1

482 13 3
                                    

Yuri's PoV

"Anak, papasok pa ako sa trabaho. Ikaw muna sa bahay ah?" paalam sa akin ni mama, tumango na lang ako at sinuklian siya ng ngiti.

"Ok po."

Umalis na si mama at naiwan na naman ako sa bahay, nakakainis na isipin na wala na siyang time para sa akin. Pero tanggap ko naman kasi wala na nga si daddy, patay na.

Noong nawala si daddy, naghirap kami nila mama. Pero hindi susuko si mama kasi nandito ako para sa kanya.Dati kasi mayaman kami pero biglang nawala iyon noong namatay si daddy.

*Sam calling*

"Aish ano na naman kailangan ni 'tong babae na 'to?" inis na sabi ko sa sarili.

"Oh ano na naman?!"

[Grabe ka naman bes, hindi mo man lang ako sabihan muna ng hello?] tawa pa niyang sabi, eh busy ako sa paglilinis ng bahay eh.

"Then what do you want from me?" ang sakit niya sa ulo, kanina pa kaso tumatawag eh.

[Kuha tayo ng exam para scholarship sa IAS?] tuwang tuwa niyang sabi.

"Tss para saan?"

[Tanga! kuha tayo sige na! next week wala na 'yon sayang naman] paawa pa niyang sinabi.

Napabuntong-hininga na lang ako, what's with the use of education eh yung ibang nakakagraduate ng college eh walang trabaho.

Siguro kailangan ko 'din mag-aral para sa kinabukasan namin ni mama. Tama nga si Sam.

"Ok then, pero magpapaalam muna ako kay mama."

[Kyaaaaa! love you na talaga Yuri!]

Natawa na lang ako. "Ok love you too."

Binaba ko na ang tawag at nagsimulang magluto ng hapunan ko, kasi si mama naghahapunan siya sa hospital.

Nurse si mama, natanggap siya kasi kilala siya ng may-ari ng hospital. Salamat talaga sa may-ari na 'yon kung wala siya wala kaming makakakain.

17 years old na ako, dapat nga first year college ako ngayon eh, hindi ko man lang inisip ang scholarship. Kasi sa tingin ko hindi ako makakapasa doon.

---

"Anak, ako na lang ang maghugas ng mga plato," sabi ni mama habang inilalagay ang mga plato sa lababo.

"Eh ma, pagod ka galing sa trabaho," sambit ko sa kanya, ngumiti ako sa kanya.

"I don't care anak," this time sinamaan niya ako ng tingin.

I let out a small chuckle. "Fine ma, you win."

"Umakyat ka na sa kwarto mo at matulog na, may entrance exam scholarship pa kayo bukas," tuwang-tuwa na sabi ni mama, habang pumapalakpak ng medyo lang.

"Ok goodnight."

Humiga na ako sa kama ko at kinuha ang libro sa bedside table, mahilig ako sa novel.
Actually gusto kong maging literature teacher pero parang hindi ako fit doon sa category na 'yon.

Mr. Anonymous || kthWhere stories live. Discover now