35

58 6 0
                                    

•••


Ilang araw na lang ay uuwi na ako...kaso hindi ko kasama sila mama sa pag-uwi. Hindi pwede umalis si mama kasi may pinapatakbo siyang cafe tapos yung step-dad ko ay merong madadaming 6-star rated hotels sa Hongkong at sa Pilipinas din! Meron din ata sa America.

Ang yaman grabe.

Sinabi na sa akin ni mama ang totoo, hindi pala siya nurse...nagawa niya lang talaga mag-singualing kasi hindi niya kayang masabi sa akin ang totoong rason.

Yung mga pero na nakukuha ni mama ay galing pala sa step-dad ko...

Wala daw kasi mahanap si mama ng trabaho kaya napilitan siyang mang-hingi ng pera sa bago niyang asawa, and yung asawa naman niya ay hindi naman tumututol kasi nga mahal ito.

"Kakain na daw po sa baba," banggit sa akin ni manang na nakasilip sa pinto ko. Filipino si manang, buti nga eh.

"Wait lang ho," sabi ko at inayos ko ang mga gamit kong nakakalat sa floor kanina.

Bumaba na ako at dumiretso sa dining area, nandoon na silang lahat. Umupo na ako sa tabi ni mama at nagsimula ng kumain, kailangan ko kasing umakyat kaagad kasi magska-skype kami nila Sam at Gino.

Habang kumakain ako ay nakita kong nanlilisik ang mga mata ni Xavior sa akin, ano problema niya? bakit ba lahat ng tao ay sinasamaan ako ng tingin? insecure much.

I rolled my eyes.

"Ma I'm done now," sabi ko kay mama at tumingin kay step-dad. "Dad, goodnight."

He laughed heartily. "Good night too sweetie."

Nginitian ko lang ng maliit si Xavior na masama pa din ang tingin sa akin at lumayas na ako sa dining area.

Kahit kailan nga talaga ang mga boys.

Binuksan ko kaagad ang laptop ko at in-open ang skype, buti na lang online ang dalawa.

"Guys!" bati ko sa kanila nang nakita ko ang mga mukha nila na nag-pop sa laptop.

Si Gino ay kumaway pa na parang bata haha tapos si Sam naman ay kumakain ng? banana at kadiri grabe! ang dumi ng mukha.

"Sam, bakit ganyan ang mukha mo?" natatawang tanong ko at sabay palo sa kama ko.

"Kasi ganyan," sarkastiko niyang sabi. "Joke. Naloko ako nila kuya, sinaksak ba naman yung mukha ko sa cake huhu."

"Mas maganda ka pag ganyan ang mukha mo," asar ni Gino kay Sam at si Sam naman ay sinamaan lang ng tingin.

"Magpunas ka nga."

"Nakakatamad."

I mentally rolled my eyes at her.

"Ano balita diyan?" tanong ko sa kanila.

Si Gino naman ay napakamot lang sa noo tapos si Sam naman ay nag-shrugged lang.

"Hello?" kaway-kaway ko pang sabi.

"It's me."

"I was wondering if after all these years you'd like to meet."

Mga loko kahit kailan, tinatanong ng maayos eh niloloko pa ako tss.

"Ano ba kasi?" inis na saway ko sa kanila.

"Ganun pa din," Gino shrugged.

"Oo nga," sang-ayon din ni Sam.

"K," tipid kong sabi.

"Hahahahahahaha," rinig kong tawa sa background ni Gino teka sino 'yon?

"Manahimik ka nga," bulong niya sa tao na hindi ko makita sa background, may nakatago atang tao doon eh.

"Gino, sino 'yon?" tanong ko.

"Ah wala pinsan ko lang hehe oh sige kailangan ko ng mag-sign out. May pupuntahan pa kami hehe," nag-peace sign pa siya sa akin at biglang nawala ang pop up niya sa laptop ko.

Buti na lang may ka-chat pa ako hehe.

"Magsa-sign out na ako bes. Kakain muna ako sa baba, tinatawag na ako eh," sabi niya bago siya mag-sign out. Great.

Hindi man lang ako pinagsalitaan.

Kamusta na kaya si Evan?

Sila pa din ba ni Tiana?

Feeling ko naman hindi mahal ni Evan 'yon eh. Parang walang sparks sa mga mata niya pag kasama niya si Tiana. Buti na nga.

Dapat makahanap si Evan na mas mabuti pa kaysa sa babae na 'yon.

At ako 'yon.

Joke! pero gusto ko ako 'yon hehe.

Habang naglalaro ako sa phone ko ay may nag pop-out na message...siya na naman? sino ba talaga siya?



~Mr. Anonymous~

I saw your photos on facebook. Who's that guy? the guy who sat beside you? tsk it made me jealous...princess.




I rolled my eyes, jealous pa more kuya! sana naman hindi kamukha ni Marlou yung nagte-text sa akin nito kundi baka mahimatay pa ako sa takot. Nagsasabi lang po ako ng totoo.

Hindi naman ako nagpopost sa facebook ah? siguro itinag lang ako ni Xavior my brother. Kaka-add niya lang sa akin kanina eh.

Siguro ito na ang time para i-text si kuya? ay teka nga pala?! nasa ibang bansa ako tapos paano siya nakapag-text sa akin?

Aish hindi ko alam...paturo nga kay mama o kay Xavior...

Mr. Anonymous || kthWhere stories live. Discover now