.

Ano problema nito?

"Okay ka lang ba?" tanong ko.

Tumango siya at biglang nag-iba ang expression niya, biglang naging masaya. "Ano ka ba? hahaha naalala ko kasi na may laro ng game ngayon hehe," hindi ko mapigilang maguilty kasi ba naman eh hinatid pa niya ako tapos may papanoodin pa pala siya.

"Sorry Gino, ibaba mo na ako dito," sabi ko sa kanya habang nakayuko.

"Huy ano ka ba! okay lang mas importante ka kaysa doon. Dapat makauwi ka ng safe, tsaka may replay naman bukas," tawa niyang sabi, kaya natawa lang ako ng mahina.

Tsaka nasabi ko na kay Gino kanina na nakatira muna ako sa mansion nila Evan, sinabi ko ang dahilan kung bakit, ayun okay lang sa kanya.

Tsaka tinanong ko si Evan kung okay lang malaman ng iba kung saan ako muna nakatira, ayun sabi niya okay lang with matching poker face tapos tss.

"Thank you ha!" pasalamat ko at nagsalute na lang siya sa akin. "Ingat."

"Ikaw din," bumaba na ako ng kotse at nag-wave sa kanya bago siya umalis.

Habang palakad akong papasok ng mansion, nakita ko si Evan na nakasilip sa bintana, at nang nakita niya akong nakatingin sa kanya ay umalis kaagad siya sa bintana.

Weird.

Pumasok na ako sa mansion at nakasalubong ang mga maids as usual, wala pa din daw si tita France, may super late meeting daw sila.

Umakyat na ako papunta ng kwarto at nagpalit na ng damit na pangtulog kasi 7:00 pm na, late na namin nagawa ang project kasi ba naman ang daldal ni Gino.

Bumaba muna ako at kumuha ng tubig sa ref, habang umiinom ako nakita ko sa peripheral vision ko si Evan.

"Tss it's late," pokerface niyang sabi, wala ba 'tong pake sa mukha niya? wala siyang pake sa expression niya?

"Gumawa kami ng project kasama ko si Gino sa bahay nila," sagot ko sa kanya at inilagay na ang baso sa lababo.

"Tss next time, tell the driver na hindi ka na susunduin," sabi niya bago umalis ng kitchen.

Nakalimutan ko nga pala! wala kasi akong load, nakakahiya tuloy kay manong driver. Masabi na nga lang bukas.

Umakyat na ako at nang nandito ako sa labas ng kwarto ni Evan ay napa-tss ako bago ako pumasok ng kwarto ko.

Kinuha ko ang laptop at nag-log in sa Facebook, ganun pa din ang news feed puro status sa lovelife. (。-_-。)

Ma-search nga ang FB ni Evan...

Naks naman si Evan! yung profile picture niya ay nakangiti ng malapad tapos nakapose kasama ang aso niyang si Prince. Selfie pa more!

Tapos famous si Evan! malamang sa school famous na nga eh tapos 2.5k likes ang mga photos niya, puro thousands ang likes kahit status.

Add ko ba siya? huwag muna pag okay na ang stage namin, doon ko na siya i-aadd.

Maka-post nga ng status...



Yuri Mika Mizanami with Gino Rence Alonzo
just now • 👥

Ano ang meaning ng NBSB? Gino?
Ang sabi mo meaning ng NBSB ay Nothing But Shit Bags hahaha...sorry labyu pre. 😘😂

47 likes • 25 comments • 6 shared

See more comments...

Gino Rence Alonzo hala! bakit mo pinost nakakainis ka hmp!

Samantha Devon Cruz ayiee magkasama silang dalawa kanina, buti pala hindi ako pumasok.

Evan Louis Faulkerston tss what an idiot Gino...


Grabe talaga pag tinag mo ang isang famous, ang bilis eh. Pero si Evan nagcomment?! at ngayon in-add niya na ako.

Accept ko ba or ignore?

Accept ko na kawawa naman eh hehe.

Bago ko in-accept ang friend request ni Evan ay pinatay ko na ang laptop at natulog na ng mahimbing kasama ang isip ko kay Evan.

---

"Bakit ka absent bruha?!" inis na tanong ko kay Sam, nasa unang period kami at mabuti naman nandito na siya.

"Tsk sinundo namin si daddy sa airport," nakangusong sagot niya.

"Eh bakit dalawang araw?"

"Pumunta pa kami sa Bohol para bisitahin namin ang lola ko."

Tumango na lang ako, nakita ko si Gino na natutulog sa mesa niya, mukhang late ata ang tulog nito ah.

"Huy Gino, gising na padating na ang prof," malakas na sabi ni Sam sa kanya, nasa tabi niya kasi ang bintana kaya makikita niya kung nandyan na ba ang prof.

Hindi pa din gumigising ang loko, humihilik pa nga eh tapos yung mga kaklase naming babae ay pinipicturan siya.

"Gino, may sunog!" kunwari kong sigaw sa kanya para magising na 'to.

In instant tumayo siya at ibinuhat ako, nagulat ako doon. "Tanga wala," tumawa ako ng malakas tapos yung mga kaklase namin ay nagsitawa na din.

"Tsk kainis ka," sinamaan niya ako ng tingin at nag-peace sign na lang ako sa kanya.

Bumalik ulit siya sa mahimbing na tulog niya, bahala siya kung mapagalitan siya ni prof pag dating.

Nang nandito na si prof ay sinigawan kaagad si Gino, in instant tumayo siya at napatingin kay prof.

"Detention mamaya!" galit na sabi ni prof.

Tumango na lang si Gino at umupo na siya, namumula ang mga pisngi niya hehe, tapos yung mga babae ay nagtilian kasi nakita nila ang namumulang pisngi ng crush nila.

"Tss."

Ako yun hehe, meron na akong Evan Syndrome.







~•~

Vote. Follow. Comment
ε=ε=ε=ε=ε=ε=┌(; ̄◇ ̄)┘

Mr. Anonymous || kthحيث تعيش القصص. اكتشف الآن